CHAPTER 8: PAGEANT

1.2K 53 6
                                    

FIERCE

Kasalukuyang nandito ako sa backstage kung saan gaganapin ang pageant.
Oo, napasali na ako dito dahil na rin sa pagpupush ng parents ko na nasa ibang bansa.
At pagsuporta at paggabay sa akin ni Kuya Aj.
Ang laking tulong din ng nagawa ni Andrea para sa akin.

"Ang ganda ganda mo Fierce," papuri sa akin ni Andrea.

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung maganda ba ako o mukhang katanga tanga lang.
Ang suot ko ngayon ay ang gown na dinesenyo ni King Imperial yung lalaking hulog sa puno.
Tama sya mabilis lang nagawa ang gown na ito.
Naka-black gown ako ngayon, napakasimple lang pero napakaelegante at napalakas ng dating.
Mukha namang bagay sa akin.

Wala rin akong eyeglasses ngayon bagkus contact lens na kulay brown ang suot ko.
Messy bun hair naman ang style ng buhok ko.
Simple lang din ang pagkakamake-up sa akin.

"Mas maganda ka," balik na papuri ko sa kanya.

Naka red gown naman si Andrea.
Kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan nya .
Labas na labas ang natural nyang ganda.
Kulot naman ang pagkakaayos sa buhok nya.
Hanggang sa nagyakapan kami ng napakahigpit.

"Ehem ehem ehem," pagaagaw atensyon sa amin ni Zoey.

Nagbitaw kami sa yakapan namin ni Andrea.
At napabaling kami ng tingin kay Zoey.
Tintigan ni Zoey si Andrea mula ulo hanggang paa.

"Ang ganda mo Andrea," nakangiting sambit nya kay Andrea.

"Ikaw rin naman Zoey," tugon ni Andrea.

Hanggang sa bumaling naman ng tingin sa akin si Zoey.
Tintigan nya rin ako mula ulo hanggang paa.
At napako ang tingin nya sa may bandang gitna ko.
Sa hindi ko namamalayang pagkakataon bigla nyang hinila ang kamay ko.
At mabilis nyang tiningnan ang pulso ko.

"Ano ito bakit ang daming hiwa?" nagtatakang tanong nya

Napatingin din si Andrea sa pulso ko pero mabilis ko namang inagaw ang kamay ko at itinago sa likuran ko.

Oo, maraming hiwa ang pulso ko.
Pero ngayon lang nila napansin ito dahil na rin wala akong suot na relo ngayon.
Na syang ginagamit ko para maitago ito.
Ito ang hiwa na ginawa ko noong mga nakalipas na mga buwan.
Ito ang dulot ng pagkakaraped sa akin at pagkamatay ni Dos.
Paulit ulit kong pinagtangkaan ang buhay ko.
Pero paulit ulit din naman akong nakakaligtas.

Suicidal ako pero kahit papaano nagbabago na ako.
Hindi pa ako tuluyang magaling pero dahil na rin sa pamilya ko kaya siguro nanatili pa rin akong buhay.
At higit sa lahat dahil naghihintay ako sa panahong magtatagpo kami ng mga taong pumatay kay Dos at bumaboy sa akin.

"Wala ito," pagsisinungaling ko.

Animoy hindi sila naniniwala sa sinambit ko.
Kaya nabalot kami ng katahimikan.
Mabuti nalang dumating na ang organizer ng pageant.

"Mga candidates pumila na kayo magsisimula na tayo," sambit nya.

"Sige mauna na ako pang number 1 ako eh," sambit ni Zoey.

Tumango nalang ako sa kanya at tuluyan na syang umalis.

"Ako rin, pipila na. Galingan natin huh," sambit ni Andrea.

Nginitian ko lang sya at niyakap naman nya ako.
Isang napakainit at napakahigpit na yakap ang ibinigay nya sa akin.

"Sa susunod wag ka ng maglalaslas dahil iiyak ako. Bestfriend na kaya ang turing ko sayo," sambit nya sa naiiyak na tono.

Sa puntong ito, may kung anong kumirot sa puso ko.
Dahil kalimitan sila Mama, Papa at Kuya Aj lang naman ang nagpapaalala sa akin na wag na akong maglalaslas.
Ibang iba pala yung pakiramdam na kapag sa ibang tao na nanggaling ang mga salitang yun.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now