CHAPTER 28: IMPOSIBLE PERO POSIBLE

663 31 1
                                    

FIERCE POV

Hanggang ngayon hindi pa rin mawaglit sa isip ko si Supremo at si Zoey.
Bakit ganon parang pinagtatakpan nya si Zoey?
Pero ano pa nga bang magagawa ko kung hindi ang tumigil sa pag iimbestiga para na rin kay King.
Pero sa oras na may gawin ulit sa akin si Zoey ipatitikim ko sa kanya kung sino ba talaga si Fierce.

"Maam nandito na po tayo," sambit ng taxi driver sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko at nandito na nga kami sa Bloody Zic Underground.
Agad kong inabot sa driver ang bayad ko at mabilis ding bumaba.
Hanggang sa lumakad na ako palapit sa gate ng biglang may bumisina sa akin.

Nilingon ko ito at walang iba kung hindi si Red.
Ilang araw din syang nawala at ngayon ay nagbabalik na sya.

Marahan syang bumaba sa motor nya.
At dali dali lumapit sa akin at bigla nalang nya  akong niyakap.

"I'm sorry kung nawala ako ng ilang araw," pagsusumamong sambit nya.

Marahan ko syang tinulak palayo sa akin.
At ngayon magkaharap na kami habang magkakatitigan.
Pansin kong namumutla ang mukha nya.

"May sakit ka ba?" paguusisa ko sa kanya.

Sa tanong kong yun bigla nalang lumungkot ang mga mata nya.

"Namiss kita sobra sobra," malambing nyang sambit.

Plano ko na sanang talikuran sya.
Dahil ayokong mas mahulog pa sya sa akin.
Nang biglang may dumating ulit na isang motor na pakiwari koy kay Supremo.
Tumigil sya sa harap namin at mabilis na bumaba sa kanyang motor.
Hanggang sa tuluyan na syang makalapit sa amin.

"Ikaw, bakit ilang araw kang lumiban sa mga klase natin at maging dito sa Bloody Zic Underground?" seryosong tanong nya kay Red.

Maging ako gusto kong malaman kung bakit nga ba ilang araw syang nawala.
Hanggang sa tanging titig nalang ang naisagot nya kay Supremo.

"Kaya mo pa ba huh?" mayabang na usal ni Supremo kay Red.

Sa puntong yun nagtalim ang paningin ni Red kay Supremo.

"Kaya ko, kaya ko pa" sambit ni Red in a frustrated tone.

Sa pagkakasambit nyang yun animoy mangingiyak ngiyak na sya.
Animoy may ibang kahulugan ang kasagutan nya.

"Kaya mo pero bakit ganon ang  mga obligasyon mo bilang estudyante at bilang Master ng Red Dragon Gang eh napapabayaan mo?" sumbat sa kanya ni Supremo.

Bahagyang natahimik si Red.
At mukhang wala na syang planong makipagtalo pa kay Supremo.

"Eh bakit ikaw sa tingin mo ba nagagawa mo ng tama ang pagiging Supremo mo?" mata sa matang usal ko sa kanya.

Sa puntong yun nabaling na ang atensyon nila sa akin.

"Ito na naman ba tayo. Yung tangkang panglalason na naman ba sayo ang ipinaglalaban mo?" usal nya sa akin.

Sa puntong yun mas tumalim ang tingin ko sa kanya.

"Ipinaglalaban huh? May karapatan ba ako na ipaglaban yung sarili ko lalong lalo na sayo? Di ba wala kasi nga Supremo ka?" frustrated na sambit ko sa kanya.

Hanggang sa umiwas na sya ng tingin sa akin.

"Tama na, tapos na ang kaso,  sarado na ito. Nararapat lang na isarado nyo na rin ang mga mata nyo, bibig nyo at isipan nyo tungkol sa kasong iyon," sambit nya sabay lampas sa akin.

Hanggang sa bigla syang hinila ni Red at sinuntok sya  nito.
Na naging dahilan ng pagkalupage nya sa lupa.

"Sa oras na kinakausap ka ng  mahal ko wala kang karapatang talikuran sya. Kahit tanggalin mo pa ako sa pagiging Master ko hindi ako sa titigil sa paghahanap ng hustisya para sa kanya," emosyonal na sambit ni Red.

At sa puntong yun mabilis akong hinila ni Red papasok sa Bloody Zic Underground.
Paakyat na sana kami sa second floor ngunit mabilis akong kumalas sa kanya.
Hanggang sa magkatitigan kami.

"Itigil mo na ito. Itigil mo na yung pagiimbestiga. At higit sa lahat itigil mo na kung ano man yung nararamdaman mo para sa akin," emosyonal na sambit ko sa kanya.

Napailing nalang sya at napakagat sa kanyang labi.

"Rule no. 2 Bawal mo akong pigilan sa mga gusto kong sabihin at gawin para sayo," usal nya sa akin.

Isang buntong hiningang
malalim nalang ang pinakawalan ko.
Wala naman mangyayari kung makikipagtalo ako sa kanya.
At mabilis na umakyat ako sa hagdan hanggang sa bigla nalang nya akong niyakap patalikod.

"Wag kang mag-alala darating sa puntong hindi na ako mangungulit sa iyo. Kaya please habang may oras pa habang na sayo pa ako at habang nasa piling mo pa ako. Hayaan mo lang ako na mahalin lang kita," sambit nya sa garalgal na boses.

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinupunto nya sa sinambit nyang yun.
Pero sana nga dumating na yung araw na titigilan nya na ako.
Hanggang sa dahan dahan nya na akong binitawan.
At sa pagkakataong yun tuluyan ko na syang iniwan at umakyat sa itaas.

Hanggang sa makarating na ako sa pinto ng opisina namin.
Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko dahil batid kong pagpapahirap na naman ang sasapitin ko kay Jack.

Marahan kong pinihit ang doorknob at sumilip muna sa loob ng opisina.
Nadatnan ko si Jack na tutok na tutok sa kanyang cellphone na animoy may pinapanood.

"Bitiwan nyo ang binibini ko," rinig ko mula sa cellphone na hawak hawak ni Jack.

Sa puntong yun nangilabot ako.
Nanghina at nanginginig ako.
Bitiwan nyo ang binibini ko, paulit ulit na naglaro sa isipan ko.
Paulit ulit na nagsusumigaw sa tainga ko.

Yung boses na yun, boses na boses ng Ginoo ko yun.
Yung Binibini na yun, yun ang tawag nya sa akin.
Sa hindi ko namamalayan kusang tumulo ang mga luha ko habang nanatiling nakatulala.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong sa akin ni Jack.

Napansin na pala nyang nandito ako.
Nanginginig at lumuluha  akong pumasok sa loob ng opisina namin.
At bakas naman sa mga mata nya ang pagtataka sa inaakto ko ngayon.

"Ano yang pinapanood mo? Sino yung nagsasalita?" nauutal at naluluha na sambit ko sa kanya.

Bakas sa mga mata nya ang labis na pagtataka.

"It's none of your business," usal nya sabay talikod sa akin.

Kaya dali dali hinablot ko ang cellphone na hawak nya.

"ANONG GINAGAWA MO?" galit na usal nya sa akin.

Dali dali kong binuksan amg cellphone nya.
Ngunit may password ito hanggang sa naagaw na ulit nya ang cellphone nya.
Ngunit hindi ako tumigil at nagpumilit pa ring agawin sa kanya ang cellphone nya.
Hanggang sa  itinulak nya ako.
Mabuti nalang may nakasalo sa akin.

"Anong nangyayari?" usal sa akin ni Kevin na syang sumalo at nakaalalay ngayon sa akin.

"Ewan ko ba dyan, bigla nalang nyang inaaagaw ang cellphone ko," nakangising sambit ni Jack.

Hanggang sa umalis na sya sa opisina.
At ako naman ay tuluyang napalupage sa sahig.

"Hey, what's going on?" nagaalalang usal sa akin Kevin.

At wala na akong nagawa kung hindi ang umiiyak.
Dos ko, Ginoo ko ano ba ito?
Nagpaparamdam ka lang ba sa akin?.

JACK POV

Mabilis akong lumabas ng opisina at ngayon nandito ako sa kotse ko.
Bahagya kong tiningnan ang cellphone ko.
Bakit ganoon ang naging reaksyon nya sa cellphone ko?
Bakit naging interesado sya sa videong pinanood ko?

Bahagya kong pinikit ang mga mata ko.
At inaalala kung paano ang naging reaksyon nya kanina.
At inalala ang  mukha nyang desperadong makuha ang cellphone ko.
Hanggang sa paulit ulit na naglaro sa isipan ko ang itsura nya  at ang mukha nya.
Sa pagmulat ng mata ko isa lang ang  tumatakbo sa isipan ko.

"Hahahahahahha imposible pero posible," malademonyong sambit ko.

MS. A NOTES

ANO KAYA YUNG IMPOSIBLE PERO POSIBLE?

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now