ERO's POV
New home! Yes! Ang hirap pilitin ng head ng school namin ah. Haha! pero syempre nahulog din siya sa charms ko sama mo na din charms ni Blake. Haha! Walang humihindi samin. Pero unang araw palang namin sa bagong bahay namin may nakilala na kaagad kami. Two girls and I admit they were beautiful. Pero eto ah sila palang tumanggi sa invitation namin well, yung isang girl lang. Sa pagkakaalala ko Van ang name niya. Yung isa go lang e. Bagong prospect na to ni Blake. But in the end we had a deal at ayun sumama din sila sa party. Grabe! wild din pala tong si Van. Sa unang tingin she looks so fragile yung tipong parang bata na sobrang bait. Pero iba siya, I'm not saying na nasa loob kulo niya what I meant is that go lang siya. Ewan, di ko din siya mabasa msyado e. But there's one thing na I'm sure na totoo. She's lovely.
Ilang araw pa nakalipas napatunayan ko na nga na may pagka-siraulo din tong babaeng to tulad ng kaibigan niya. Simula ng tinawagan niya yung pulis dahil lang sa ingay namin nagsimula na ang gulo sa pagitan namin. Kapag gaganti ako gaganti din siya. Oo alam ko babae siya pero si Ero to, hindi ako nagpapatalo lalo na sa babae. Kahit pa maganda ka. Nagsimula ako sa pagkakalat sa front yard at sa loob ng bahay niya. At siya din ayos din yung mga ginagawa niya. Alam ko naman na siya nagsira ng tubo namin e pati yung mga hasang, hipon at isda. Grabe, mga naiisip niya nagsayang pa siya ng pagkain. tsk!
"Dude. Ang baho pa din ng front porch." - Blake
"Sorry Ero, yung kaibigan niya kasi nilayo niya talaga kami." - Freddie
"Ayos lang yun."
Andito kami ngayon sa may basement dahil ang baho sa harap pati sa may living room pumasok na yung amoy. Andito kami nila Blake, Freddie, Tom, Tim, Edward at Nico. Nakaupo lang ako sa single sofa habang yung kambal nakaupo sa sahig at naglalaro ng Xbox at sila Blake nasa mas malaking sofa at nagyoyosi.
"Anong gagawin natin bro? Mukhag di din titigil yung girl." Sabi ni Blake pagkabuga niya ng usok
"Get ready for a party later. Kung hindi siya titigil. Mas lalong di tayo titigil." Sagot ko kay Blake
"Yeah! hahaha! Kami na gaganti para sayo Ero. Matagal-tagal na din na wala tayong napagtitripan e." - Nico
"Oo nga, Naalala niyo ba yung huling Frat. house natin? Haha! Pati yung mga kapitbahay natin?" - Edward
"Naman dude! haha! Kahit nga yung mga matanda na naging kapitbahay natin walang takas e. Sila pa kaya?" - Blake
"Haha! Classic!" - Tom & Tim
Totoo yun, kahit matanda pinapatulan namin. Kaya nga siguro kami pinaalis sa huli naming tinitirhan dahil muntik ng... Alam niyo na. At ngayon eto kami same situation. Wala pa talagang tumatanggi at lumalaban na babae samin. Kakaiba talaga tong isang to. Hindi natatakot. Well, tignan lang natin.
*****
Me and my brothers are having a party right now. Drinks, smoke and loud music on. Ganun pa din. Ang mga brothers ko hindi nagsasawa sa ganitong set up. Umakyat ako sa kwarto ko at sumilip sa bintana ko alam kong katapat nito yung bintana ng kwarto ni Van. Aba! perfect pa pala ang timing ko. Hahahaha! I pulled out my phone in my pocket and dialled her number. Nagsalita na kagad ako pagkasagot niya.
"Nice one. Galing mo pala sumayaw." Biglang sabi ko sakanya
Tumingin siya sa bintana niya na katapat ng bintana ko at ang sama ng tingin niya.
"Nice song huh?" Then I laughed. Hahaha! Kumakanta at sumasayaw kasi siya nung naabutan ko siya. Naririnig ko yung kantang pinapatugtog niya sa kabilang line. Hindi siya mukhang tanga, actually ang cute niya nga e. Teka. Anong sabi ko?
BINABASA MO ANG
LOVELY NEIGHBOR (Completed)
RomanceLovely Neighbor VS Fraternity President. Is it gonna be a huge war or they'll find love instead. Two neighbors living with different lifestyle. Find out what will happen to Van and Ero.