"HAPPINESS is inside all of us, sometimes you just need SOMEONE to help you find it."
-Branch (Trolls)Happy birthday sa love ko. Muah😊😘❤️.
***No judgements ah? Tsaka wag niyo akong ipapakulong. Ayoko naman kasing makasuhan sa salang pagpatay sa isang yelo. Ang bansot kaya kung magkakaroon ako ng record sa police station ng ganun, pero kasi nakakainis na eh.
Yung tatanungin mo ng maayos, isang pagkibit balikat Lang yung sagot. Yung tipong:
Kakagaling Lang naming pink sister at papunta na Kami ngayon nung yelo sa picnic grove. Actually di ko din alam na dun pala kami pupunta, nakita ko lang sa cellphone na nasa dashboard ng kotseng sinasakyan namin. Yung sa waze? Basta yun. And yes, yung yelo yung nagda-drive nang sasakyan, di ko lang alam kung sakanya ba o hindi yung sinasakyan namin or dun sa tita niyang kilala ng nanay ko.
Pero syempre dahil sa ewan ko rin sa sarili ko, kahit na alam ko naman na kung saan kami papunta, gusto ko pa ring itanong sakanya kung saan. Yung kumbaga may mapag-usapan lang. Memasabi Lang. Tipong gusto mong marinig yung boses ng isang tao, Kaya gagawin mo lahat, kahit kapalit pa nun eh, magmukha kang tanga. Kaloka diba?
Tsaka isa na ring rason yung ang peaceful nung biyahe, grabe. Isabay mo pa yung music na ni hindi ko man alam kung ano. Iniisip ko na nga na kaya talagang kahit dati pa man ding walang kibo at salita tong yelong to eh ngayon iba na o nagiba na yung dahilan. . Yung kaya matahimik talaga siya ngayon is baka kukuhanin na siya ng Maykapal. Kagagaling lang naming simbahan eh, malay ko ba kung matunaw nalang siya bigla diyan. Huehueheuheuheu.
Pero syempre ayoko namang magkatotoo na matunaw siya. Sayang naman yung cold brown eyes niya, unique pamandin yun. Yung siya lang talaga ang meron.
So ayun, nagmukha na tuloy akong defensive eh dapat ang gusto ko lang naman gawin eh ang makausap siya.
"Psst!" Tawag ko sakanya.
Akala ko Hindi niya ako papansinin, yung deadma Lang Kumbaga, yung Ni isang tingin Wala. Pero laking gulat ko nung swabeng sumulyap Lang siya sakin.
Oh diba? Bongga siya! Kahit walang reply, isang sulyap Lang nabihag na ako. Huehuehue.
So Dahil Di na rin ako nageexpect na magsasalita siya at kuntento na ako sa isang sulyap niya. Tinuloy ko nalang yung tatanungin ko na Alam ko na rin yung sagot.
"Sa'n tayo Pupunta?"
Pero Ang gandang sagot Lang Ang sinagot sakin. Shrug. Yeah he just simply shrugged at me.
'Sabi ko nga, shut up nalang.'
-____-
***
Nakarating din kaming picnic grove ng matiwasay.
Bumaba na ako sa kotse at sumunod naman siya. Syempre, Alangan naman ako yung mauuna diba? Edi nag muntanga ako? Wews. Tsaka on the other hand, siya Kaya yung tour guide ko. Kaya Sige kahit na Di siya nagsasalita, go with the flow nalang.
Nauna na siyang naglakad sakin.
Di ko Alam Kung saan nga ba talaga yung pasikot sikot dito pero Basta sumunod nalang ako sakanya. And to endi it finally pinaupo na niya ako sa may Damuhan. Actually Hindi totally pinaupo. Feel ko Lang na pinapaupo niya ako. Tapos sa Di ko malamang dahilan umalis na naman siya. Iniwan akong mag-isa.
BINABASA MO ANG
What if?
Teen FictionDo you know what living a hard life feels like? It's living a life full of WHAT IFS. It sucks waking up every single day, wondering what could've just happen if only you tried! If only I, tried!