GUSTONG magtago ni Archilla sa ilalim ng kama dahil sa kahihiyan. Muntik na siyang mawala sa sarili at magpakain sa init na nararamdaman kung hindi lang biglang pumasok si Damian sa kwarto. Doon siya natauhan at mabilis na itinulak si Ark na ayaw pang umalis sa ibabaw niya. Nang mukhang napalakas ang tulak niya ay nahulog sa kama si Ark. Narinig niya pa itong tumawa bago biglang nakatulog. Binuhat nalang ulit ito ni Damian para ihiga sa kama.Nagpapasalamat nalang siya at hindi pa nito nagagawang mahubad ang damit niya. Bakit naman kasi hindi naisip ni Damian na kumatok? Ngayon ay hiyang-hiya tuloy siya!
Masamang tingin ang ipinukol niya kay Ark na ngayon ay nakadapang natutulog sa kama. Tanging pantalon nalang ang suot nito dahil nahubad na nito ang damit kanina. Naalala niya tuloy kung paano ito dumaing nang paglandasin niya ang mga kamay sa katawan nito. How she scrape her nails from his chest down to his yummy ripped abs. She can still feel his ripped biceps on her palms as she grip them.
Wala sa sariling napakagat siya sa ibabang labi nang maalala kung paano siya halikan ni Ark. It was deep and rough then it will turn sweet and gentle, as if he's pouring all of his emotions through his kisses. And she felt it. She felt his needs. And so she responded. Wala naman siyang makapang pagsisisi sa ginawang pagtugon dito.
"I think I should go now."
Napatingin siya kay Damian na nakalimutan niyang nasa loob pala ng kwarto. Nag-init ang pisngi niya dahil mukhang nakita nito kung paano niya tignan si Ark. Nakita pa yata nito ang pagkagat niya sa labi.
She groaned and covered her face with her hands. Narinig niya naman ang pagtawa nito na mas lalong kinahiya niya.
"It's okay. It's normal," anito na may bahid ng ngiti sa boses.
Sinilip niya si Damian sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Nakangiti nga ito at tila natutuwa. Huminga muna siya nang malalim bago ibaba ang kamay at nginitian din ito.
"Sorry if I didn't listen," aniya.
Tumawa naman ito na lalong nagpagwapo dito. Damian is gorgeous alright. He has those set of gray eyes, thick brows, perfect jaws and lips. She sighed and looked at Ark. Pero mas gwapo si Ark.
"So, would you thank me or curse me?"
Kumunot ang noo niya. "What?"
Nagkibit balikat si Damian. "You know, pumasok kasi ako while you two were in the middle of something," aniya. "Nakaistorbo ba ako?"
Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng mukha. Seriously? Pag-uusapan ba talaga nila iyon? Kailangan pa bang itanong 'yun? Nakaistorbo ba siya? Ofcourse---hindi!
"Uhm. . ." she cleared her throat. "Can we not talk about it? Kasi kung nakikita mo, nahihiya na ako." Tinuro niya pa ang mukha na halata na ang pamumula. Bwisit na Damian. Hindi makiramdam.
Tumawa ang lalaki kaya sinamaanniya ito ng tingin. "Okay!" Tinaas nito ang dalawang kamay. "Alis na ako. Ikaw na ang bahala kay Ark." Akmang lalabas na ito ng kwarto pero mabilis niya itong tinawag ulit.
Nagtatanong na tumingin si Damian sa kaniya. Lumunok muna siya ay huminga nang malalim. "Si Ark, sino ba talaga siya?"
Nagkibit balikat lang ito at lumabas na. Archilla sighed. Alam naman niyang hindi magsasalita si Damian pero sinubukan niya paring itanong. Confidential ba ang pagkatao ni Ark? She doesn't have any single clue on what his real name is. Sasabihin ba nito kung magtatanong siya?
She groaned. "I need a peace of mind!" aniya at lumabas na ng kwarto.
"HOW TO have a peace of mind?" Kanina pa nas-stress si Archilla. Balak niya sanang kumain para mawala ang stress niya. Ngunit naabutan niyang malinis ang kusina. Malinis, meaning, walang hugasin, wala ring pagkain.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomansaShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --