REESE POV
"FIGHT!"
Walang emosyon kaming nagtitigan nung babae ng mga ilang segundo hanggang sa mabilis nya akong sinugod . Sa sobrang bilis ng galaw ng mga paa nya papunta sa pwesto ko muntik pakong hindi makaiwas . Umantras ako ng konti at tiningnan sya . Tinaas nya ang espada nya kaya ganon din ang ginawa ko . Mabilis ulit syang lumapit saken pero this time sinalubong ko ang pag atake ng espada nya .
*SHING*
*SHING*
*SHING*
*SHING*
*SHING*
Salit-salitan ang pag atake namin sa isa't isa hanggang sa .....
"Ouch! Shit!"
Kagat labi akong napatingin sa kalaban ko na wala pading emosyon . Kung sakaling hindi ako nakalayo ng konti sa kanya paniguradong napautol ang hita ko sa talas ng espada nya . Napasulyap ako sa malaking hiwa ko sa hita at nakakainis dahil tuloy-tuloy ang agos ng dugo nun . Pinilit kong tumayo ng ayos kahit mahirap . Akmang huhubarin ko ang coat ko para gawing pangtapal sa sugat ko ng mabilis na naman syang sumugod kaya wala akong nagawa kung hindi salagin ang bawat pag atake nya .
*SHING*
*SHING*
*SHING*
Sinalag ko ng sinalag ang bawat pag atake nya hanggang sa macorner nya ako sa gilid ng brawl . Napatingin ako saglit sa gilid ko bago ako tumingin sa kanya matalim ang mga mata nya pero wala pading emosyon . Tinaas nya ang espada nya at handa na akong atakihin pero mabilis kong hinawakan ang espada ko sa paraan ng paghawak ng kunai kaya imbis na ako ang tamaan ng espada nya sya ang tinamaan ng talim ng espada ko sa may braso dahilan para mapaatras sya at kinuha ko ang pagkakataong yun upang makaalis sa corner ng brawl . Halata sa muka nya ang gulat at nakatingin sya sa kamay kong may hawak na espada . Sa unang pagkakataon nakakita ako ng emosyon sa muka nya . Pagkagulat dahil natamaan ko sya at pagkalito dahil sa paraan ko ng paghawak sa espada .
Hinawakan ko ng mahigpit ang espada ko , hawak ko padin ang espada sa paraan ng paghawak sa isang kunai . Mas komportable akong hawakan ang espada ng ganito kesa yung normal na paghawak ng espada . Mabilis naman akong sumugod sa kanya pero masyado syang alerto kaya nasasalag nya ang bawat pag atake ko . Walang dudang magaling syang gumamit ng espada dahil nung nasugatan ko ang kanang braso nya kanina yung kaliwang kamay naman nya ang pinanghawak nya sa espada ng walang kahirap-hirap . Samantalang ako ay kanan lang dahil hindi ako magaling gumamit ng espada pagkaliwang kamay ang ginamit . Mabilis akong umikot para sipain sya at nagawa ko naman pero sinalubong nya ako ng pag atake ng espada nya . Natumaba sya sa lakas ng sipa ko pero naputol naman ang coat ko sa talas ng espada nya .
Tumigil ako sa pag atake sa kanya at kapwa kami hinihingal . Pinulot ko yung kalhati ng coat ko na naputol at tinali ko yun sa hita kong patuloy pading dumudugo . Pagkatapos kong talian ang sugat ko hinubad ko na nang tuluyan ang coat ko at hinagis ko sa kanya . Hiniwa nya ang ang coat na hinagis ko gamit ang espada nya at sinamantala ko naman ang ginawa kong yun para mabilis akong makalapit sa kanya at inatake sya . Dahil hindi nya inaasahan ang pag atake ko ay nahiwa ko ang tyan nya . Pero hindi sapat iyon para matumba na sya . Sing lalim ng sugat ko sa hita ang sugat nya na natamo nya mula saken ang hiwa sa tyan nya . Nakasandal sya sa bakal na brawl habang naghahabol ng hininga . Bahagyang nakaawang ang labi nya habang lumalanghap ng hangin . Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan pero tumakbo sya papalapit saken at inatake ako gamit ang espada nya . Nakipagtagisan ang ng galing sa paggamit ng espada sa kanya . Medyo bumagal sya kumpara sa galaw nya kanina . Siguro'y iba padin ang pwersa ng kanang kamay nya kesa sa kaliwa kaya bahagya syang bumagal .
BINABASA MO ANG
Inside Of The Gangster World (UNEDITED)
ActionPano kung napasok ka sa isang sitwasyon na may kasamang misyon . Misyon na may halong responsibilidad . At responsibilidad na kaylangan mong gampanan Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ? Magagawa mo bang maging ako ? I'm pretending...