Hi. I'm sorry for the super late update. Enjoy reading~
~•~•~•~•~•~•
TAHIMIK na nanunuod ng balita si Ark habang hinihintay na dumating si Caspian. Pinapunta niya ito upang makausap tungkol sa napag-usapan nila ni Archilla. Mababaliw na kasi siya kakaisip kung ano bang koneksyon ng organisasyong kinabibilangan nila sa mga taong kinuwento ni Archilla.
Ark sighed. Hindi iyon magagawa ng organisasyon, that's for sure. Pero sino? If they have the same tattoo, which is the insignia of the organization, sino ang mga taong iyon?
Napailing nalang siya at itinuon ang atensyon sa balita.
"Isa na namang kakapasok lang na balita. Natagpuan sa isang bakanteng lote ang katawan ng isang babaeng hinihinalang---"
Inis na pinatay niya ang TV. Hindi na talaga matatapos ang ganoong klaseng balita. It boils him. Kung pwede lang na isa-isahin niya lahat ng mga rapist at killer na walang awang pumapatay ng inosente, ginawa na niya.
"Dapat talaga maipatupad ang death penalty sa bansa."
Kumunot ang noo niya at tinignan ang nagsalita. It was Caspian. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa at hindi niya alam kung bakit hindi niya ito napansin. Napailing nalang siya. Bigla-bigla nalang sumusulpot ang kaibigan. Buti nalang at hindi siya magugulatin.
"Death penalty?" He chuckled. "Humihiling ka ng death penalty sa bansa kung saan ang sistema ng hustisya ay madumi?" aniya at kinuyom ang kamao.
Marami siyang kilalang mga inosente na hinatulan noon ng kamatayan. Doon niya natanggap na kahit kailan, hindi na magiging malinis ang sistema ng hustisya sa bansang kinabibilangan niya. Na ang hustisya ay para lang sa mga may pera. Kapag mahirap ka, ikaw ang mamamatay kahit wala kang ginagawang kasalanan.
"Kaya nga nandito tayo, Caspian. Tayo ang nagbibigay ng hustisya na hindi kayang ibigay ng gobyerno," he said and looked at Caspian.
Tumango ito. "Sabagay. Maraming maa-agrabyado."
He sighed. Ayaw niya nalang isipin iyon. Ang kailangan niyang problemahin ay ang tungkol kay Archilla.
"How's work?" he asked.
Caspian sighed. "Hindi na lang mga teenagers ang kini-kidnap. Pati mga bata. Kailangan ko na talagang mahuli ang may pakana lahat ng mga nangyayari ngayon."
Kumunot ang noo niya. Naalala niya noong bumisita ang kuya ni Archilla, nabanggit nito ang kidnapping case. Ngunit ang kaibahan lang, sila may lead kung sino ang mastermind ng lahat ng mga nangyayaring krimen, pero ang Kuya ni Archilla, wala.
"Mas lalo pa akong nahirapan ngayon dahil baguhan sa organisasyon ang binigay na partner sa akin," angil nito na tila naiinis.
Gulat na napatingin siya kay Caspian. "May bago?" he asked.
Tumango ito. "He said he wants to dig deep on the kidnapping case thirteen years ago. Ni-recruit siya ni Ruby." N umiwi ito. "I think there's something weird going on between the two of them," anito na tila kinilabutan.
"Bakit ikaw ang naging partner niya instead of Ruby?"
"May ibang case na inaasikaso si Ruby." Kibit balikat na sabi nito. "Anyways, bakit mo nga pala ako pinapunta?"
He sighed. "Archilla said that those who kidnapped them when she was fifteen has a tattoo. And that tattoo is similar to our insignia."
Napansin niyang kumunot ang noo ni Caspian. "She was kidnapped?" he asked.
Tumango siya at mahigpit na kinuyom ang kamao. He can still remember how she trembles while telling everything to him. He can still see the fear in her eyes. Gusto niyang pagbayarin ang mga taong nagtanim ng takot sa puso ni Archilla. Gusto niyang ibigay sa babae ang hustisyang hindi nito makuha.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomanceShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --