Chapter 40(Body Shot Challenge)

3.5K 118 3
                                    

MARKUS POV

"M-markus."

Whoah ! Buti nasabi ko nadin . Kanina pa nagtatalo ang isip ko kung sasabihin koba o hindi .

Nakatingin ako sa kanya . Panay ang kurap nya at parang hindi pa nagsisink in sa kanya yung sinasabi ko . Ang cute nyang tinangnan namumula yung pisnge nya .

"Hindi mo naman kaylangang sumagot." sabi ko "Just let me express my feelings for you don't ... don't push me away . Please." mahinang sabi ko

"Ahm . I-i'm speechless."

Napangiti naman ako sa sinabi nya . Inayos ko ang buhok nyang tumabing sa muka nya at hinawakan ko ang pisnge nya .

"Don't say anything . Just let me be." sabi ko sa kanya at niyakap sya

"O-okay."

Napabitaw ako sa kanya at napatitig sa muka nya . Bahagya syang nakangiti at namumula padin ang pisnge nya . Nginitian ko sya , pinakamatamis kong ngiti

"Ayos lang ba sayo ?" tanong ko

"May magagawa pa ba naman ako , Eh nauna na ang k-kiss." napakamot naman ako sa ulo sa sinabi nya

"Sorry."

"Tara na . Baka hinahanap na nila tayo "

Ngumiti muna ako sa kanya bago sya pagbuksan ng pinto . Inayos ko yung coat na suot nya at inakbayan sya na bahagyang kinagulat nya

"Maglalakad tayo , baka mabasa ka kase." paliwanag ko

Tahimik lang kaming naglakad . Gusto ko sanang malaman kung anong iniisip nya pero baka mamaya sabihin nya hindi pa naman nya ako boyfriend , nakikialam na agad ako sa kanya . Napapangiti nalang ako pag iisipin ko kung pano ko sisimulang ligawan sya . Kung ano bang gusto nya o kung anong gagawin ko . O kung kaylangan ba planado o yung magkukusa nalang ang katawan ko . Hindi naman ito ang first time na manliligaw ako pero parang kinakabahan ako . Kanina nung hinahalikan ko sya , nagulat ako kase gumanti rin sya ng halik

Gusto nya rin kaya ako ?

Napabuntong hininga nalang ako sa isiping iyon . Maraming nagkakagusto sa kanya , wala namang duda dun dahil maganda sya . Physically perfect wala kang maipipintas pwera nalang sa madalas nyang pagsusungit . Pakiramdam ko ngayon palang mahihirapan ako sa panliligaw sa kanya pero ayos lang , sya naman ang pag aaksayahan ko ng oras at panahon . Napatingin ako sa kanya at naramdaman nya atang nakatingin ako sa kanya ,kaya tumingin din sya saken . Nginitian ko sya pero nag iwas sya ng tingin . Nakarating na kami sa loob ng court at binaba ko na ang hawak kong payong at tiningnan sya .

*SIGH*

"Reese ?"

"Ha?" napangiti ako dahil kita padin ang pamunula nya , lumapit ako sa tenga nya para marinig nya ang sasabihin ko "M-markus."

"Can i court you ?"

*EHEM*

Napatingin ako sa Entrance at nakatayo dun si Red habang nakatingin samin . Lumayo naman ako kay Reese na nakatulala lang saken . Nginitian ko muna sya bago ulit humarap kay Red .

"San ka galing ?" malakas na tanong ko

"CR ." simpleng sagot nya at nilagpasan kami

"Tara na." yaya ko kay Reese na mukang gulat "Reese."

"Ha?"

Hindi ko maiwasan ang mapangiti . Iniisip nya siguro yung tanong ko sa kanya . Hinawakan ko nalang ang kamay nya at pumunta sa table namin . Naka upo sila dun habang yung iba naman sumasayaw . Pinaupo ko muna si Reese bago ako umupo . Napansin kong nagsalin agad sya ng wine sa baso nya at pinuno iyon at nilagok ng diretso . Nang naubos nya yun , nagsalin ulit sya at iinumin na sana ulit yun ng may lumapit na student samin na may hawak na bouquet of roses . Hindi ordinaryong roses . Combination ng DARK at SKY ROSES . Ang gandang tingnan . Napalingon kami sa kanya at yung iba naming katable na nagsasayaw kanina naupo dahil sa presensya ng estudyante nato .

Inside Of The Gangster World (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon