CHAPTER 33: SPORTS FEST

794 34 1
                                    

FIERCE POV

Patungo ako ngayon sa room 101.
Dahil ngayon araw na ito ang simula ng Sports Fest kaya magkakaroon kami ng maikling pagpupulong para dito.

Hanggang sa makarating ako sa room 101.
Sa pagpasok ko dito ang nadatnan ko ay si Jack na nakaupo sa isang bangko.
Sinenyasan nya akong lumapit sa kanya, wala naman akong magagawa kung hindi ang lumapit sa kanya.

Isa pa gusto rin naman talaga mapalapit sa kanya dahil sa pagkasabik kung malaman kung sino yun nasa video.
Hanggang sa makalapit na ako sa kanya.
Mata sa mata nagtitigan kami.

"Gusto mo pa bang mapanood yung video?" nakangising usal nya.

"Oo," sabik na sagot ko.

Hanggang sa marahan syang tumayo.
At isang ngising demonyo ang ibinigay nya sa akin.

"Lumuhod ka muna," malademonyo nyang sambit.

Sa puntong yun tumalim ang titig ko sa kanya.
Kahit kailan talaga asal demonyo sya.

"Ano gusto mo ba talaga mapanood ang video na ito?" mapangasar na sambit nya habang winawasiwas ang cellphone sa harap ko.

Luluhod ulit ako sa pagkakataong ito para sa pansarili ko.
Pero pangako sa susunod, sya na ang luluhod at magmamakaawa sa akin sa oras na ipakita ko sa buong BST University kung gaano sya kademonyo.

Kaya agad agad lumuhod ako sa harap nya.
Hanggang sa ipinaing naman nya ang kanang paa nya sa mukha ko.

"Ngayon halikan mo ang sapatos ko," nakangising sambit nya.

Sa pagkakataong iyon mas tumalim ang titig ko sa kanya.
Napatiklop ang mga kamao ko.
Pero kailangan kong magpigil para sa sarili kong kapakanan.
Para sa sarili kong kagustuhan.
At higit sa lahat para sa plano kong pagbabagsak sa kanya.

Kaya marahan kong kinuha ang paa nya na may suot na leather shoes.
Hanggang sa marahan kong inilapat ang mukha ko sa sapatos nya.
Hanggang sa lumapat ang labi ko sa sapatos nya.

"Hahahahaha good job," sambit nya kasabay halakhak na animoy si satanas.

Hanggang sa sinenyasan na nya akong tumayo.
At inabot s akin ang cellphone nya, agad agad pinindot ko ang play button sa video.

"Bitiwan nyo ang Binibini ko," sambit nang isang lalaki ngunit hindi ito si Dos.

Kaboses na kaboses nya si Dos pero hindi sya si Dos.
Sa puntong yun napatulo ang luha ko at mabilis namang inagaw ni Jack ang cellphone nya.

"Project namin ito noong nakaraan taon," nakangising usal nya.

Shit, Bakit ganoon?
Nagkataon lang ba talagang kaboses nya si Dos ko?
Tama nga si Kuya maraming magkakaboses dito sa mundo.

"Fierce," boses ni Andrea.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko.
Bago pa makalapit sa akin si Andrea.

"Master Jack," bati nya kay Jack ngunit tinalikuran lang sya ni Jack at mabilis itong umupo sa isang bangko.

"Naandyan na sila," sambit ni Andrea.

Hanggang sa magsidatingan na nga ang iba pa bang miyembro ng BST University Gang.
At napagdesisyunan namin na maupo na ni Andrea.

Ilang minuto pa natanaw ko ang pagdating ni Zoey .
At mabilis syang lumapit sa amin.

"Hi Fierce, Hi Andrea pwede bang tumabi sa inyo?" mahinahon nyang sambit.

"Oo naman" nakangiting sambit ni Andrea kay Zoey.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now