18th Embrace

1.6K 67 16
                                    


"I DIDN'T know that you're close to Caspian, Arch."

Napairap si Archilla nang sabihin iyon ng kaniyang Kuya Samuel. Tumawag kasi ito para magpasalamat sa kaniya dahil sa pagtulong ni Caspian tungkol sa kidnapping case na hawak nito.

Hindi naman si Caspian ang tinutukoy niyang hihingian niya ng tulong noong binisita siya ng kapatid. Pero hindi naman niya p'wedeng sabihin na si Ark iyon.

Now she wondered, how did Caspian know about that? Marahil sinabi ni Ark?

"Kamusta naman ang case na hawak mo?" tanong niya dito.

"We're getting close to the mastermind. Alam na namin kung saan dinadala ang mga victims."

Napangiti siya. Mabuti naman at matatapos narin ang problema ng kapatid. Hindi man nito sinasabi ay alam niyang pagod na ito kakahanap ng lead.

"That's a good news, Kuya. Mag-iingat kayo, ah?" aniya at hindi itinago ang pag-aalala dito.

Kahit naman may tiwala siyang hindi mapapahamak ang kuya niya ay nag-aalala parin siya. Marami kasing p'wedeng mangyari kapag sinimulan na nito na planuhin ang paghuli sa mastermind ng kidnapping na nangyayari ngayon sa bansa.

It's a big syndicate, she is sure of that. Baka nga parehong sindikato rin ang kumidnap sa kanila noon.

"Of course. Take care of yourself, Arch. This is a big operation and I won't be able to visit you until this is over. You understand naman, 'di ba?" Malambing nitong sabi. Narinig niya pa ang pagbuntong-hininga nito.

She chuckled. "You must focus on your mission, Kuya. You don't have to worry about me. You know that I can take care of myself," natatawang aniya.

"Still. But I'll call you if I got the chance."

Tila may kamay na humaplos sa puso niya at hindi napigilan ang panunubig ng mga mata. Her Kuya Samuel is really caring and sweet. Mahal na mahal talaga siya nito na parang isa parin siyang bata kung alalahanin. Naiinis siya minsan pero naiintindihan niya ito.

"Okay," sagot niya.

"I have to go now, baby. Don't skip your meal."

She frowned. "Baby again," nakangusong aniya. Ayaw niyang tinatawag siya nitong baby dahil hindi naman na siya baby. Yes it's just an endearment. Pero ayaw niya talaga.

Tumawa naman ito. "I miss calling you that."

She rolled her eyes. "Wala ka kasing girlfriend kaya ako ang bine-baby mo," asar niya dito.

She heard him smirked. "You don't want me calling you baby pero kapag ang boyfriend mo ang tumawag sa'yo no'n okay lang? I'm kinda jealous here." Rinig niya ang pagtatampo sa boses nito.

"Kuya!" Singhal niya. Narinig naman niyang tumawa ito.

Nag-init ang pisngi niya. Hindi niya alam. Ayaw niyang tinatawag siyang baby noon pa bago niya makilala si Ark. Pero kapag ito na ang tumatawag sa kaniya no'n, nagugustuhan iyon ng puso niya. Tila napakaganda pakinggan, lalo na kung galing dito.

"I'm just kidding. Hindi ko pa pala iyon nakikilala. And he's a friend of Caspian?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Yeah. They're friends," aniya at hindi na itinaggi na wala talaga siyang boyfriend. Na hindi niya talaga boyfriend si Ark dahil magtataka ang kapatid niya.

"Small world."

Her forehead creased. "What?"

Samuel cleared his throat. "Nothing. I have to hang-up now. I'll meet your boyfriend after this mission. He should show himself, hindi iyong nagtatago siya sa closet mo."

The Enemy's Embrace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon