MITCH POV
*KNOCK.KNOCK*
*KNOCK.KNOCK*"Hmm."
*KNOCK.KNOCK*
*KNOCK.KNOCK*"SANDALEEEEEEEEEEE"
Hayyyysss ! Ang aga-aga . Sino naman kayang hulog ng langit at malapit ng ibaon sa lupa ang kumakatok sa pinto namin ?
Nakapikit ko pang binuksan ang pinto ng dorm namin at TAAAAADDDDDDDAAAAAHHH !
"Good Morning."
Napakusot pa ako ng mata bago sila tiningnan isa-isa .
"Ang aga naman ng ulam." wala sa sariling sabi ko
"Pwe ! Ano ba yan ? Magtoothbrush ka nga muna." inis na sabi ni Elvin
"Aba ! Hoy Anon---"
"Pwedeng pumasok ?" Alex
"Kami din." Markus
"Tsk ." Alex
"Ah eh ! P-pasok."
Nilawakan ko ang pagkakabukas ng pinto . Nang nakapasok na silang lahat agad akong tumakbo sa banyo . Nakakahiya ! May morning star pako pati morning breath . Mabilis akong naghilamos at nagmouth wash . Mamaya nalang ako magtotoothbrush . Nakakahiyang pag antayin ang mga ulam .
"Hihihihi"
Lumabas nako ng banyo at may kanya-kanya silang buhay sa kabuuan ng dorm namin . May dalang prutas sila Markus at Red . Si Alex naman bulaklak habang si Steven may hawak na paper bags . Ganun din si Elvin mukang pagkain ang dala nila .
"Anong ginagawa nyo dito ? Ang aga pa ahh." sabi ko
"Anong maaga ? Ala-una na." Elvin
Gulat naman akong napatingin sa wall clock namin at ala-una na nga . Juscolored ! Sobra-sobra na pala ang tulog ko . Eh teka ?
"Kung ala-una na ibig sabihin hindi padin gising sila Sab at Reese?" sabi ko sa sarili ko at kinatok ang pinto ni Sab"Sab gising na . May ulam na este may tao dito sa labas. SAB ?"
Mga ilang katok pa ay bumakas na ang pinto nya nakapanjama padin sya katulad ko . Pero katulad ko kanina . Nagulat din sya sa nakita nya at nung natauhan dali-daling pumasok sa banyo . Lumapit naman ako sa pinto ng kwarto ni Reese at kinatok yun .
"Reese ?? Reesy ?? Reese Yaahooo ? Reese Gising na nandito na ang mga ulam ." sigaw ko pero hindi padin nya binubuksan
"May duplicate key kaba sa pinto nya ?" Alex
"Ah Oo . Kaso magagalit yan pag binuksan ang pinto nya." sabi ko
"Akina yung duplicate . Ako ang bahala."
Masyadong seryoso si Alex ni hindi man lang ngumingiti marahil alam nya ang nangyare kay Reese . Kinuha ko sa drawer ang duplicate at binuksan ni Alex ang pinto ni Reese .
Tumambad ang nakahigang si Reese bahagya syang nakatalikod samin at balot na balot ng kumot . Lumapit si Alex sa kanya at niyuyog sya .
"Michiko Reese."
Seryosong pagtawag sa kanya ni Alex . Hindi 'princess' siguro galit nga sya . Niyugyog nya ulit ito pero hindi gumagalaw . Tumayo si Alex pero nakatingin padin kay Reese .
"Pag di ka bumangon dyan bubuhatin kita palabas." banta ni Alex
Nakatingin lang kami sa kanya at mukang naiinis na sya . Nakapamewang sya habang nakatingin kay Reese .
BINABASA MO ANG
Inside Of The Gangster World (UNEDITED)
AkčníPano kung napasok ka sa isang sitwasyon na may kasamang misyon . Misyon na may halong responsibilidad . At responsibilidad na kaylangan mong gampanan Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ? Magagawa mo bang maging ako ? I'm pretending...