REESE POV
Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm ko . Dali-dali akong tumayo sa kama at nagtatalon para magising ang diwa ko . Humarap ako sa salamin ko at isa-isang tinanggal ang suot kong damit . At tsaka ko ulit pinagmasdan ang sarili ko sa salamin .
"Tsk . Nawawala na yung abs ko." bulong ko sa sarili ko
Isa-isa kong tiningnan ang sugat ko sa tuhod bago ko tiningnan ang pasa ko sa muka . Hindi na sya ganong kulay ube pero medyo halata padin pati yung sugat ko sa labi hindi na ganong halata . Pagkatapos kong tiningnan ang hubad na katawan ko sa salamin hinablot ko ang robe at tuwalya ko at lumabas na ng kwarto . As usual tulog pa ang mga bruha . Pumasok nako sa banyo at naligo . Ewan ko ba kung bakit parang may iba sa araw nato . Magaan ang pakiramdam ko . Kaya feel ko umattend ng acquaintance party .
Yes ! Tama kayo ng basa . Aattend nako . Wala rin naman akong gagawin dito sa dorm baka mamaya nan pag naiwan ako dito may magpakita pa saken . Alam nyo kase matapang ako pero takot ako sa multo . Isabak mo nalang ako sa bakbakan wag mo lang akong panonoorin ng horror movie dahil sinasabi ko sayo . Hinding hindi ako makakatulog . Yun pa nga lang na marinig ko yung sound effect sa mga horror movies kinikilabutan nako pano pa kaya kung may magpakita pa saken baka yun pa ang ikamatay ko . Tsk .
After ng masarap na ligo binalot ko ang sarili ko sa robe at binalot ko din ang buhok kong mahaba sa tuwalya at lumabas na ng banyo . Nakapamewang akong tumayo sa tapat ng pinto ng kwarto ko ng napansin kong tulog padin yung dalawa .
Grabe ! Tulog mantika
Hindi ko muna sila ginising at baka sabihing iniistorbo ko ang beauty rest nila . Pumasok nako sa kwarto at nagbihis nag short na maong , t-shirt na itim at sneakers na itim na may konting puti . Nagsuklay at naglipgloss lang ako at kinuha ang jacket ko na itim at sinuot yun (woman in black) ^___^V Kinuha ko narin ang susi ng kotse ko pati narin ang cellphone at wallet ko kung saan nakalagay ang MasterCard ko . Napagsyahan ko kaseng sa labas nalang ako magpapaayos . Balak ko pa sanang tawagan si Mommy para yung stylist nya ang mag ayos saken . Kaso baka maging OA yun pag nalaman nyang aattend ako sa party . Hindi ako mahilig sa party at hindi rin naman ako naattend sa mga school party mas gusto ko pa sa bahay at makinig ng music pero dahil nasa boarding school ako . Aattend nalang ako at baka mamaya magpunta pa si Annabell dito sa dorm room namin . Ayun nga , magiging OA ang Mommy ko at baka tawagin lahat ng Stylist na kilala nya para ayusan ako . At sigurado din akong maraming or SOBRANG daming damit ang ipakuha nya para maraming pagpipilian . Ganun ka-OA ang Mommy ko pagdating saken . Ika nya 'nag iisang prinsesa ng mga Bermudez ' . Lumabas nako ng kwarto ko at kinatok ng bongga ang kwarto ni Mitch
"MITCH AALIS LANG AKO . KAYO NA BAHALANG MAGLUTO NG PAGKAIN NYO." hindi ko na sya inantay sumagot at patakbo nakong lumabas ng dorm .
Wala pa gaanong tao ang nasa labas meron lang mangilan-ngilan . Kung sabagay maaga pa naman . 7:48 am sinalpak ko sa tenga ko ang earphone ko na laging nakaconnect sa cellphone ko at nakinig ng music . Magjojoging muna ako mga 1 oras para naman hindi tuluyang mawala ang 4 pack abs ko . Well hindi naman sya sobrang halata unlike yung kay Vin at Markus na kitang kita . Yung saken kase medyo blured . Matagal nadin simula nung nagtrain ako ng bongga kaya siguro lumalabo na ang abs ko . Kaylangan ko yung ibalik . Nagpunta ako sa track at nagsimula ng tumakbo .
Ano bang meron sa araw nato bukod sa party? Parang may nasesense ako . Pero hindi ko naman masabi kung maganda o pangit to . Basta 'K' lang , Ganun ! Paikot-ikot lang ako sa track ng may naaaninag ako na 4 na lalaki nagjojogging din papalapit naman sa direksyon ko . Mga nakajersey short, sando , jacket at rubber shoes din . Nung mga ilang dipa ng nalang ang layo nila saken tsaka ko sila nakita ng malinaw .
BINABASA MO ANG
Inside Of The Gangster World (UNEDITED)
ActionPano kung napasok ka sa isang sitwasyon na may kasamang misyon . Misyon na may halong responsibilidad . At responsibilidad na kaylangan mong gampanan Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ? Magagawa mo bang maging ako ? I'm pretending...