REESE POV
Nagsisimula palang akong pahirapan ng Lecturer namin sa Math ng may kumatok sa pinto .
Thanks God !
Kung sa iba sa English dudugo ang ilong , saken sa Math . Ewan ko ba kung kanino ako nagmana pagdating sa Math . Sobrang baba ng IQ ko sa Math , pakiramdam ko parang nabaligtad ang sikmura ko pag Math ang pinag uusapan . Nakakainis .
"Oh Jusko!"
Napalingon kaming lahat sa pinto ng nakita naming umiiyak si Ma'am .
Anyare ?
"Class dismissed . May importante lang kaming pag uusapan."
Naghiyawan naman ang iba naming kaklase dahil sa sinabi ni Ma'am . Pag alis ni Ma'am sya namang pasok ni Jack at Eric . Lumapit sila samin .
"Patay na si Trixie." Eric said
Para akong natuyuan ng lalamunan sa sinabi nya . Nakatingin lang ako kay Eric at ganun din sya saken . Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi nya . Kagabi lang nalaman kong patay na yung isang bata ni Vitto tapos ngayon si Trixie naman .
"Oh My God." hiyaw ng kung sino
Napakurap pako bago lumunok .
"Nakita yung bangkay nya sa likod ng girls dorm . Nakahubad sya habang nakahandusay sa damuhan." Jack
"Ang malala pa dun , pinutol yung limang daliri nya sa kanang kamay . Geezz !" nangingilabot na sabi ni Eric
Nakarinig ako ng samut saring bulungan pero isa lang ang matindi at talaga namang nagpanting sa tenga ko .
"Hoy !" galit na turo saken ni Daniella na may pasa sa gilid ng mata at labi "Ikaw ang pumatay kay Trixie nu ?!!"
"Daniella." suway sa kanya ni Markus
"Bakit ?!! Totoo naman ah . Sya lang naman ang nakaaway ni Trixie . Kaya nya pinatay si Trixie dahil sa nangyare nung acquaintance party. Hindi ba ?!!" galit na sabi nya
"Oo nga . Pinatay nya si Trixie"
"Killer . OMG "
"Murderer sya . Nakakatakot"
"Akala mo kung sinong malinis , mamamatay tao naman pala."
"Hoy ! Alam nyo bang paninirang puri yang sinasabi nyo ? Pwede kayong kasuhan dyan." inis na sabi ni Eric
"Ha !! Kami pa ngayon ." galit na sabi ni Daniella "Humanda ka mamaya , darating ang mga pulis at ikaw ang ituturo ko."
Pagkasabi nya nun , umalis na sya kasama yung iba nyang clown . Napairap nalang ako sa kawalan bago tumayo . Naglalakad ako papunta sa kabilang bahagi ng field ng maramdaman kong may nakasunod saken .
"Wag nyo kong sundan." cold na sabi ko
"Pero Michiko...." Steve
Hindi ko nalang silang pinansin at hinayaang sumunod nalang saken .
-------------------------------
FieldUmupo agad ako sa ilalim ng puno na lagi kong pinupuntahan at pumikit . Ramdam ko namang may umupo malapit saken kaya minulat ko ang mata ko. Si Steve,Sab,Vin,Jack,Markus,Red,Eric at si Mitch na nakayuko . Nakatingin silang lahat saken maniban kay Mitch . Nakakapanibago talaga tong si Mitch
BINABASA MO ANG
Inside Of The Gangster World (UNEDITED)
AksiPano kung napasok ka sa isang sitwasyon na may kasamang misyon . Misyon na may halong responsibilidad . At responsibilidad na kaylangan mong gampanan Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ? Magagawa mo bang maging ako ? I'm pretending...