DAMIAN ROOSEVELT. 'Yan daw ang pangalan ni Damian nang tanungin ni Archilla. He's a businessman, ngunit hindi naman nito sinabi kung anong business nito.Roosevelt is a familiar surname. She asked if he owns the Roosevelt University where she studied college, and he said that his brother owns it.
Iyon lang ang sinabi ng lalaki tungkol sa sarili nito. Hindi narin siya nag-usisa dahil humihigpit ang hawak ni Ark sa bewang niya. Hindi na kasi siya nito binitawan hanggang sa makaupo sila sa sofa. Tinatanong niya si Damian dahil gusto niyang malaman kung sino ba talaga ito. But everytime she asked questions that would make her figure out who he really is, lagi nitong nililigaw ang usapan.
Sa tuwing titignan naman niya ito sa mga mata, wala siyang makitang emosyon. Like she's looking at a dark ocean in the middle of the night. It's too dark, and scary.
Kaya hindi niya maiwasang magduda sa pinapakita nitong ngiti. He is playful alright. He is wearing a mask.
Hindi niya na pinagtuonan ng pansin iyon. Everyone's wearing a mask, that's not new. And she respect that.
Gusto niyang makilala kung sino nga ba talaga si Ark, at sisimulan niya iyon sa pagkilala kung sino talaga ang mga kaibigan nito.
Damian is a businessman, posible kayang businessman din si Ark? But why did he become a criminal?
Is there some kind of revenge thingy? Ganoon kasi ang una niyang naisip. Sinabi pa dati ni Ark na hindi inosente ang mga pinapatay nito. May nakagawa ba ng kasalanan dito at naghihiganti ito?
If yes, ang mga pinatay ba nito ay konektado sa isa't-isa?
If no, then what is his reason to kill?
Gusto niyang imbestigahan iyon, ngunit ayaw niyang pangunahan si Ark. Ayaw niyang magalit ito dahil inaalam niya ang mga bagay tungkol dito. If he gets mad at her, he will leave for sure. At hindi niya kaya iyon.
She could ask. Pero hindi niya magawa dahil may parte sa utak niya na hindi handa sa kung ano ang sasabihin nito.
She figured out that he's lying about his real name. She was hurt and she felt betrayed but it's Ark, he has his reasons, right?
Natatakot siyang malaman ang totoo mula rito. Masakit na para sa kaniya ang nadiskubre, ngunit mas lalo siyang masasaktan kung kay Ark mismo manggagaling ang totoo. Mas masasaktan siya kung aaminin nitong nagsinungaling ito tungkol sa pagkatao nito.
But yeah, truth hurts.
"Now I'm hating Damian," rinig niyang bulong ni Ark. Parang kausap pa nito ang sarili habang masama ang tingin sa sofa na inupuan ni Damian kanina.
She sighed. Kakapasok niya lang sa loob ng bahay dahil hinatid niya sa gate si Damian at Anchor. Pumunta pala ang lalaki sa bahay niya para sunduin si Anchor dahil may naghahanap daw dito. Wala namang pag-aalinlangan na sumama si Anchor na tila excited pa.
Kaya ngayon ay naiwan silang dalawa ni Ark.
Umupo siya sa tabi nito at sumandal sa balikat nito. He then wrapped his arm around her waist. Hinila pa siya nito palapit hanggang sa dikit na dikit na siya sa katawan nito.
Silence filled the house until she remembered how Damian's gray eyes glow in delight when he looked at Anchor. That's the first genuine emotion she saw in Damian.
"Does he like kids?" she asked Ark.
Mabilis itong humiwalay sa kaniya. Nagtatakang tumingin siya dito. Masama ang tingin nito sa kaniya at nakatiim ang bagang. Nakakuyom din ang kamao na parang may hindi nagustuhan sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomanceShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --