CHAPTER 31: SUNDO LOVE STORY

780 34 1
                                    

FIERCE POV

"Fierce may sakit ka ba?" tanong sa akin ni Andrea.

"Wala," matipid kong sagot.

Kasalukuyan nagkaklase kami ngayon ng Literature 1.
Masama pa rin ang pakiramdam ko pero kailangan kung pumasok dahil gustong gusto ko talagang makaharap si Jack.
Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sino ba yung lalaking nagsasalita dun sa video.

"Ms. Alonte, Ms.Clemente, Mr. Arguelles and Mr. Montecillo please come forward," tawag sa amin ni Mrs. Dina Virgin.

Nagkatitigan naman kami ni Andrea at sabay ring tumayo.
Marahan kaming nagtungo sa unahan at lumapit kay Maam.
Ganun din naman sila Supremo at Red.

"Sabi ko by two's ang grouping para sa mini pocket book na gagawin nyo. Pero bakit ikaw Ms. Alonte ay nagsosolo at ikaw naman Ms. Clemente ay dalawa ang kagroup mo na sila Mr. Arguelles at Mr. Montencillo?" usal sa amin ni Maam.

Sa pagkakatanda ko pangalan ko lang ang nakasulat sa papel na pinasa ko kay Maam ,which mean magsosolo lang din ako.

"Galing naman pinagaagawan sya samantalang ako walang kagrupo," nagpapaawang sambit ni Andrea.

"Ma'am nauna ako magpasa ng papel namin ni Fierce. Kaya dapat ako ang kagroup ni Fierce," sambit ni Red.

"Ma'am ako dapat ang kagrupo ng Laura ko," pagsusumamo naman ni Supremo.

Sa puntong yun bumaling ng titig sa akin si Ma'am.

"Ms. Clemente ikaw ang mamili sa dalawa. At kung sino man ang hindi mo mapipili ay ang syang magiging kagrupo ni Ms.Alonte," sambit sa akin ni Ma'am.

"So tira tira ni Fierce yung mapupunta sa akin," usal ni Andrea.

Sa puntong yun nabaling na sa akin ang mga mata nila.
Na animoy naghihintay ng kasagutan ko.
Sa totoo lang ayokong mamili sa dalawa.
Pero wala naman akong magagawa eh.

"Ma'am si Master Red ang pinipili ko," seryosong sambit ko kay Ma'am.

Sa pagpili kong yun bakas sa mukha ni Red ang sobrang pagkasaya.
Bakas naman sa mukha ni Supremo ang labis na kalungkutan.

"Paano ba yan ako na naman ang pinili nya?" maangas na sambit ni Red kay Supremo.

"So Ms. Alonte and Mr. Arguelles kayo ang magkagrupo," sambit ni Ma'am.

"Class magsama sama at magusap usap ang bawat magkakagrupo tungkol sa mini pocket book na gagawin nyo pupunta lang ako sa library saglit," paalam ni Maam.

Sa puntong yun mabilis na nagsikilos ang mga kaklase ko.
At nagsama sama ang bawat  magkakapartner.

"Andrea doon ka muna sa upuan ko para tabi kayo ni Supremo samantalang doon muna ako sa upuan mo para tabi kami ni Fierce," usal ni Red kay Andrea.

Tumango nalang si Andrea.
At padabog namang bumalik si Supremo sa kanyang upuan na agad namang sinundan ni Andrea.
At maging ako mabilis na bumalik sa aking upuan kasunod naman si Red.

Nang makaupo na ako bahagyang  hinila ni Red ang upuan ni Andrea at iniharap sa akin at umupo sya dito.
Ngayon magkaharapan na kami ni Red.
Nakipagtitigan sya sa akin.

"May sakit ka ba?" nagaalalang usal nya.

"Mas mukha kang may sakit" usal ko.

Bahagya syang nalungkot sa sinambit ko.
Dahil totoo naman eh mukha syang may sakit.

"Oo may sakit ako dito sa puso ko dahil sayo," animoy kinikilig na sambit nya.

"Nasasaktan ka na pala ,bakit ayaw mo pang itigil?" mayabang na sambit ko sa kanya.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now