Chapter 16

80 12 0
                                    


"Surprise Is a combination of art, creativity, and imagination."

***
Niana's POV

5:56 pm

Calling Paul U. SHON😷😪

Hindi pa nakakaabot ng tatlong ringtone ng sinagot niya.

"Hey Ni."

Lubdub lubdub

I bit my lower lip. 'Hooh! Kaya mo yan Niana!'

"H-hey.. Uhh Ano.. M-may ginagawa ka ba?" Tanong ko. Lord God.. Sana naman po Wala siyang ginagawa. Kapag meron po kasi, mawawalan ng kwenta lahat ng pinaghirapan ko. Wait Bakit ba ako nauutal sa taong to? Bestfriend ko naman siya ahh?

Bumuntong hininga ako at ngumiwi. Hmmph! Kasi naman eh! 'Katakot Kaya siya!'

"Hmmm.. Well as of now I don't have anything to do. Why do you ask?"

'Yes! Hah! Nakahinga ako ng maluwag dun ah. Thank you po Lord God.'

"Ahh Ano.. K-kasi...." Di ko maituloy yung sasabihin ko sa kaba at takot na nararamdaman ko Dahil sa taong for Pete's sake eh bestfriend ko. Pero mahal ko.

"Pfft.. What's with the you? You sounded so nervous. Geez! Relax Niana! It's not like I'm going eat you or something, Haha." He laughed A manly one.

'Tsk. Kailan ba Tumawa ng parang bakla tong bestfriend mo hah niana? Kaya malamang namang manly diba? Tsk.'

Napapikit ako ng Mariin and Naikuyom ko Ang kamao ko, umaasang mababawasan nito yung kabang nadarama ko, 'Shet! Nakahalata na Ang ungas Huhu. G-ganun ba talaga ako kahalata? Oh Talagang magaling Lang siyang makiramdam? Ayy Hindi rin eh. Di nga niya alam nararamdaman ko eh tsk!'

"H-Hindi ahh! Pauso ka, tss." Dahilan ko. "Ahh Ano p-punta ka sa bahay.." 'Eto na!' Huminga muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy Ang sasabihin ko, umaasang Dahil rin doon maiibsan Ang kabang nararamdaman ko . "M-may surprise kasi ako.... Ahh Ano Sayo.." Sa wakas nasabi ko rin.'

Binalot Kami ng katahimikan sa sandaling iyon. Ni Wala samin Ang nagsasalita, at Hindi ko rin alam Kung Ano pang sasabihin sa sandaling Ito upang basagin Ang katahimikan. Dahil sa sandaling Ito, natatakot akong pati kalabog ng nagwawala Kong Puso ay makarating sa pandinig niya. Ngunit Hindi ko maitago Ang pagkalito at dagling nangunot Ang nga noo ko ng marinig ko Ang mahinang mga tawa niya.

"H-huy? M-may nakakatawa ba?" Kunot noong Tanong ko.

"Pfft... When do you think will a person be surprised when the person who will surprise that person told that person that she will surprise him\her?" Aniya na sobrang bilis na Ang naintindihan ko nalamang ay Ang salitang 'surprise'. Na sa Hindi malamang kadahilanan eh nabilang ko pa. Mahihinuha rin sa kaniyang Tono Ang pagpipigil ng kanyang tawa.

'Tsk. Wala naman akong na gets eh. Alam niyo yung sa sobrang bilis niyang magsalita at take note ahh, may accent pa siya. Sa tingin niyo anong maiintindihan ako dun eh medyo Mahina rin yung Utak ko? Hayy. Ewan.'

-___-

"Huy.. Uso magsalita ng mabagal at magpaintinde. Tsaka.. Wala man akong na gets kundi Ang salitang surprise sa lahat ng sinabe mo. Hehe." Kunot noong Sabi ko.

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon