ZIC POV
CONTINUATION...
Kasalukuyan nandito ako sa opisina ko.
Nagpapalipas oras habang naghihintay sa mga ka-gang ko.
Samantalang ang iba naman nasa meeting area na naghihintay rin.
Ngayon magkakaroon kami ng pagtitipon bilang pag-welcome na rin sa mga bagong miyembro ng BST University Ganh kabilang na ang Laura ko.Speaking of Laura ko hindi ko pa rin maiwaglit sa isipan ko.
Ang mga patagong ngiting ipinamalas ni Red kanina habang pinagmamasdan sya.
Mga ngiting ngayong ko lang natunghayan.
May dapat ba akong ikabahala sa mga ngiting iyon?
May iba bang kahulugan ang mga ngiting iyon?At sa gitna ng aking taimtim na pag-iisip, isang katok ang pumukaw sa atensyon ko.
"Pasok" sambit ko.
At si Maja pala ang kumakatok sa pinto.
Isang napakagandang ngiti ang salubong nya sa akin."Supremo kumpleto na po sila," malambing na sambit nya.
Tumango nalang ako sa kanya kasabay ng pagtayo ko sa kinauupuan ko.
Nauna na akong lumabas sa opisina ko at batid ko namang sumunod sya .
Hanggang sa nagtungo na kami sa meeting area.
Nadatnan ko na lahat sila ay nakaupo na sa designated seat nila.Nagtungo naman ako sa bandang unahan ng table kung saan kaharap nito ang white board sa dingding.
Sa kanang bahagi ng table sa bandang una nakaupo ang mga White King Gang.
Sa dulo naman ng kanang bahagi ay nakaupo ang mga Black Jack Gang.Sa kaliwang bahagi ng table sa bandang una kaharap ng White King Gang nakapwesto ang Red Dragon Gang.
Samantalang sa dulo nito kaharap ang Black Jack Gang nakapwesto ang Bloody Zic Gang.Samantalang sa pinakadulo ng table , na napapagitnaan ng Black Jack at Bloody Zic ay may bakanteng upuan na nakalaan para sa akin.
"Since nandito na ang lahat maliban kay Mateo ng Black Jack na hanggang ngayon ay nagpapahinga pa," panimula ko.
Bahagya kong nilibot ang paningin ko hanggang sa mapako ang mga titig ko sa Laura ko na nasa dulo ng table .
Muli kong nilibot ang paningin ko sa puntong iyon si Red naman ang nakita ko na pasulyap sulyap sa Laura ko." Red please pay attention," inis na sambit ko sa kanya.
Walang emosyon syang nakipagtitigan sa akin.
Mga titig nyang hindi ko mabasa kung ano nga bang sinasabi."Fine sorry," walang emosyon pa rin nyang sambit.
Tinanguhan ko nalang sya at nagpatuloy na ako sa pagsasalita.
"Ito ang unang araw ng mga bagong miyembro ng BST University Gang. Kaya ngayon nandito tayo para mas maintindihan at malaman nila kung ano nga ba talaga ang tungkulin ng BST University Gang at mga tungkulin ng bawat isa sa atin bilang miyembro nito," sambit ko.
Taimtim na nakikinig na ang lahat .
"Pero bago yan may isang tanong na kailangan bigyan ng kasagutan ng mga bagong miyembro ng BST University Gang," sambit ko
Inikot ko ang paningin ko mula kay Zoey , Andrea at Laura ko.
Oo may nag-iisang tanong na dapat sagutin ng mga magiging bagong miyembro ng BST University Gang.
Ito ang tanong na alam kung mas magpapakilala pa sa kanila sa amin."Sa ilang taon na ng BST University Gang ang tanong na ito ang laging sumasalubong sa mga bagong miyembro nito. Oo lahat kaming mga dati ng miyembro ng Gang ay nasagot na ang katanungan ito . At ngayon kayo naman tatlo ang haharap sa tanong na ito. At pawang katotohanan lamang ang nararapat na isagot nyo sa tanong na ito" sambit ko.

YOU ARE READING
THE RAPIST ( Not A Love Story)
Mystery / ThrillerThis story is unedited. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or...