VAN’s POV
Crap! I’m late. What the hell bat ngayon pa? Masyado akong nasarapan sa pagsi-swimming at hindi ko na namalayan yung oras. Tumakbo na ako papasok ng shower room at nagshower na ng mabilis na mabilis but I made sure naman na malinis na ako. Nagmadali na talaga ako. Kinuha ko na yung varsity bag ko at naghanap ng masusuot. ‘Shit! Shorts at T-shirt lang dala ko pamalit.’ bumagsak ang balikat ko at naiinis na ako. Kinalkal ko na yung gamit ko at napansin kong may white na damit. God! Its my white dress na galing kay mom. Nalagay ko din pala to kagabi. Napangiti ako at kinuha yung dress. Ito nalang susuotin ko. Wala nang oras para pa umuwi ako at magpalit. Sobrang late na ako! Sinuot ko na yung dress at yung sapatos ko. My brown Keds shoes lang ang dala ko. Bagay naman e. I put my hair in a messy bun at naglagay lang ako ng onting powder and lipstick na lagi kong dala. Okay na yan. Sinuot ko na din yung wrist watch ko at tinignan ang oras, 7:10 na. Tumakbo na ako palabas ng school at pumunta na sa bus stop. Epal naman oh. Kung may gulong na kasi yung kotche ko edi sana andun na kagad ako. Si Ero din may kasalanan nito e, Haha! Sinisi pa siya eh no. Pagdating ng bus sumakay at nagbayad na ako. Pinagtinginan pa nga ako ng mga ibang pasahero, Siguro dahil sa suot ko. White dress tapos Keds shoes. Hindi naman panget ah, Fashion nga yun e. Habang nasa byahe ako pinagdadasal ko na sana lumipad natong bus at bumagsak nalang bigla sa tapat ng bahay nila Ero. After siguro 15 minutes nakadating na ako sa next bus stop. Tumakbo na talaga ako.
Pagdating ko sa tapat ng Frat. House nila napansin kong andun yung kotche niya, ako nalang susundo sakanya, pinunasan ko muna yung pawis sa noo ko at kumatok na. I knocked 3 times at bumukas naman kaagad. Si Blake ang nagbukas at nagtsk pa siya ng tatlong beses with matching pag-iling pa. Kahit hinihingal ako ngumiti pa din ako ng pilit.
“Where’s Ero?” I asked while panting pinunasan ko pa din yung mukha ko.
“He’s inside. Sa likod. Iniintay ka.”
I nod then pumasok na ako, basta pasok na ako at dumiretcho na sa likod. Di ko na pinansin yung ibang mga brothers niya sa living room. Palabas na ako sa likod ng makasalubong ko si Kit.
“Van! Where have you been? Kanina ka pa niya iniintay.” Tinignan niya ako simula ulo hanggang paa “You look nice on that dress” She smiled
“Ahm, Regalo to sakin ni mom. Anyway, I have swimming practice earlier and hindi ko na namalayan yung oras. I’m sorry.”
“It’s okay, I’m sure maiintindihan yun ni Kuya. Go. Sige na.”
I nod and lalabas na ng pigilan ako ni Kit inayos niya yung mga nakalaylay na buhok sa mukha ko and kinuha niya yung varsity bag ko. I smiled and lumabas na ako. Paglabas ko andun si Ero nakaupo siya may table na nakaset up tas may sound system sa tabi. Nakatalikod siya at yung itchura ng pagkakaupo niya parang walang gana na, isang ilaw lang yung nakabukas kaya medyo madilim. Lumapit ako sakanya and I took a deep breath.
“Ero.”
Lumingon siya sakin at biglang tumayo, yung itchura niya nung lumingon siya ang lungkot pero nung nakita niya ako biglang umaliwalas yung mukha niya. Tinignan niya ako from head to foot.
“Ero, I’m sorry na late ako. Kasi--” I was cut by him
“It’s okay.” He smiled “You look nice.” Ngumiti ako at tinignan din siya. Honestly, sobrang gwapo niya ngayon. Simple lang naman yung suot niya yung usual niyang sinusuot plain white V-neck shirt tas jeans pero ngayon may coat siya.
BINABASA MO ANG
LOVELY NEIGHBOR (Completed)
RomanceLovely Neighbor VS Fraternity President. Is it gonna be a huge war or they'll find love instead. Two neighbors living with different lifestyle. Find out what will happen to Van and Ero.