Chapter 68 (End Of Book 1)

4.2K 116 17
                                    

REESE POV

Kaya ko pa . Kaya ko pa

Paulit-ulit na sigaw ng isip ko pero ang katawan ko , ramdam ko ano mang oras bibigay na ang katawan ko . Nakasalampak nako sa corner ng brawl at naghahabol ng hininga . Tapos na ang sampung kalaban ko isa nalang tapos na . Pero ang isa at huling kalaban ko ay hindi ko sukat akalaing MALAKI . As in sobrang laki at parang bato-bato pa ang katawan . Anim na talampakan o higit pa ang taas , maitim , kalbo at ang mga braso . Nagmumura sa sobrang laki at kitang kita na ang mga ugat , kahit ata pagsamahin ang dalawang hita ko walang laban e. Sunod kong tiningnan ang katawan nya . Hindi ko malaman kung nasan ang abs dahil halos lahat ng space sa katawan nya e puro bato . Para syang bato na tinubuan ng muka pati ang mga binti nya ang lalaki . May laban bako ? Lalo na kung ganitong nagdodoble na ang paningin ko at nangangatog na ang tuhod . Nauuhaw nadin ako at parang nadedrain na ang katawan .

Kahit nahihirapan akong tumayo sinubukan kong makatayo habang nakahawak sa bakal ng brawl . Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko sa sobrang pagod at nung nakatayo ako ng ayos sumandal akong bakal habang naghahabol ng hininga . Iaangat ko palang sana ang muka ko para makita ko ang kalaban ko ng may biglang humawak sa leeg ko at walang kahirap-hirap na ibinalibag ako . Sa sobrang lakas ng pagbalibag nya saken parang nawalan ng pakiramdam pansamantala ang buong katawan ko . Naririnig ko ang sigawan ng mga tao pero hindi ko sila maintindihan parang tunog ng flat line ang naririnig ko pati ang paningin ko nanlalabo na . Pinakiramdaman ko ang sarili ko at sinibukan ko ulit tumayo pero hindi pa ulit ako nakakatayo mula sa pagkakabalibag ko ng may malakas na pwersa ang tumama sa muka ko na halos humiwalay na ang ulo ko sa katawan ko sa sobrang lakas . Nagpagulong-gulong ako sa sahig ng brawl hanggang sa parang hinihila na ang mata ko para pumikit . Pero katulad kanina naudlot ang pagpikit ko ang may humila sa buhok ko at sinakal ako pataas sa ere . Umubo ako ng dugo at kinakapos ako ng hininga , hindi ko narin maaninag ng ayos ang taong batong sumasakal saken .

"Masyado kang mayabang . Ngayon , tatapusin ko na ang kayabangan mo."

*BOGHSSSS*

Isang malakas na suntok ang pinatama nya sa muka kaya nabitawan nya ako at nagpagulong-gulong na naman sa sahig . Nanghihina nako at kahit sabihin ng isip ko na kaya ko pa ang katawan ko ay hindi na . Bukod padon wala nakong gagamiting armas . Nagamit ko na yung tanto kanina at kung kamay naman ang gagamitin ko paniguradong mababaligtad lang ang sitwasyon baka imbis na baliin ko ang leeg nya leeg ko pa ang baliin nya . Nakakaasar naman kase sabi limang weapon ang magagamit , E bakit apat lang ang nagamit ko ? Nasan na yung isa ? O baka naman niloloko lang nila ako ? Tsk . Kaasar----AAKKKK !

Inapakan ng malaking paa nya ang leeg ko kaya lalo akong hindi makahinga pinipilit kong ialis ang paa nya pero lalo nyang diniinan . Bwiset ! Hindi nako makahinga ang ingay pa ang paligid na para bang may nanalo na kahit ang totoo ay wala pa-----Ano yun?

Napatigil ako sa pagpupumiglas ng may nakita akong bagay sa itaas ng brawl . Hindi ko maaninag ng ayos pero sigurado akong may kung anong bagay dun sa nagsisilbing bakal na bubong ng brawl . Kung mag-aala spider man ako paakyat sa taas gamit ang haligi ng brawl sigurado akong makukuha ko yun , kung ano man yun .

"*cough* *cough*"

"Ano Steel ? Nahihirapan kana ba ?"

Tiningnan ko ng maigi ang muka ng taong bato nato kahit nahihirapan akong maaninag ang muka nya dahil sa blurred vision ko . Hinawakan ko ang paa nya na nakatapak sa leeg ko bago ko sya nginisian . Mukang nairita sya sa pagngisi ko kaya inalis nya ang paa nya sa leeg ko bago nya ako sinabunutan at kinaladkad papunta sa haligi ng brawl . Bago ko pa man malaman ang gagawin nya hinampas nya ang ulo ko sa bakal na haligi ng brawl . Parang nayanig ang mundo ko sa ginawa nyang yun , lalong lumabo ang paningin ko at naramdaman ko ang likidong dumadaloy mula sa ulo ko pababa sa muka ko .

Inside Of The Gangster World (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon