"I DON'T trust you." Paulit-ulit na naglalaro sa isip ni Archilla ang sinabing iyan ni Ark noon. Sinabi nitong wala itong tiwala sa kaniya. But she insisted na meron, na nagtitiwala ito.
Ngayon hindi niya alam kung totoo ngang meron. Maybe she's just acting immature? Oo naglihim ito sa totoo nitong pagkatao, pero sapat na ba iyon para magalit siya? They've been living in one roof for days? Weeks? And she can tell that they already have this strange connection. Pero sapat ba iyon para mag-emote siya dahil hindi nito sinabi ang katotohanan tungkol sa pagkatao nito?
Argh! She doesn't know what to feel anymore!
Nagu-guilty siya dahil hindi niya ito pinansin kanina kahit na ba gustong-gusto niyang tignan ito at kausapin. Mahigit isang oras narin siguro mula nang iwan niya ang mga bisita sa kusina. Hindi naman siya totally galit. Nahihirapan siyang i-digest sa utak niya ang mga nalaman. May parte sa kaniya na sinasabing niloko siya ni Ark, pero may parte na nagsasabing intindihin niya ang lalaki. Kahit hirap siyang intindihin kung bakit ang dami nitong pangalan, pinipilit niya parin.
Is it part of being a criminal?
Lahat ba ng mga naging pagkakakilanlan nito ay mga criminal din?
She's not familiar to any of those names kaya sa tingin niya ay hindi.
Clark Torres. Maybe that's his new name? Naalala niyang patay na ang Ark Delgado na naging pangalan nito. Kaya ba meron ulit itong bagong pangalan?
Damn it! Hindi niya na alam kung anong iisipin!
Totoong pangalan na ba nito ang Clark Torres? O isa na naman sa mga peke?
Ark's name is fake. Hindi niya maiwasang isipin na baka ang mga pinakita din nito sa kaniya ay hindi totoo.
Sinapo niya ang dibdib nang maramdamang nanikip iyon. Sa isiping hindi totoo lahat ng sinabi at pinakita nito sa kaniya, sumasakit ang puso niya. Ayaw niyang mag-isip ng mga negatibo pero hindi niya talaga maiwasan.
Maybe she should ask Ark or whatever his name is.
Tumango siya. Tama, tatanungin niya nalang si Ark. Kung hindi nito sasabihin, iintindihin niya nalang. So much trust she has for him.
Ilang minuto pa siyang nakatitig sa kisame nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon at tinignan ang caller. She frowned when she read her brother's name. Nagtataka man ay sinagot niya ang tawag.
"Kuya?"
"Hey there, princess," malambing na sabi nito.
She smiled. "Bakit ka napatawag?"
"Oh, where are you?"
"Home."
"Great! I'm on my way there." May bahid na ngiti na sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya at napaupo bigla. "What?!" hindi mapigilang sigaw niya.
"Why? I wanna see you. So whether you like it or not, pupunta ako diyan. See you!"
Nanghihinang binaba niya ang cellphone. Hindi pwedeng magpunta ang Kuya Samuel niya sa bahay niya dahil nandito si Ark! Shit! Kailangan magtago ni Ark!
Wala siyang sinayang na oras. Mabilis na lumabas siya ng kwarto at tumakbo patungong kusina dahil hindi niya ito naabutan sa living room.
"Ark!" she shouted his name when she entered the kitchen.
Ngunit napahinto siya at napanganga nang makitang nagkalat sa lamesa ang mga lata ng beer. Nakita niya si Ark na nakayuko na at mukhang lasing samantalang ang dalawang lalaki na kasama nito ay nakatingin lang sa kaniya. Mukha namang maayos ang mga ito at si Ark lang ang lasing.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomanceShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --