Chapter 35(Happy text&call day)

3.5K 122 0
                                    

REESE POV

Dahan-dahan  nyang inalis ang labi nya sa labi ko at tinitigan akong mabuti . Nginisian ko sya at ngumisi din sya saken . Para kaming tangang nagpapakiramdam kung sinong unang magsasalita . Tinanggal ko ang kamay ko sa batok nya at hinawakan ko ang kamay nya at inalis sa pagkakahawak sa panga ko . Pinasadahan nya ng dila ang labi nya at kinagat ko naman ang labi ko .

Maka akit lang bakit ba ? hahaha

"I'm tired . I have to go." sabi ko at tumalikod hindi pa man ako nakakalayo bigla nya kong niyakap mula sa likod

Bwiset ! Kinakabahan na nga ako ayaw pang tumigil . Hindi ko na nga lang pinahahalatang kinakabahan ako sa ginawa ko tapos meron na naman . Aaiisssh !

"Always be ready ." namamaos nyang sabi "Because from now on i will kiss you weather you like it or not."

"No problem . This will be our shared secret sin ." sabi ko at inalis ang kamay nya sa bewang ko "Aalis nako." sabi ko at naglakad na

Hindi ko na sya tiningnan dahil alam kong nakatingin padin sya saken . Minadali ko ang paglakad at halos tumakbo nako marating lang agad ako sa dorm namin . Namamawis ang kamay ko at nanlalambot tuhod ko pero sinikap ko pading makarating sa dorm namin .

Stupid Reese . Anong 'no problem' ka dyan ? Malandi ka . Flirt . Bitch . A good bitch . Hahaha

Pumasok agad ako sa dorm namin nung nakarating ako nakita ko si Sab nasa mini kitchen . Habang si Mitch naman ay nanonood . Inilibot ko ang mata ko sa dorm namin at nakita ko yung tatlong paper bags sa tabi ng study table. Agad akong umupo sa couch at huminga ng malalim

"Oh Reese ? Sino daw ang nagbigay ?" biglang usisa ni Mitch

Kinuha ko yung tatlong paper bags at naupo ulit . Nakatingin lang ako dun bago sagutin si Mitch

"Bisita daw ." simpleng sagot ko

"Ha ? Bisita ? Wala namang bisita kanina ah ?" napatingin ako kay Mitch sa biglang sinabi nya

President Council nga pala sya . Bakit nga ba nawala sa isip ko yun ?

Dahil sa kiss sabi ng isip ko

"Ang sabi ni Manong guard bisita daw yun at sponsor daw sa interhigh." sabi ko

"Bakit hindi ko alam na may bisita ? Kase pag may bisita o kaya naman transferee nalalaman ko agad dahil lagi akong pinapatawag ni Mrs.D . Malapit na pala ang interhigh." Mitch

"Kung bisita yun ? Bakit si Reese lang ang may regalo ? O dapat sabihin kong REGALO." pagdidiin at pagpapalaki sa salitang regalo "Bigtime ee . Kumpleto ." amaze na sabi ni Sab

Tumatakbo narin yan sa isip ko . Kung bisita bakit ako nga lang ang may regalo at kilala nya ko ? Tsk .

"May dinner naba tayo ?" tanong ko sa kanila

"Oo . Haha . Nagtry ako magluto . Tikman mo ng Reese." excited na sabi ni Sab

Inside Of The Gangster World (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon