ALEXANDER POV
Nakatingin lang ako kay Michiko habang natutulog . Nilagay ko na sya sa kwarto nya dito sa bahay ko . Naawa ako sa kanya . Hindi ko alam na ganto parin pala ang epekto sa kanya ng nangyare noon .
Saglit ko pa ulit syang pinagmasdan bago ako lumabas . Dumeretso agad ako sa sala at saktong nandun yung tatlo . Mga bagong ligo .
"Grabe boss ang dami mong sugat." puna ni Elvin
Naghilamos lang ako kanina at hindi na ginamot ang sugat ko .
"Hindi ko inaakalang ganun na syang kalakas ." amaze na sabi ko "Nagawa nyang buhatin ang center table ko . Tsk."
"Pag nagkataong tinamaan ka nun ano kayang mangyayare sayo ?" natatawang tanong ni Elvin
"Sa hospital ang bagsak ko ." natatawang sabi ko
"Sino ba si Xen ?" Macas
Napatingin ako sa kanila at ganun din sila saken . Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila kung sino at ano sa buhay ni Michiko si Xen . Baka yun pa ang maging dahilan ng panghihina nya . Lalo na ngayon .
"Hindi nyo na kaylangang malaman pa . Tama na yung narinig nyo." walang emosyong sabi ko "Anyway Villanueva narinig mo naba yung balita ?"
"What news ?" Villanueva
"Ilalaban si Steel kay Despicable sa saturday."
"What ? Bakit hindi namin alam yan ?" may halong inis na sabi nya
"Malay ko ." sarkastikong sagot ko
"Anong details ?" Macas
"One on one battle . Saturday 8:00 pm . Ikacast sya kaya paniguradong maraming pupusta ." ako
"Your not worried Bermudez? ." Villanueva
Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa mapangisi ako . Alam nya kayang si Princess at Steel ay iisa ? Tch ! Malamang sya ang leader may possibility na alam nyang iisa sila .
"What do you mean ?" maang-maangan ko
"Come on Bermudez. Alam kong iisa si Steel at Reese , ako ang leader nya kaya alam kong iisa sila." nakangising sabi nya
"What ? Iisa sila ?" Macas
Tiningnan lang sya ni Villanueva bago bumaling saken . Walang emosyong tinitigan ko lang sya . Tumayo ako at nilapitan sya
"Sumunod kayo saken."
Hindi ko na sila inantay sumagot at nagdire-diretso ako sa basement . Ramdam kong nakasunod sila hanggang sa makarating kami sa pinasukan nilang kwarto dito sa basement kung nasan yung dala nila . Tiningnan ko yung dalawa . Nagulat pa ako nung makita kong nakahubad sila .
"Bakit sila nakahubad ?" ako
"Pinahubad ni Reese." Elvin
Napangisi naman ako sa narinig ko . Mukang malaki ang pinagbago ng kapatid ko . Bukod sa lumakas syang sumuntok at sumipa . Naging maingat din sya sa mga bagay bukod pa dun gumanda ang katawan nya . Payat sya dati as in pantay lahat sa kapayatan , pero ngayon daig pa ang model sa ganda ng katawan . Hindi halatang 16 lang sya dahil sa katawan nya pero kung muka ang pagbabasehan tama lang sa edad nya .
Kumuha ako ng baseball bat at nilapitan yung Doctor . Masama na agad ang tingin nya saken pero nginisian ko lang sya .
"A sword-serpent member. Nagkamali ka ng taong binangga."
*BLLAAAAGGGHHHH*
"Uhmmmmmmm." daing nya matapos ko syang paluin sa binti
"Gusto ko na sanang madaliin ang pagkawala mo , kaso hindi ganun ang kapatid ko . Mas gusto nya ang mapunti-unti." nakangising sabi ko
BINABASA MO ANG
Inside Of The Gangster World (UNEDITED)
ActionPano kung napasok ka sa isang sitwasyon na may kasamang misyon . Misyon na may halong responsibilidad . At responsibilidad na kaylangan mong gampanan Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ? Magagawa mo bang maging ako ? I'm pretending...