Chapter 49 (Pink)

3.4K 124 1
                                    

REESE POV

Maaga akong nagising sa hindi ko malamang dahilan (6:30) . Binuksan ko ang kurtina ng kwarto ko at umuulan padin . Napailing nalang ako bago dumeretso sa banyo . Naghubad nako ng damit pati yung benda sa ulo ko tinanggal ko na . Binuksan ko ang tubig sa tub at lumusong habang iniintay na mapuno iyon .

Ano kayang nangyare sa Doctor at Nurse ? Tsk . Stupid Reese malamang nagpapahinga na ngayon yung mga yun dito mo ba naman dalhin sa kuya mo . Tsk . Tsk . Mabilis akong naligo dahil hindi ko nilagyan ng warm water ang pampaligo ko . Masyadong malamig .

Pagkatapos kong maligo sinuot ko agad yung t-shirt ni Kuya na kinuha ko kahapon . Kulay dark blue naman to kaya hindi mapapansin na wala akong suot na bra at makapal pati yung boxer nya na kulay itim . Mabilis lang akong nagsuklay kahit medyo mahirap dahil walang ligo at walang suklay na nangyare saken kagabi may konting spray net pa ang buhok ko . Pagkatapos kong magsuklay , lumabas nako ng kwarto at dumeretso sa kusina . Naghanap ako ng pwedeng lutuin dahil gutom na gutom nako . Kumuha ako ng Eggs,Bacon, Corned Beef at Tocino . Nagsalang nako ng sinaing sa rice cooker . Pagkatapos kong magsalang ng sinaing niluto ko nadin yung mga kinuha ko . Nagtoast nadin ako ng breads .

Minutes Later

Hinanda ko na lahat ng niluto ko sa lamesa . Kumuha ako ng milk sa ref at nagsalin sa baso kumain lang ako ng isang bread at nilagok ang gatas ng mabilis . Hindi pa sila gising kaya naman pumasok ako sa isang kwarto dito sa baba . May nakalagay na training room .Kagabi ko pa to napapansin ,ngayon ko lang naisipang pasukin .

Pagkapasok ko sa loob may pagkakahawig sya sa gym . May mga barbell ,zero bike, max climbing at kung anu-ano pang pang exercise na gamit . May mga gamit din katulad ng arnis,tanto,pana, at sympre hindi mawawala ang dart pati punching bags at boxing glove meron din. Lahat ng nakita kong nasa loob maniban sa barbell sinubukan ko . Habang nageexercise ako napansin ko ang isang malaking frame sa gilid . Tuloy padin ako sa pageexercise habang nakatingin dun . Kaming apat yun habang nakasuot ng baseball uniform . May hawak na baseball bat si Kuya at Mommy habang kami ni Daddy ang catcher at ako naman ang pitcher . Nakakatuwa lang na nandito yung picture namin . Mga bata pa kami nun.

Baseball ang sport ng pamilya namin . Lalo na si Daddy at Mommy . Tinuruan lang nila kami . Pero wala akong hilig dahil narin siguro sa hindi naman ako nakakalabas ng bahay . Wala akong nakakalaro maniban sa sarili ko . Mga ilang oras din akong naglagi sa loob . Balak ko pa sanang magtaka dahil wala akong naririnig na ingay sa labas . Pero naisip ko baka sound proof . Napatingin ako sa wall clock dito sa training room . 10:47 am na . Kumuha ako ng towel sa isang cabinet dito at nagpunas ng pawis . Lumabas nako at narinig ko ang mumunting ingay sa kusina kaya dumeretso ako dun .

"Good Morning Princess where have you been?"

Sinalubong ako ni Kuya at niyakap , hinalikan nya din ako sa pisnge . Mabilis syang humiwalay sa pagkakayakap saken at tumakbo sa kung saan . Nagtataka man ako at uupo na sana sa isang upuan ng mabilis akong hinarap ni Kuya sa kanya at pinatungan ng jacket sa harapan ko . Kunot noo ko syang pinagmasdan habang masama ang tingin nya saken

"Wear this ." nagbabanta ang tono nya

Magtatanong pa sana ako ng maalala kong wala akong suot na bra . Mabilis kong sinuot ang jacket at zinipper . Umupo na sya pati narin ako .

"Good Morning Guys." bati ko sa kanila

"Good Morning." they said in union

Nandito silang lahat pati yung babae . Nag umpisa na silang kumain habang ako ngumangata lang ng tinapay ko na tinoast .

"San ka galing ?" Markus

"Nagbawas ng timbang." Ako

"Bakit mo tinanggal ng benda mo ?" Kuya

Inside Of The Gangster World (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon