Chapter 24

12 2 0
                                    


"I'm scared
I've never fallen from quite this high
Falling into your ocean eyes
Those ocean eyes."

-Billie Eilish (Ocean Eyes)

Enjoy reading...

***

Nga pala, it's Saturday today, and of course walang pasok.

Late na ako nagising, so bumaba na ako para kumain. Mula dito sa taas, kitang kita mo yung living room. Medyo sabog pa ako. Pero kahit na ganun, Di Ito nakalampas sa paningin ko.

'Fuck.'

Lubdub lubdub

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko Ang lalaking nasa ibaba.

A pair of sad gray eyes met mine.

Lubdub lubdub

'Oh man, holy shit.'

"S-Shon..."

Gusto ko mang tumakbo at bumalik ulit sa kwarto ko, my feet just won't allow me. It's as if napako ako sa kinatatayuan ko.

'Why is he here?'

Nang bumalik ako sa normal kong Estado, bumaba na ako sa hagdan at pinuntahan siya.

Wala eh, andito nalang din naman.

"S-Shon." Ilang akong ngumiti sakanya.

Lubdub lubdub

'I missed him.'

"Niana, hi." Ang mga malulungkot na abong mata niya sumalubong sa akin.

"H-Hey, kumain ka na? Tara kain tayo hehe." At dumiretso na ako sa kusina, not waiting for his response.

Pakiramdam ko kasi kapag di ako umalis don, I'll just find myself running to his arms. Ayoko yun.

Bawat hakbang na ginagawa ko patungong kusina, kasabay nito ay ang pag durog ng aking puso. Masakit parin pala ano? Fuck this pain!

Tuwing umaga kapag Sabado, I don't usually eat breakfast, even milk, pero kailangan ko dahil sabi ko kay Shon, kumain kami. Oh shit I am doomed.

Kahit nanginginig ako, dumiretso ako sa counter -feeling Shon's presence behind me.- and got a plate.

'Sumunod siya shet!'

Habang kumukuha ako ng plato sa taas ng counter, a warm hand stopped me from doing so. He pulled my hand and pulled me near him. Napayuko ako.

"I know that you are not eating breakfast on Saturdays Ni." Mataman niyang sinabi.

"I-I..." I couldn't even mutter a word. Shit.

He remembered.

Naramdaman ko Ang maiinit niyang palad na iniaangat Ang ulo ko, making me look at him in the eye.

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon