Shawn's POV
Kanina pa walang imik si Noahn habang namimili kami.
Tinatanong ko sya kung anung gusto nyang bilhin but she'll just shrug her shoulders as an answer kaya ako nalang ang napili ng bibilhin."May problema ba? May gusto ka pang bilhin?"
I am worried, baka may problema na naman o kaya'y may nagawa akong Mali.
Puno na ang cart na dala ko.Mabilis syang umiling sa tanong ko.
"Eh anung problema? Dadalhin ko na to sa counter."
Nanlaki ang Mata nya at hinila ang cart na NASA akin.
Nangunot ang noo ko sa ginawa nya."Bakit?"
Nag Iwas sya ng tingin at parang nagdadalawang isip na umimik.
"Ahmmn, w-wala akong dala na pera. N-nakalimutan ko. Hinila mo kasi ako agad eh."
Napangiti ako habang nakatitig sa namumula nyang pisngi. She looks so cute.
"Don't worry, ako na Bahala. Babayaran ko lahat to tutal ako naman ang pumili."
Kinuha ko na sa kanya ang push cart at akmang lalakad na nang may tumawag sakin.
"Shawn?! Baby?!"
Nairita ako nang marinig ang matinis na boses na yun. Sya yung babaeng laging nasunod sakin nung college palang ako. Sya din ang babaeng dahilan kung bakit naging kami ni Noahn.
"Tsk, hanggang ngayon ba naman?"
Napatingin ako Kay Noahn na halata ang iritasyon sa mukha habang nakatingin sa direksyon nung babae.
"Baby! I miss you! It's been six years! Mahal na mahal parin kita baby."
Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala yung babae. She embraced me and I feel disgusted.
"Let go of me!"
Pilit kong inalis ang braso nung Babae na nakapalibot sa bewang ko. Mas malakas ako sa kanya kaya madali ko itong natanggal.
Agad na hinanap ng paningin ko si Noahn. Wala na sya, Shit!
Nagmamadaling tinulak ko yung cart papunta sa counter na walang pila.
"Miss pakibilisan."
Parang ogag kasi e, ang bagal bagal kumilos tapos anlagkit pang tumingin.
"Pagmamay Ari ng kaibigan Kong si Davey Divina ang grocery store na to kaya pag di mo binilisan Jan ipapasisante kita."
I said to her coldly. As expected, binilisan nya. I know that's rude pero kelangan Kong magmadali baka kung san na pumunta si Noahn.
Agad Kong binayaran ang pinamili namin na inabot na ng limang malalaking plastik sa sobrang dami at tumakbo palabas ng grocery.
Pagdating ko ng parking lot nakahinga ako ng maluwag nang makita si Noahn na naka sandal sa hood ng kotse habang naka crossed arms. I can't help but to stare at her, she looks so hot in her position.
"Tutunganga kana lang ba Jan?"
Agad na nagising ang diwa ko nang marinig ang malamig nyang boses.
"What took you so long? Nag kamustahan pa Kayo ng 'baby' mo?"
Her voice is full of sarcasm kaya hindi ako maka imik. Nakakapanibago talaga sya.
"Ohh? No need to speak I already know the answer."
Tinalikuran nya ako at sumakay na sa kotse. I sighed at pumunta sa likod ng kotse. Binuksan ko ang back compartment ng kotse at dun nilagay ang lahat ng pinamili namin.
YOU ARE READING
Revenge To My Ex(completed)
De TodoEach and Everyone of us have our own good personalities , all of us have our own beauty but no one see's it. Noahn is a Girl with a lot of secrets. She use her angelic look just to have a lot of victims but what if someone with a bad attitude change...