"YOU'RE such a failure, Archilla!"Napaigtad si Archilla nang sumigaw ang kaniyang ama. Nanginginig na ang mga kamay niya at nagbabadya nang tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Nanatili siyang nakayuko at kagat ang ibabang labi habang tinatanggap ang hampas ng latigo sa kaniyang likod.
She whimpered when she felt a pang of pain on her back. Sobrang sakit no'n at nanunuot hanggang sa buto niya. This is what she gets for being a failure. For disappointing her father again. For being useless.
"Dahil sa'yo, nakawala ang notorious drug lord na ilang taon na naming hinahanap!" Humigpit ang kapit niya sa damit nang makatanggap nang hataw ng latigo. "Ang dali lang nang pinagawa ko sa'yo! Bantayan mo at huwag mong hayaang makatakas! Pero naisahan ka parin. Punyeta! Nasa kamay na natin, dumulas pa!" Puno nang galit na sabi ng kaniyang ama at parang nanggigigil na hinampas na naman siya.
She knew this would happen. Kasalanan naman kasi niyang nakatakas ang notorious drug lord na matagal nang pinaghahanap ng ama niya. Maayos na e. May nakapag-tip na sa kanila kung nasaan ang hideout nito at madali silang nakapag-plano at sinugod nila ito. Nakita niya kung paano lumiwanag ang mukha ng ama niya nang mahuli nila ang drug lord.
Maging siya ay nasiyahan dahil malaki ang galit niya sa mga kriminal na katulad ng drug lord na iyon. Kung pwede nga lang ay tinapos niya na ang buhay no'n.
And for the first time, her father trusted her. Pinaubaya sa kaniya ang pagbabantay sa drug lord hanggang sa makarating ito sa precint. Pero sa kalagitnaan ng byahe nila, humarang ang dalawang itim na van at in-ambush sila. Wala namang namatay sa mga kasamahan niya pero sugatan ang mga ito at nasa hospital. Wala narin ang drug lord dahil iniligtas ito ng mga kasamahan nito.
Nakarating sa kaniyang ama ang nangyari at imbes na mag-alala sa kaniya, nagalit pa ito. Hindi na siya pinadalang hospital at dumiretso na sila sa bahay nito kahit na ba may mga daplis siya ng bala sa katawan. Her blood is dripping, idagdag pa ang dugong galing sa likod niya.
Well, this is not the first time that her father did this. Kaya nakakayanan niya nang indahin ang sakit na tagos hanggang buto.
Nagsisimula nang manlabo ang mga mata niya. Nanghihina narin ang katawan niya dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya. Her father is saying something pero sobra na siyang nanghihina para pakinggan pa ito.
Marahan siyang umiling, baka sakaling mawala ang panlalabo ng mga mata niya. Ngunit wala ring nangyari. Mukhang malapit na siyang himatayin sa sobrang panghihina.
She can feel it. Yeah. She can feel darkness ready to engulf her. Ipipikit niya na sana ang mga mata at hayaang lamunin ng kadiliman nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto.
"Dad! What are you doing?!"
Narinig niya ang galit na sigaw ng bagong dating bago maramdaman ang mga brasong yumakap sa kaniya.
A small smile formed in her lips before darkness consumed her.
NAIINIS na binato ni Ark ang lata ng beer sa pinakamalapit na pader nang mapanuod ang balita sa TV.
That drug lord is really getting into his nerves. Bakit kasi nakatakas pa ito at hindi nalang namatay. Malaki ang atraso niya rito kaya gusto niyang mamatay na ito. Ang tanga-tanga naman kasi ng mga pulis na nagbantay rito. Hindi ba nila alam na maaaring may mga tauhan pa ito at abangan sila? Masyado silang naging kampante. Mga tanga. Mga walang utak.
"Dapat kasi pinatay na nila para wala nang problema," naiirita parin niyang sabi. "Mga salot naman iyon sa lipunan--" napahinto siya sa pagsasalita nang may ma-realize. Kapagkuway natawa nang malakas.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomanceShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --