VAN's POV
Next morning. Maaga pa din naman ako nagising. Kahit naman sobrang puyat ako maaga pa din ako nagigisig. Pagkagising ko I took a shower put on my white shirt, maong shorts at flat shoes. Tapos bumaba na ako para maglinis. Sobrang kalat ng living room ko. May mga empty bottles, cigarrete butts, red cups, shot glass at what is that? Boxer shorts? Napangiti na lang ako sa nakita ko. Panigurado kay Blake to. Pinulot ko yung boxer shorts niya using my index finger and my thumb pero yung pinaka dulo na ng daliri ko. Pagkadating ko kasi ng bahay kagabi diretcho na ako ng kwarto. Wala na din sila Natalie sa living room nun siguro nasa guest room na sila nun. After 30 minutes siguro ng paglilinis nagluto na ako ng breakfast. I prepared eggs, ham and fried rice. Tapos gumawa na din ako ng kape. Maya-maya sabay na pumasok ng kitchen si Natalie and Blake. Magkahawak kamay pa.
"Good morning" Bati ko sakanila
"Morning." Bati din nila sakin
"Sige na umupo na kayo. Kain na" I said before sipping my coffee
Naupo na si Natalie pero si Blake paikot-ikot yung ulo niya parang may hinahanap siya. Siguro yung boxers niya.
"Are you looking for your--"
"Yes!" Sagot niya kagad. I smiled on that. Nahiya siguro
"Andun oh" Sabay turo ko sa may sofa. Agad naman siyang pumunta dun at kinuha yung boxers niya at pumasok ng bathroom para suotin yun. Kami naman ni Natalie naupo na at nagsimulang kumain.
"So? How's your night?" Tanong niya
"Okay naman. Nagenjoy naman ako."
"I told you. Those guys are not bad. Ano naman ginawa niyo ni Ero? Bigla kayo nawala." sabi niya bago kumagat sa tinapay niya
"Naglakad lang kami. Naghuhubad na kasi kayo sa harap namin kagabi e. Kaya lumabas kami."
"Really?" she asked with sarcasm
"Yes. We didn't do what you did last night."
"I know. Wala naman akong sinasabi" She smiled.
"Hay nako. Kumain ka na nga lang."
Maya-maya dumating na din si Blake at naupo na siya sa tabi ni Natalie. Tas kumain na kami. Pagkatapos namin kumain umalis na silang dalawa at naiwan na ako dun. I had so much fun last night na kahit apat lang kami. I opened up with Ero. Tapos sumama pa ko sakanya maglakad papunta sa park. He lend me his jacket tapos bigla siya nagtanong ng kung ano-ano. I don't know. Maybe, tama nga si Natalie.
*****
Weeks passed at mas lalo pa kami naging okay ng mga kapitbahay ko lalo na ni Ero. Hinahatid niya ako sa school at sa bahay everyday kasi hanggang ngayon pilay pa din yung kotche ko. Na kay Ero pa din yung mga gulong ko. Eh wala naman akong budget para sa bagong gulong. Kaya wala akong choice kundi sumabay sakanya. Araw-araw na din siya pumapasok, Architecture pala kinukuha niya. Okay naman na siya kausap. Pero minsan makulit pa din. At nang aasar pa din siya. Tulad one time. Ganto kasi nangyare.
*****
It was Saturday morning, eh wala naman akong magawa at maaga pa kakatapos ko lang kumain kaya naisip ko magdilig nalang sa front yard ko tutal naman matagal ko na din hindi nadidiligan yun. Lumabas ako at kinuha yung hose sa gilid ng bahay ko paglabas ko napansin kong ang daming tao sa harap ng bahay nila Ero. Oh nagiihaw pala sila. Ang aga naman nun. Andun din si Blake, Nico, Edward, Freddie at ang kambal. Yep. kilala ko na sila. Kasi simula nung napanuod nila yung video na ginawa ko naging okay na kaming lahat. Napansin kong wala si Ero sa grupo nila nginitian at tumango lang sakin sila Blake kaya nginitian ko nalang din sila. Nagpatuloy lang ako sa pagdidilig ng may mapansin ako sa tabi ko malapit kasi ako sa isang ihawan nila. Napalingon ako at bumungad sakin ay 6 pack no, I think 8? ewan ko. Basta abs. Natulala ako sa abs niya. Tinagilid ko pa yung ulo ko. Maya-maya umakyat yung tingin ko sa mukha niya. Nanlaki yung mga mata ko. Si Ero!! Takte! katawan niya yun?! Nakashades at nakasmirk pa siya sakin.
BINABASA MO ANG
LOVELY NEIGHBOR (Completed)
RomanceLovely Neighbor VS Fraternity President. Is it gonna be a huge war or they'll find love instead. Two neighbors living with different lifestyle. Find out what will happen to Van and Ero.