Chapter 59(Underground Brawl)

3K 107 1
                                    

REESE POV

"Nakakapagtaka . Bakit walang pulis o guard man lang dito ?" tanong ni Markus

"Sa kotse nalang natin pag usapan yan . Baka mamaya may makakita saten dito ." Steve

Pumasok na kami sa kotse ni Markus . Kahit ako nagtataka kung bakit wala man lang pulis o guard dito samantalang hinabol pa kami ng dalawang pulis kanina . Tapos ngayon wala as in WALA . Kahit isa o ni anino ng pulis wala .

Pinaandar na ni Markus ang kotse . Katabi nya si Red at kaming dalawa naman ni Steven sa likod . Nauna na sila Kuya at Vin sa Underground Brawl . Nung sinabi ko kung saang Underground Brawl yun sabi ni Markus , Basta daw at alam nya na daw yun .

"Bakit nga kaya biglang nawala yung mga pulis na parang bula ?" Steve

"Wag nyo nang pahirapan ang sarili nyo . Kung ano o sino man ang may kagagawan nun . Thank you nalang." sabi ko

Natahimik sila sa sinabi ko . Ewan ko kung bakit yun ang sinabi ko pero deep inside nagtataka din ako . Walang mga pulis miski yung patrol nila wala din . Malinis ang main gate at sabi ni Kuya wala din daw bantay sa College . Napaitlag pako nung magring ang cellphone ni Steve .

"Hello ?.... Kaaalis lang namin .... O sige . Sige . . . Bye. Nandun na daw sila . Bilisan daw natin." Steve

"Tsk ." singhal ko

Binilisan ni Markus ang pagdadrive na parang nakikipagkarera . Napatingin ako sa rear mirror nung maramdaman kong may nakatingin saken at si Red yun . Nakatingin lang sya saken kaya iniwas ko ang tingin ko .

Ang hirap padin kaseng maniwala sa sinabi nya . Bakit ayaw kong maniwala ? DAHIL DUN SA REAKSYON NYA , Nung sinabi ko yung sinabi ni Markus saken . Halatang hindi pa nakakamove on kaya pano ako maniniwala . Baka mamaya ginugood time lang ako nito .

******

Nagpark na sa basement si Markus habang nandito kami sa tapat ng isang hotel .

"M&A Hotel ." basa ko sa nakasulat

M&A ? Seriously ? Gaya-gaya

"Tara na . Nasa lobby daw sila ." Steve

Nakalagpas na yung tatlo pero nung ako na ang papasok bigla akong hinarangan ng guard .

"Ma'am pakitanggal po ng panyo sa muka nyo." utos nya

"Excuse me ? Kasama namin sya." Markus

"Kahit napo . Pakitanggal nalang po." Guard

"Gusto mong tanggalin din kita ?"

Napalingon kami sa boses na yun at nandun si Kuya habang nakapamulsa

"Sir Alex kasama nyo po pala. Pasensya na po"

Umurong si Manong guard kaya tuluyan nakong nakapasok . Napailing nalang kami bago sinundan si Kuya na pumasok sa elevator . Nakita kong pinindot nya yung UG1 at naramdaman kong pababa ang elevator .

"Sinong may ari ng hotel nato ?" medyo inis na tanong ko

"Bakit ?" natatawang tanong ni Kuya

"Gaya-gaya kase."

"HAHAHAHAHAHA ." nagulat ako nung tumawa sya ng malakas na halos mag echo sa loob ng elevator

"Anong nakakatawa ?"

"Sino sa tingin mo ang owner ng M&A Hotel ?" nakangising tanong nya

Napataas ang kilay ko at pinagmasdan syang maigi . Wag nyang sabihing .....

Inside Of The Gangster World (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon