FIERCE
Pangalawang araw ko na ngayon dito sa BST University.
Matapos ang pagiging Laura ko kahapon wala naman ng something na espesyal na nangyari.
Matapos ang klase ko sa kanila lumipat na ako ng ibang klase sa ibang section dahil irregular student ako.
Ibat ibang section at kurso ang pinapasukan ko.Kasalukuyang nandito ako ngayon sa oval at nakaupo sa may bleacher.
Naghihintay ako sa susunod na klase ko.
Break time ko at may dalawang oras pa ako para tumambay.
Hanggang sa matanaw ko si Andrea na palapit sa akin."FIERCCCCEEEEE!!!" sigaw nya habang tumatakbo palapit sa akin.
At ilan saglit lang nandito na sya sa harap ko.
Isang kunot noo naman ang salubong ko sa kanya.
Hanggang sa may inabot sya sa akin papel at kinuha ko naman ito."Ano ito?" nagtatakang tanong ko.
Bago nya ako sagutin umupo naman sya sa tabi ko.
"Application form," sambit nya.
Sinuri ko ko ang papel na ibinigay nya at oo nga application form ito.
"Application form ng ano?" nagtataka pa ring tanong ko.
"Application form para magkaroon ka ng position sa isa sa mga gang ng University natin," sambit nya.
Sa puntong na ito napabaling ako ng tingin sa kanya.
Gayon din naman sya sa akin."Gang?" matipid na tanong ko.
"Yes may apat na Gang sa ating University. Ito ay ang mga Bloody Zic Gang na pinamumunuan ni Supremo. White King, Red Dragon at lastly Black Jack Gang," kwento nya.
"So sila yung mga gulo ang hanap?" kunot noong tanong ko.
Isang iling naman ang sagot nya sa akin.
"Sila yung mga Gang na nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan dito sa ating University," kwento nya.
"So bakit ibinigay mo sa akin ang form na ito?" tanong ko.
Isang malapad na ngiti naman ang sagot nya sa akin.
"Dahil ikaw at ako ay sasali sa Gang na iyan," masayang sambit nya.
Ngunit isang malaking iling ang sagot ko sa kanya.
"Pumasok ako sa University na ito para mag aral, makatapos at magkadiploma.Yun lang yun hindi ko kailangan ng kahit na anong Gang, organization or kahit anuman. Ang priority ko lang ay ang pag-aaral ko," malamig na tonong sambit ko sa kanya.
Totoo naman, yung lang ang priority ko sa Unibersidad na ito.
Ang makatapos para sa pamilya ko at higit sa lahat para kay Dos.
Animoy nalugi sya sa sinambit ko."Fierce, maraming estudyanteng naghahangad na mapasali sa mga Gang na iyan. Pero marami rin ang nabibigo, isang malaking karangalan para sa mga estudyante ang mapasali dyan dahil ito ang susukat sa talino, lakas at tiwala nila," pagsusumamong sambit nya.
"Yun naman pala eh maraming nabibigo so bakit pa ako magpapakahirap kung napakaliit ng chance na makapasok ako?" maangas na sambit ko.
"Dahil alam ko kayo mo. Matalino ka, ramdam ko .May tatlong slot na available kaya gusto ko tayong dalawa ang makakuha nito," pagpupumilit nya.
"Bakit tatlo lang?" walang ganang tanong ko.
"Ganito kasi yan sa bawat Gang binubuo ito ng limang tao . At sa lahat ng miyembro kailangan mapanatili nila ang magandang grado at magandang performance dito sa paaralan.Nakakalungkot lang na may tatlong members nila ay nagpabaya at napatalsik sa Gang. Isa sa White King kung saan nagkaroon daw ng singko ito ganun din sa Red Dragon na may ibinagsak na subject at ang isa pa ay sa Black Jack Gang at ito naman ay nadiskubreng hindi tapat sa grupo nila," kwento nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/146724879-288-k54496.jpg)
YOU ARE READING
THE RAPIST ( Not A Love Story)
Gizem / GerilimThis story is unedited. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or...