REESE POV
Nang matapos kaming kumain . Nagbayad na sya at nagpababa ng kinain .
Gusto ko mang magtaray sa kanya . Pero bawal kase may deal nga kami .
Ewan ko ba kung bakit pumasok sa isip ko na tanggapin ang deal nitong panget nato .
"Hey are you okay ?" tanong nya saken
"I'm okay . Just call me Reese for now." fake smile kong sabi
Ngumiti naman sya at tsaka formal na nagpakilala .
"You can call me Red . Red Kierson Villanueva."
"Okay Red . Let's go." aya ko sa kanya
"Where are we going ?" tanong nya at tumayo sa harap ko at nilahad ang kamay nya
"Para san yan ?" pagturo ko sa kamay nya
"Hold my hand." utos nya at hinawakan ko na nga yung kamay nya
Sobrang lambot . Parang babae . Halatang walang alam gawin .
Naglakad na kami palabas ng restu habang nakahawak padin sya sa kamay ko . Sya lang ang nakahawak nakabuka kase yung mga daliri ko . Ayokong hawakan sya . Hindi parin mawawala sa isip ko na kaaway ko tong panget na to .
"San mo gustong pumunta ?" tanong nya saken .
"Hmm . Arcade nalang muna tayo." sabi ko sa kanya
Tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil din ako .
"I said forget about us . Just have fun . Can you do that just for now ?" mahinahon nyang sabi
Sorry naman . Mahirap lang talaga para saken ang makisama sa mga lalake .
Nginitian ko sya . Pilit na ngiti .
"Okay ." huminga ako ng malalim at hinigit sya habang nakatakbo kami
Reese kalimutan mo munang ayaw mo sa mga lalake . Isipin mong ikaw ang dating Reese na friendly .
Okay . Pwede na to . Kaya ko na kahit papaano .
"Ang bagal mo namang tumakbo." pang aasar ko sa kanya . Hila hila ko kase ang kamay nya habang natakbo kami papunta sa arcade . Dito rin kase yun sa 2nd floor . Nakita ko na kanina .
"Wait Reese . Stop." huminto naman ako at tumingin sa kanya . Tumalikod sya saken at tinapik ang likod nya
"Anong gagawin ko dyan ?" takang tanong ko sa kanya
"Piggy back ride . Para mas masaya." nakangiti nyang sabi . Gumanti naman ako ng ngiti
"Okay magready kana . Mabigat ako ." nakangiti kong sabi sa kanya
Nagready naman sya at tumalon ako sa likod nya .
"Hold on . Tatakbo ako kaya kumapit ka ng mabuti " sabi nya saken kaya pinulupot ko yung kamay ko sa leeg nya
"Teka . Pano tong flowers ?" tanong ko
Kinuha naman nya yung flowers at nilagay sa pagitan ng dibdib ko at likod nya .
"Ayos na . Ready set go."
Pagkasabi nya nun tumakbo na sya . Para kaming tanga . Pinagtitinginan kami ng mga tao . Para kaming bata .
"WHHOOOOOOOOOO." sigaw ko habang natakbo sya
Kahit papaano makakalimot ako . Kahit ngayon lang .
BINABASA MO ANG
Inside Of The Gangster World (UNEDITED)
ActionPano kung napasok ka sa isang sitwasyon na may kasamang misyon . Misyon na may halong responsibilidad . At responsibilidad na kaylangan mong gampanan Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ? Magagawa mo bang maging ako ? I'm pretending...