CHAPTER 18: POISON

822 45 4
                                    

FIERCE POV

"Class magkakaroon tayo ng group activity for the next meeting," sambit ni Mrs. Dina Virgin.

Kasalukuyan klase namin ngayon ng Literature.

"Maam anong activity?" tanong ng isa kong kaklase.

"Presentation ng ilan sa mga Phillipine Literature works," paliwanag ni Mrs. Dina Virgin.

Taimtim naman na nakikinig ang lahat sa mga sinasambit ni Mrs. Dina Virgin.

"Ipi-present nyo ito sa pamamagitan ng role play, puppet plays,radio drama , musical and etch depende sa kung anong mabubunot nyo," paliwanag ulit ni Mrs.Dina Virgin.

"So pipili po kami ng mga ka groups namin?" tanong ni Andrea.

"Yes bubunot ako ng sampung estudyante na magsisilbinng leader .At sila ay pipili ng tatlong magiging miyembro nila," sambit ni Mrs. Dina Virgin.

Hanggang sa magsimula na ngang bumunot si Mrs. Dina Virgin ng mga magiging leaders.

"Please come forward Alonte, Lanip, Torio, Pelagio, Maliksi, Sarmiento, Junio, Carangal,Lopez,  and Andaya," tawag ni Mrs. Dina Virgin sa sampung nabunot.

"Oh my God bakit naging leader pa ako?" angal ni Andrea.

"Piliin mo ako huh bilang isa sa mga kagroup mo," bulong ko sa kanya.

"Ikaw pa ba?" sambit nya.

Hanggang sa magtungo na nga ang sampung leaders sa unahan kabilang na si Andrea.

"May sampu ako ditong nakatuping bondpaper sa loob nito nakasulat ang Philippine Literature works na ipeperform nyo at kung paano nyo ito ipi-present" paliwanag ni Mrs. Dina Virgin

Nagsitango naman silang sampu.
At nagsimulang na silang bumunot na pinangunahan ni Andrea hanggang sa makabunot na ang lahat.

"Ok ipakita nyo sa kanila ang nabunot nyo," sambit ni Mrs. Dina sa mga leaders.

Itinaas nila ang mga bond paper na nabunot nila.
Biag ni Lam Ang at role play ang nabunot ni Andrea.
Samantalang yung iba ay ang Alamat ni Maria Makiling, at iba pa

"Sa pagpili nyo ng miyembro dapat opposite ng gender nyo ang pipiliin nyo. For example ang leader nyo ay lalaki ang pipiliin naman nya ay babae. At yung babaeng napili nya ay sya namang pipili na dapat ay lalaki," paliwanag ni Mrs. Dina Virgin

Nagsitango naman ang mga leaders pati na rin kaming mga nakaupo.

"Pero para mas masaya kapag pipili kayo dapat gagamitin nyo ang mga salitang GUSTO KITA tapos yung pangalan ng napili nyo," natatawang sambit ni Mrs. Dina Virgin.

"Maam naman parang aminan ng feelings," sambit ng isa sa mga kaklase ko.

Pag talaga kalokohan ang daming alam ni Mrs.Dina Virgin.

"So simulan natin kay Ms. Andrea Alonte," sambit ni Mrs.Dina Virgin.

Sa puntong yun inilibot ni Andrea ang paningin nya.
Hindi nya naman ako pwedeng piliin dahil opposite nga diba.
Hanggang sa mukhang nakapili na si Andrea.

"Gusto kita Supremo," seryosong sambit ni Andrea.

"Ako rin gusto ko si Supremo," hirit ng isang babae.

Napangiti naman si Supremo sa pagpili sa kanya ni Andrea.
At agad naman syang tumungo sa unahan.
At ngayon turn naman ni Supremo para pumili.

"Gusto kita Laura ko," parang kinikilig na sambit ni Supremo habang nakatitig sa akin.

"Supremo dapat ako ang gusto mo," angal nung isang kaklase namin.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now