"WHY did you choose to be a police officer, Archilla?"
Tanong ni Ark habang pinaglalaruan ang artificial na bulaklak sa ibabaw ng mesa. Mula sa kaniyang peripheral vision, nakita niyang napahinto si Archilla mula sa paghihiwa ng sibuyas.
He's curious. Para sa kaniya, bihira sa babae ang may interes sa pagpu-pulis. Kaya nahihiwagaan siya kung bakit naging interesante para kay Archilla ang kinuhang propesyon.
Mula nang magka-isip si Ark, namulat na siya sa katotohanan. He had seen all the truth hiding beneath those beautiful lies. He had heard the stories of those who weren't able to fight for justice. Sa kaniyang murang isipan, naipasok niya na sa isip na hindi dapat siya magtiwala sa kahit na sino. Lalo na sa mga pulis, politicians and those who abuse their power.
Funny how he can trust Archilla though.
Bata palang, nakita niya na ang kalakaran sa madilim na mundo. He grew up with people whom everyone called criminals. When in fact, they are not. All of them are innocents, at ang totoong kriminal ay malayang gumagala.
He can be considered as criminal, though. Because he kills criminals.
"Why did you ask?" Archilla said in a soft voice.
He smiled. Simula nang muntik nang may mangyari sa kanila two days ago, napapansin niyang nagiging malambot ito. Akala niya, magkakaroon ng gap sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi. Para ngang mas naging komportable si Archilla sa kaniya. And he likes it. He likes her.
"I'm just curious," aniya at tumayo mula sa pagkakaupo.
Lumakad siya palapit dito at sumandal sa lababo. Archilla gave him a sideway glance and continued cutting the onion.
Hindi ito sumagot. Nakita niya lang ang tipid nitong ngiti. He sighed. Lumapit pa siya at inipit ang maikli nitong buhok sa likot ng tenga. Kapagkuwa'y dahan-dahang pinalibot ang mga braso sa bewang nito.
He felt her stilled. Ngunit agad din nagpatuloy sa ginagawa at hinayaan na siya.
"I idolize police officers, Ark," Archilla said and stopped chopping onions.
Tinanggal niya ang pagkakayakap sa bewang nito at lumayo ng kaunti para tignan ang mukha ni Archilla. Nakangiti ito at malayo ang tingin na tila may naalala. He looked deep into her eyes. She's smiling but her eyes says otherwise.
"What did they do for you to idolize them?" He asked out of curiosity.
Humarap ito sa kaniya. Nagulat siya nang makitang maluha-luha ang mga mata nito. Ito na ba iyon? Ang nakaraan ni Archilla na hindi masabi-sabi sa kaniya?
He doesn't want to see Archilla's eyes with tears. But he also want to know what happened to her.
"They saved me, Ark," she said in a low voice. "They saved me when I'm about to experience hell."
Nang makitang pupunasan nito ang mata gamit ang kamay ay agad niya itong pinigilan.
"Don't. Naghawak ka ng sibuyas tapos magpupunas ka ng mata?" He said, trying to joke around. Archilla chuckled and washed her hands.
Nang matapos ay tila nawalan ito ng gana sa pagluluto kaya inaya niya ito sa living room.
Nang makaupo sa mahabang sofa, pinasandal niya ito sa dibdib niya at niyakap niya naman ang braso sa bewang nito. Nakataas ang paa ni Archilla sa sofa habang ang sa kaniya naman ay nakababa sa sahig.
"How did they save you?" He asked.
Huminga nang malalim si Archilla bago mas isiniksik ang sarili sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomanceShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --