Chapter 16; Cry

1.6K 38 3
                                    

Shawn's POV

"Fuck it!"

I cursed nang makitang nahuli na naman ako ng dating. Wala na si Noahn sa room nila.

Lagi akong napunta dito tuwing may break times at lagi nalang akong nahuhuli ng dating. I wanna talk to her, gusto Kong sa kanya malaman ang totoo.

Nabuhayan ako ng loob nang makita ang best friend ni Noahn. I hate him but I should do this.

Lalampasan na Sana nya ako pero hinila ko sya sa kamay.

"Asan si Noahn?!"

Mukhang hindi man lang sya natinag at ngumisi pa sya.

"At bakit ko naman sasabihin sayo?"

I gritted my teeth because of irritation.

"Dahil Kelangan ko syang maka usap! It's been 3 weeks since the last time I saw her bullshit!"

Imbis na matakot ay tumawa pa sya na lalong ikinainis ko.

"Stop acting like you miss her dude. Kung hindi ko pa sya ma a abutang lungangi at lupaypay sa sahig dahil sa sobrang kalasingan hindi ko malalamang may problema sya, and that fuckin' problem is you! Claiming her as yours then breaking her heart as if she's nothing to you is really not a good idea Shawn, para kang sumugal ng bilyong bilyong pera at ipinatalo lang yun. Tapos ngayon hahanapin mo sya? Para anu? Durugin lalo ang puso nya? Her life is a mess now Shawn, maawa ka naman. Enough is enough!"

Tinamaan ako sa sinabi nya.
I can't say a word.

"Speechless? Tigilan mo na ang best friend ko. She doesn't deserve every problems and pain that you and your family brought to her. Gra graduate na tayong lahat next week and when that day comes? Mawawala na si Noahn na parang bula."

He left me dumbfounded.
She doesn't deserve it? Talaga lang huh? Bakit hindi nya ako magawang harapin para sabihin sakin ang totoo kung talaga?

Malamang sinaktan mo sya Shawn.

I shook my head. Tumakbo ako papuntang parking lot. Pupuntahan ko sya sa bahay nya. She's there, I'm sure of it. Hindi sya pedeng umalis nang hindi kami nag uusap.

NANG makasakay ako sa kotse pinaharurot ko agad Ito papuntang bahay ni Noahn. Wala akong pake kung over speeding ako.
Aaminin ko there's a part of me na namimiss sya and I know it's my heart who miss her.

Pinapasok agad ako ng guard sa village nila nang makilala ako.
Buti nalang hindi kalayuan sa gate ang bahay ni Noahn kaya madali akong nakarating dun.

PAGLABAS ko ng kotse ang bahay na puno ng kalungkutan ang sumalubong sakin. Unlike before na maaliwalas itong tingnan, ngayon ang dilim neto at mukhang hindi tinirhan nang ilang taon.
Mahahaba na ang damo sa paligid.
Sarado ang mga bintana at may nakatakip na itim na kurtina.

Nag doorbell ako ng nag doorbell pero walang nagbubukas.

"Noahn! Mag usap tayo open this gate!"

Ansakit na ng kamay ko kakahampas at kaka kalabog sa gate pero wala paring nagbubukas.

"Noahn alam Kong nanjan ka please naman buksan mo to! Talk to me!"

Nang wala paring nagbukas napag desisyonan Kong akyatin nalang ang gate. Hindi naman ito kataasan kaya madali ko lang itong naakyat.

Agad akong tumakbo papunta sa pintuan nang makapasok ako.

"Noahn! Open this door! Hindi ako aalis dito hangga't di kita nakaka usap!"

Hindi nako nag doorbell. Kumatok nalang ako nang kumatok hanggang sa hindi na kayanin ng kamay ko.

Napa upo ako sa munting hagdanan sa harap ng pintuan. Nawawalan nako ng pag asa pero hindi ako aalis dito. Hihintayin ko syang lumabas.

Revenge To My Ex(completed)Where stories live. Discover now