K: Hello! Dahil birthday ko bukas here's my early treat. New chappy! Yehey! Hoping for more votes and reads gift niyo na sakin. Thanks in advance! Happy Reading! :)
VAN's POV
I was stuck like a statue sa pwesto ko. Siguro mga ilang segundo lang naman, kung hindi ulit nagsalita si Ero baka natulala na talaga ako dun. Pina-pasok ko na sila at dumiretcho na kami ng living room kung san nagaantay si Mom at Jessi. Pagkapasok namin sa living room agad ko na pinakilala sila Ero.
"Mom. This is Ero and Blake. My neighbors. And guys, that's my mom and Jessi her fiance." Pagpapakilala ko. My mom smiled and nod her head sabay tingin sakin ng nakakaloko. Mom talaga.
"Hi Mrs. Wilson. I'm Blake." Bati ni Blake with matching hand shake pa kay mom "Sir." At nakipag hand shake din siya kay Jessi
"Hello Blake its nice to finally meet you." Mom said with smile. Nag smile lang din si Blake
Ero cleared his throat "Hello Mrs. Wilson my name's Ero. Neighbor din ni Van." Mom smiled at him na sobrang tamis. Mas gentleman kasi yung pagpapakilala ni Ero e.
"Hello Ero." Sagot ni Mom, Hinawakan ni Ero yung kamay ni mom at hinalikan ito. Aba pakitang gilas ah. Si mom naman parang kinilig. "Sir. Ero." Pakilala niya din kay Jessi sabay hand shake din.
"I brought this." Sabay abot ni Ero ng sunflowers kay mom.
"Wow. That's so nice of you" Kinuha naman ni mom yung flowers from Ero.
"Okay. Ahm Akin na muna yan mom." Sabay kuha sa flowers. "Tara na sa dining room? Dinner is ready. I'll just put this in a nice vase." Singit ko. Masyado na kinikilig si mom e. Nakakalimutan niya ata na andito si Jessi. Nilagay ko sa vase yung binigay na flowers ni Ero, sakto naka display din sa dining room yung vase. Pagpasok namin ng dining room pumwesto na kaming lahat. Nasa pinaka-gitna si Jessi sa dating pwesto ni Dad, tapos katabi niya si mom sa right side niya and katabi ko si mom. Si Blake naman katabi ni Jessi sa left side niya so katapat ni Blake si mom at katabi ni Blake si Ero so katapat ko si Ero. Pagkaupo naming lahat nakatingin lang sakin si Ero nakangiti na parang aso. Hindi ako makatingin sakanya kasi baka matulala nanaman ako e. Ang ayos talaga ng itchura niya. Ang gwapo. huh?? Nakatingin lang ako sa plate ko ng magsalita si Jessi.
"You cooked all this Van?" He asked napatingin naman ako sakanya at ngumiti.
"Yes." I prepared Beef Stake, Salad and Pasta. Okay na siguro yan. Pinaghirapan ko din yan no. And for dessert I just made fruit salad. Sana naman hindi chossy tong dalawang to. I was refering to Blake and Ero.
"Really? Oh lalo ako nagutom. Tara, Let's eat na. Wait boys wala naman kayong allergies or anything right?" mom asked them
"Allergies?" I asked napatingin ako kay mom "Mom wala naman po akong nilagay na kahit ano dyan e"
"Malay mo allergic sila sa beef. di ba?" Tanong niya kela Ero.
"Allergy sa beef? Meron ba nun?"
"hhhmmm? Malay mo naman anak."
I just shook my head kung ano-ano sinasabi ni mom. Allergy sa beef? Meron ba nun? Kelan pa naimbento yun? tsss sumandok na lang ako ng Pasta ang salad.
"Don't worry Mrs. Wilson wala po kaming allergies sa kahit na ano." Sagot ni Ero
"That's good. And oh please just call me Vanessa." - Mom
"Okay Vanessa" - Ero
"Much better." - Mom
Sinandukan ni mom si Jessi ng pagkain at sila Blake at Ero nagsandok na din ng sarili nilang pagkain. Aba parang huling hapunan na nila ah. Ang dami nilang kinuha pero okay lang mas maganda yun para wala ng left over. Tahimik lang kaming lahat na kumakain ng bigla nanamang magsalita si Mom.
BINABASA MO ANG
LOVELY NEIGHBOR (Completed)
RomanceLovely Neighbor VS Fraternity President. Is it gonna be a huge war or they'll find love instead. Two neighbors living with different lifestyle. Find out what will happen to Van and Ero.