"Being alone will make you realise things
But being with someone you need
Will make you realise and learn new things."This is dedicated to my lala FireDeathCold . HAPPY BIRTHDAY😘
Ps. This is not my gift for you lol.
Enjoy reading folks...
***
Nakatingin pa rin ako sa kawalan habang nandito parin ako sa plaza.
Umaasa na darating siya.
Siya na taong magpapasaya sa akin.
I was busy retaliating myself in my mind when I felt my swing moved. Then, A familiar perfume filled my nose.
Napatingin ako sa likod ko.
Lubdub lubdub
"B-Bakit ka n-nandito?" Gulat kong tanong sakanya.
Grabe ang lakas ng tibok ng aking puso. Umaasa kung siya na ba, siya na yung taong hinihiling kong dumating.
Ngunit alam kong ito'y imposible.
Nagkibit balikat siya at umupo sa katabi kong swing. Nakatingin lamang siya sa kawalan.
"Tapos na dinner niyo?" Sabi ko pagkacheck ko noong oras.
9:14 na pala, antagal ko din palang nag muni muni dito.
"Yeah." Sabi niya.
"Bakit ka pa tumuloy dito?" Takang tanong ko.
'He should've rested already.'
He shrugged, obviously avoiding my question.
Parang ang imposible naman kasi na pumunta siya dito tas titignan ako kung naka uwi na ba. I just know in myself that he has a deeper reason why he came here.
Posible kayang?--
"Zion..." Tawag ko.
Tinignan ko siya and I am amazed on how the moon reflected his brown eyes.
Tumingin siya saglit sa akin.
I gulped. "A-Are you d-doing this b-because of S-Shon?" I asked, afraid to hear his answers.
Siya lang naman nakikita kong deeper reason kaya andito sa tabi ko ngayon si Zion eh.
Di ko alam, pero aaminin ko sa sarili ko, umaasa ako na sana, sana hindi niya ginagawa to dahil kay Shon. Umaasa ako na ginagawa niya to dahil gusto niya, dahil gusto niyang makasama ako.
Umaasa ako na sana meron ng isang tao na pipili sa akin, na pipiliin makasama ako kasi iyon ang gusto niya.
Pero unti-unting naglaho ang aking pag-asa nang makita kong tumango siya, sumasagot sa tanong ko.
"Ah." Sabi ko nalang at tumango. Umiwas ako ng tingin.
Unti unting bumuo sa mata ko ang walang katapusang luha. Nagbabadyang tumulo.
Wala parin pala ano? Wala parin yung taong pipili sa akin.
Yung ipraprioritize ako.
Yung papasayahin ako.
Yung aalagaan ako.
At kahit ano-ano pa.
BINABASA MO ANG
What if?
Teen FictionDo you know what living a hard life feels like? It's living a life full of WHAT IFS. It sucks waking up every single day, wondering what could've just happen if only you tried! If only I, tried!