CHAPTER 41: RED TEARS

796 29 0
                                    

FIERCE POV

Kasalukuyang nandito ako ngayon sa aking kwarto.
Pinapanood ang laman ng SD Card na kinuha ko sa Spy Wall Clock.

"Sunny may exam ka ngayon di ba? Kaya tayo na baka malate ka pa," usal ni Kuya Aj na pakiwari ko ay nasa likod ng pinto.

Isang malalim na buntong hininga nalang ang pinakawalan ko.

"Sige lalabas na ako," sambit ko kay Kuya Aj.

"Kaasar," nanghihinayang na usal ko.

Dahil sa kalahati na ata ng video ang napanood ko ngunit wala akong nakitang kahit na ano na maaaring magpabagsak kay na Jack.
Dali dali tinanggal ko na ang SD Card sa aking netbook at isinilid ito sa aking cabinet kasabay din ng pagpapatay ko sa akin netbook.
At itutuloy ko nalang ulit ang panonood nito sa bakanteng oras ko.

Hanggang sa  mapako ang tingin ko sa boteng ibinigay sa akin ni Supremo.
Dali dali lumapit ako dito at marahang hinaplos ito.
Hanggang sa  naglaglag ako ng dalwang puso dito.

"Kabayaran  yan sa pangagamit ko sayo," usal ko.

Matapos ito mabilis akong nagayos ng aking sa sarili habang nakatitig sa salamin.
Sa pagtitig ko dito hindi ko maiwasan ang mapangisi.

"Konti nalang tuluyan mo ng maaakit si Jack at tuluyan na syang mahuhulog sa bitag mo " nakangising usal ko sa aking repleksyon.

Speaking of Jack tanging landian lang ang naganap sa amin sa Sports Fest Night .
At matapos ito hindi na sya tumigil sa kakatawag at kakatext sa akin.
Namimilit na makipagkita sa akin ngunit hindi ako pumayag.

Kaya nakontento nalang sya sa
tawagan namin.
Katulad nalang kagabi magdamag ko syang nilandi ng sa ganoon hindi sya makapagreview at mapuyat sya dahil sa araw na ito ang prelim exam namin.
Nilandi ko sya para ako lang ang isipin nya, para wala syang maisagot sa exam at bumagsak sya.
Kahit magkalayo kami nararapat lang na ako pa rin ang laman ng isip nya.

"Nararapat lang na ako ang maging droga nya hanggang aa tuluyan na syang mawala sa sarili nya," muling usal ko.

Matapos ang paglalagay ng kaunting make up sa aking mukha.
At  pag-aayos ng aking buhok ay tuluyan na akong lumabas sa aking kwarto.
At sumalubong naman sa akin si Kuya Aj.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagpapaganda mo," kunot noong usal nya.

"Why?" taas kilay na tanong ko.

"Dahil yang ganda mo nakakatakot," seryosong sambit nya.

Sa puntong yun natigilan ako.
Sa puntong yun tanging ilang na ngiti nalang ang naisukli ko sa kanya.
Pati pala si Kuya nahahalata na ang pagbabago ko.

"Sige na naghihintay na yun taxi sa baba," usal ko kasabay na mabilis na pag-alis.

Ilang saglit ay nandito ako sa loob ng taxi.
At ngayon tinatahak na namin ang daan patungo sa bahay nila Red.
Tumawag sa akin si Mrs. Montecillo sabi nya nagpupumilit daw na pumasok si Red kaya eto ko ngayon to the rescue.

"Maam nandito na po tayo," usal nung driver.

Dali dali bumaba ako sa taxi.
At sa pagbaba ko nakasalubong ko si Red na nakasakay sa kanyang motor at si Mr.and Mrs Montecillo  na animoy pinagsasabihan si Red.
Bahagyang natulala si Red sa akin siguro dahil na rin sa pagbabago ko physically.
Dali dali lumapit ako sa kanila.

"Don't tell me tinawagan nyo sya," usal ni Red sa kanyang mga magulang.

Bahagya kaming nagkatitigan nila Mr and Mrs. Montecillo.
Hanggang sa sinenyasan ko silang pumasok na sa loob.
At mabilis nga nila kaming iniwan ni Red.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now