Chapter 44 (Je t'aime)

3.6K 101 5
                                    

MARKUS POV

Mabilis kaming nakarating sa tapat ng pinakamalapit na hospital gamit ang D-max ko .

"Kayo nalang ang magpasok sa kanya sa loob . Baka may makakita saken ." nag aalalang sabi ni Alex habang yakap ang kapatid

"Kami na ang bahala sa kanya." sabi ni Brickman

Lumabas agad sila Steven,Red at Brickman habang buhat si Reese . Mabilis naman silang dinaluhan  ng tulong hanggang sa makapasok na sila ng tuluyan sa hospital .

"San kita ibaba ?" tanong ko kay Alex

Minaniobra ko ang kotse ko at pinaandar na iyon . Napatingin ako sa rear mirror at nakita ko syang masamang nakatingin saken .

"Wag kang magkakamaling ilagay sa panganib ang buhay ng kapatid ko ." mahina pero maawtoridad na sabi nya

"Hindi ko gagawin yun." sagot ko

"Dapat lang. Dahil hindi lang ikaw ang mawawala sa mundong to." napahinto ako sa pagdadrive at tiningnan sya sa rear mirror "Idadamay ko ang buong angkan mo kasama na ang ari-arian nyong barya lang samin." mahinahong sabi nya

Ilang beses akong napalunok bago huminga ng malalim . Alam kong hindi sya nagbibiro , gagawin nya pag sinabi nya . Ganun sya na kilala ng lubos . Hindi sya marunong maawa kahit magmakaawa kapa . 15 years old sya nung nagsimulang sumikat ang pangalan nya sa loob ng gangster world . Mas lalo pang sumikat dahil sa walang kahit na sino ang may kaya sa kanya . Kung kani-kanino na sya nilaban pero lahat yun napalanunan nya at mas nakakatakot padun . May mga bali-balitang pagtapos nyang kalabanin yung nakalaban nya na Gangster sa labas nya naman inaabangan at pinapatay . Hindi lang yun , dinadamay nya din ang pamilya ng gangster na nakalaban nya . Pero dahil wala silang ebidensya na pinatay nya talaga ang mga yun hindi sya magawang patalsikin at bigyan ng parusa ng bawat organisasyon . Lalo na at anak sya ni Roman Bermudez ang tagapagmana ng pwesto nito .

"Wala kang dapat ipag alala saken." huminga ako ng malalim dahil ano mang oras pipiyok ako "Hindi ko ipapahamak si Reese."

Hindi ko sya tiningnan pero ramdam ko ang talim ng titig nya saken . Bahagya pakong nagulat ng may inabot sya sakeng calling card . Tiningnan ko muna yun bago kinuha at binasa .

Alex Bermudez / Spade

09*******7

"Tawagan moko pag may kakaiba kayong napansin . Sigurado akong may anino narin na nakasunod sa kanya . Pag iisipan ko pa kung sasabihin ko to kay Daddy , dahil siguradong itatago na naman sya . At alam kong ayaw nya yun ." huminga sya ng malalim at tumingin sa paligid "Kayo na muna ang bahala sa kanya . May kaylangan pakong gawin."

Pagkasabi nya nun tuluyan na syang lumabas ng kotse ko at tumakbo sa kung saan . Napakapit ako ng mahigpit sa manibela ko at huminga ng malalim .

Hindi padin ako makapaniwala na magkapatid sila ni Reese . Bakit nga ba ngayon ko lang napansin na pareho sila ng mata . Mga matang sobrang ganda na di mo aakalaing may nakatago pala sa likod ng magandang matang yon .

Nagmaneho na ulit ako pabalik ng hospital . Nang nakarating nako sa parking lot ng hospital hindi muna ako bumuba at nag isip .

Pareho kaya sila ni Reese ? Si Alex at Reese ! Magkapatid sila , ang ibig kong sabihin . Hindi kaya magkapareho si Reese at Alex na magaling sa mundo namin ? Sa mundo ng Gangsters .

"Tch ! Oo naman . Tanga mo Markus . Mga anak sila ng Mafia kaya paniguradong magkapareho sila ." sabi ko sa sarili ko

"Pero ...... Bakit pa nila inaalala ng husto si Reese kung magaling din sya sa mundong to ?"

Inside Of The Gangster World (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon