VAN's POV
I hate monday mornings. At mas hate ko pa siya ngayon. Wala na nga akong tulog dahil sa ingay nila kagabi. Ang bigat ng bag ko tapos eto, yung kotche ko. Walang gulong. Kainis! Binuhat ko na yung Bagpack ko pati na yung napaka bigat kong varsity bag at naglakad na. Nilampasan ko lang si Ero na ngayon ay nakatingin pa din sakin. Takte! kailangan kong lakarin hanggang bus stop medyo malayo yun. Tuloy pa din ako sa paglakad ng mapansin kong nakasunod sakin si Ero mabagal lang yung pagandar niya. Sinasabayan niya ko habang naglalakad ako.
"Tsk. Come on. Hindi naman ako ganun kasama e. Sakay na"
Hindi ko siya pinansin. Tuloy pa din ako sa pag lakad. Pilit kong sinasabit sa balikat ko yung sobrang bigat na varsity bag ko habang naglalakad. Hindi ko kailangan ng tulong niya. Eto naman yung gusto niya e.
"Come on. Sakay na dali."
Narinig ko pang sabi niya. Hindi pa din ako lumingon. Mas binilisan ko pa yung lakad ko. At ayun, siya din tuloy lang sa pagsabay sakin.
"Tsk! Bahala ka na nga dyan!"
Sabay harurot ng kotche niya. Huminto ako at tumingin sa kotche niya habang palayo. Ang sama ng tingin ko sakanya. Kainis! Nagpatuloy na ko sa paglakad at pilit kinakaya ang mga bag ko. Bahala na malate. Dumating ako sa bus stop after siguro mga half an hour. I'm freakin' late! Pawis na pawis at pagod na ako agad. Ang aga-aga. Pagdating ko sa school tapos na ang first period. Dumiretcho na lang muna ako sa locker room sa may pool area at nilagay ang mga gamit ko. Pagtapos dumiretcho na ako sa klase ko. Wala akong ganang umupo sa upuan ko. At saktong pagdating ni Natalie.
"Oh my god. Where have you been? atchaka, Bakit ganyan itchura mo?" Tanong ni Natalie habang nakapamewang sa harap ko.
Tinignan ko siya at nagshrug lang. Wala ako sa mood magkwento ngayon. Pagod at antok-antok ako. Dagdag mo pa, masakit ang katawan ko.
Umupo si Natalie sa tabi ko at tumingin sakin "Van, ano problema? May ginawa nanaman ba sila? Akala ko di ka papasok. Kanina pa kita tinatawagan."
I sigh and lick my lips "I must've put my phone in my bag. Nag-bus ako kaya ako nalate."
"Where's your car? At bat ganyan itchura mo? Girl, dark circles.." Sabay turo sa mukha ko gamit yung lips niya
"Wala akong tulog. May party sila last night. And may car. Walang gulong."
"What?"
"Its a long story. I'll tell you later. Anjan na prof. natin."
Buong klase papikit-pikit ang mga mata ko. Grabe.. Inaantok talaga ako. Kinakalabit ako ni Natalie kapag napapatingin sakin yung prof. During lunch break kinuwento ko na kay Natalie lahat. Yung about sa party nila, sa pagkanta at pagsayaw ko (at pinagtawanan niya din ako dun), sa pagtawag ni Ero at sa sinabi niyang Madami pa, sa pagkakawala ng mga gulong ko, sa pagaya niya sakin na sumabay, at sa paglakad at pagsakay ko ng bus.
"I can't believe it!" she sigh "Look, you need some rest. Matulog ka muna sa library. Ako na bahalang mag dahilan sa mga prof. natin pati na din sa coach mo. okay? You need this. You look horrible. Seriously."
I nodded and smiled "Thank you."
"Hmm.. sige na. Intayin mo ko mamaya. Ihahatid kita sa bahay mo."
"Thanks Natalie."
"Osha sige na. Ubusin mo na yang pagkain mo. Tas dumiretcho ka na ng library"
After lunch dumiretcho na ako ng library. Buti na lang andyan si Natalie. I really need and want this. Tulog! Pumwesto ako sa pinakatago at dulong part ng library. Kumuha ako ng ilang libro syempre as props, mahirap na baka mapalabas. I put my earphones ang played my favorite song. Syempre, When you say nothing at all pa din. Yumuko ako at sinandal ang ulo ko sa isang braso ko at natulog ng mahimbing..
*****
Naramdaman kong may kumakalabit sakin. I opened my eyes at inangat ang ulo ko. Kinusot ko pa yung mata ko.
"Friend. Let's go. Ihahatid na kita. Para makapagpahinga ka na ng dire-diretcho."
"Sige."
Umalis na kami ni Natalie at dumiretcho na kami sa parking lot. Dinahilan niya sa mga prof at coach ko na masama pakiramdam ko. At dahil malakas ang charms ni Natalie napaniwala niya sila. Kumain muna kami ni Natalie sa isang restaurant na affordable naman. Pagdating ko ng bahay hindi na pumasok at bumaba si Natalie. Pagpasok ko walang pinagbago sa bahay ko. Mabuti naman. Gusto ko na magpahinga. I changed to my sleeping clothes and brushed my teeth at nahiga na ko sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kisame ko nang magbeep yung phone ko sa bedside table ko.
Ero: Hey u alright?
Si Ero? nagtatanong kung okay lang ako. Ano nakain neto? nakonsensya ba siya sa nagawa niya sakin kanina? Lalo na sa kotche ko. Hmmp! Bahala siya. Binalik ko yung phone ko sa bedside table ko and I closed my eyes. Maya-maya, nagbeep nanaman.
Ero: Yo Vanilla. R u there? Still awake?
Bakit ba nagttxt sakin to? Ano nanaman pinaplano neto? Hayy. Nako bahala na siya. Matutulog na ako at inaantok at pagod ako.
*****
"Van, are you okay?" - Natalie
"I'm okay."
"You don't look fine."
Totoo yun! Hindi ako okay! Hindi talaga! Kagabi wala nanaman akong tulog dahil tuloy ang party nila. Swimming party pa. Wednesday na ngayon. At eto hindi lang sa bahay ko sila nanggugulo pati na din dito sa school. Andito kami ngayon sa girl's bathroom at nagaayos. Puno lang naman ng red paint ang mukha at upper part ng damit ko. Pagbukas ko kasi ng locker ko biglang may tumalsik na madaming paint sakin. Hindi na ako magtataka kung sino may gawa nito. Kinuhaan ako ni Natalie ng damit sa locker room namin sa may pool. Hinintay ko nalang siya sa loob ng girl's bathroom. Pagdating niya ayun na nga nagpalit na ako at chaka niya ako tinanong kung okay lang ako.
I sigh and stared at my own reflection sa mirror "I'm okay. Nasasanay na nga ako e"
"Van. Gumaganti ka pa ba?"
"No. Napapagod na ako makipagtalo sa kanila."
"Eh bakit hinahayaan mo sila?"
"Ikaw na nagsabi. Those are Frat. Guys. and they're not gonna stop. Siguro hahayaan ko na lang sila magsawa."
Yun naman talaga na ginagawa ko ngayon. After the seafood incident hindi na ako gumanti ulit sakanila. Narealize ko na wala din silbi yun. I think I just have to give up and don't make myself look stupid. At hindi na ko bababa pa sa level nila.... ulit. I know I acted like a child nung gumanti ako. Bahala na sila.
Paglabas namin ng girl's bathroom dumiretcho ako sa locker ko para linisin to. Sabi ko kay Natalie mauna na siya sa room. Pagdating ko sa tapat ng locker ko dahan-dahan kong binuksan at gumilid pa ko baka meron pa e. Pagkabukas, malinis na siya at wala ng bakas ng pintura. May nakita pa kong Black na panyo and may note saying.
'Use it'
Sino naman nag iwan nito? Hindi ko binuklat yung panyo, inamoy ko lang. Mabango naman. Hmm.. Binalik ko yung panyo at note sa loob at sinara na to. Kung sino man naglagay nun. Weird niya.
BINABASA MO ANG
LOVELY NEIGHBOR (Completed)
RomanceLovely Neighbor VS Fraternity President. Is it gonna be a huge war or they'll find love instead. Two neighbors living with different lifestyle. Find out what will happen to Van and Ero.