VAN's POV
Trust is such a big word. At sobrang hirap ibigay nun sa kahit na sino. Pero ngayon si Ero parang lahat ng tiwala niya binigay niya sakin, He opened up to me about his family na broken din pala just like Blake and me. May pinagdadaanan siya pero parang hindi halata di ba? Ang kulit niya tas parang ang saya-saya niya araw-araw lalo na kapag inaasar ako. Pero ngayon habang kausap ko siya habang nag-oopen siya sakin parang ibang tao siya, parang lumabas yung tunay na Ero. Yung malungkot at yung may pinagdadaanan.
After namin mag-dinner inayos ko na yung dining room at naghugas na ng mga pinagkainan. After ko magayos sa kitchen at dining area. I closed all my windows and locked my doors, inayos ko din ng onti yung living room. Wala na si Ero paglabas ko ng kitchen e, siguro umuwi na. Ayos e no? Eat and Run. Well okay lang. Umakyat na ako sa kwarto ko at nag-ayos ng onti medyo makalat na kasi yung kwarto ko. Hindi ko na naaayos. Kalat-kalat yung mga libro, handouts at ibang school supplies ko. Busy ako sa pagaayos ng may magsalita sa may pinto ko.
"Nice room"
"Oh god" Napaharap ako sa may pinto ko at napahawak pa sa dibdib ko. Si Ero. Tumayo ako at lumapit sakanya, tapos siya basta pasok na sa kwarto ko. Well, wala naman ako magagawa e. Makulit to di ba?
"You're still here. Akala ko umuwi ka na." Tanong ko habang nakapamewang pa.
"Hindi ah. NagCR lang ako. Akala ko nga ayaw mo na ako pauwiin e. You locked all the doors and windows." He teased
"Sira. Ano pa ginagawa mo dito?" I asked as I picked my books
"Wala. Ayoko pa umuwi e. Wow dami libro niyan ah." Sabay kuha sa mga libro na inaayos ko. Halo-halo na kasi tong mga libro ko may textbooks, dictionary, novels meron ding cook books at magazine.
"Ah, mahilig kasi ako magbasa."
"Hindi nga halata e."
Nagpatuloy ako sa pagaayos ng maramdaman kong umupo siya sa kama ko. Narinig ko kasi yung pagbounce nung bed. "So, Van."
"Hmm?"
"Ikaw naman mag-kwento."
Humarap ako sakanya with a frown "What?"
"About your parents. Engaged ulit ang mommy mo." Sabi niya sabay ayos ng upo sa kama ko
Umupo na din ako at I lick my lips. Dapat ko na ba talaga iopen sakanya? Sige na nga tutal nagopen na din naman siya sakin e. I sigh "Yes. My parents are divorced."
"Wow. Pare-parehas talaga tayo. Okay, san daddy mo?"
"He's in Canada, with his new family."
"Oh.. Is it okay with you?" Nagiba yung facial expression niya nung tinanong niya yun. Parang nalungkot siya.
I smiled na pilit "Oo. Basta masaya silang dalawa okay na ako dun. At saka wala naman ako magagawa e. Desisyon nila yun"
"Hindi ka ba nalulungkot? And about Jessi you're not so close to him."
Napatingin ako sakanya "Nalulungkot ako syempre. Daddy's girl ako simula bata. And about Jessi." I paused
"You don't like him for your mom."
"No. its not that I don't like him for my mom. Hindi pa lang siguro ako komportable na tawagin siyang uncle or dad."
"Why?"
Yumuko ako at tumingin lang sa kamay ko I took a deep breath and faced him "Kasi siguro hindi ko pa din natatanggap na... Hiwalay na sila ni dad and they have their own happiness with other people."
BINABASA MO ANG
LOVELY NEIGHBOR (Completed)
RomanceLovely Neighbor VS Fraternity President. Is it gonna be a huge war or they'll find love instead. Two neighbors living with different lifestyle. Find out what will happen to Van and Ero.