MATAMANG nakatingin si Archilla kay Ark habang prenteng nakaupo ito sa sofa at blangkong nakatingin sa TV na palipat-lipat ang channel. Hawak nito ang remote at mukhang hindi pa nakakakita nang palabas na makakakuha ng interes nito.Katatapos lang nilang mag-lunch at nagpapasalamat siya dahil hindi na nito naisipang ikulong siya sa kaniyang kwarto at posasan. Nabo-bored na siya at gusto na niyang lumabas ng bahay, but she is sure that Ark won't let her.
Pagkalipas nang ilang saglit ay tila napapagod nitong binaba ang remote at tinuon ang atensyon sa TV kung saan pinapalabas ang isang balita.
"Arestado ang lalaking napag-alamang pumatay sa isang labing limang taong gulang na dalagita na hinihinala ding ginahasa—"
Tila naiinis nitong pinatay ang TV at hinagis ang remote sa katabing sofa. Kumunot ang noo niya nang makita ang pagkadisgusto sa mukha nito habang masama ang tingin sa TV.
"What a criminal." She heard him say.
"You look pissed," aniya. Nilingon siya ni Ark at tinaasan ng kilay.
"Because I am pissed," he said in a 'duh' tone.
"Why?"
Marahas na bumuntong hininga ito at humiga sa sofa. "That criminal is ruining the image of high-class criminals." He tsked. "Wala ba kayong ginagawa para masugpo ang mga low-class criminals na iyan?" Tanong nito sa kaniya.
Archilla glared at him. Anong tingin nito sa mga katulad niyang pulis? Natutulog lang sa trabaho? Walang ginagawa? Mga pasarap lang sa buhay, gano'n? Aba't— ang lakas naman ng loob nitong sabihin iyon!
"Sinasabi mo bang hindi namin ginagawa ang trabaho namin?" Naiinis niyang sabi.
"Ginagawa niyo ba ng maayos?" He asked innocently. Halos lahat yata ng dugo niya ay umakyat sa kaniyang ulo at masamang tinignan ang lalaking nakangisi sa kaniya. Kumukulo ang dugo niya dahil sa gustong iparating nito.
"Okay, ganito nalang. Alam mo kasi, Officer. Dalawa lang naman ang klase ng mga pulis, e. Isang nasa good side at isang nasa bad side. Kuha mo?" Anito at umayos nang upo.
"Isa lang ang layunin ng mga—"
"Oh, baby. Poor you." He looked at her with pity and slowly shook his head. "Hindi lahat ng nakikita mong mabuti ay mabuti talaga, Archilla."
Natahimik siya. She knows what he's saying and she's afraid that he's right. Malinis ang imahe ng mga katulad niyang police officer sa kaniyang paningin dahil confident siyang iisa lang gusto nilang mangyari.
Pero kama-kailan lang ay talamak na ang nababalitang mga taong dapat ay sinisiguro ang kapayapaan at seguridad ng mga tao, ngunit naliligaw narin ng landas. Nakakatakot isipin na kung sino pa ang dapat na prumrotekta ay siya pang nagbibigay ng panganib.
"Some low-class drug user and those who sell drugs, may kapit sila, Archilla. Kaya hindi sila nahuhuli kasi nakakapit sila sa mataas na tao." Pagpapaintindi nito sa kaniya.
She clenched her fists. Mas marami itong alam dahil isa itong kriminal. Alam nito ang kalakaran sa madilim na mundo.
"And as high-class criminal, it is my job to eliminate those who did nothing but to use their power to do bad things."
Archilla sighed and rested her back on the sofa. "Change topic," she said.
Hindi niya kayang pakinggan ang sinasabi ni Ark. She's aware, yes, pero hindi kayang tanggapin ng isip niya iyon. All her life she idolizes those who protect the people. They are the one who saved her before.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Embrace (On-going)
RomansaShe must be insane, for she finds comfort in the enemy's embrace ------- Slow update | Tamad ang author Date Posted: February 2018 Date Ended: -- -- --