FIERCE POV
"Class ang pinakamajor output nyo for this prelim ay susulat at gagawa kayo ng isang mini pocket book. Kahit anong genre basta dapat maipapasok nyo or maipapakita nyo sa storyang gagawin nyo ang Philippine Literature," sambit ni Mrs. Dina Virgin sa amin.
Kasalukuyang nagkaklase kami ngayon ng Literature.
Hanggang ngayon hindi pa rin mawaglit sa isip ko si Zoey.
Ngayon mas nangigigil ako sa kanya."By two's ang paggawa nito na binubuo dapat ng isang babae at isang lalaki," sambit ni Mrs. Dina Virgin.
"Ay sayang hindi tayo pwedeng magkagroup," usal ni Andrea.
Taimtim na nakikinig ang lahat kay Ma'am.
At taimtim din akong nagiisip sa plano ko para kay Zoey.
Lalo na't ngayon harap harapan nya na akong tinitira."Iiwan ko na kayo and next meeting dapat may mga partners na kayo para sa major output nyo this prelim. So see you next meeting class," sambit ni Mrs. Dina Virgin.
Sa puntong yun kanya kanyang ng groupings ang iba.
At mabilis din namang inayos ni Ma'am ang gamit nya at mabilis ding lumabas sa room namin."Sinong ipapartner mo?" usal sa akin ni Andrea.
Isang taas kilay nalang ang sagot ko sa kanya.
"Kaya ko naman mag-isa," sambit ko sa kanya.
Napatango nalang sya sa sagot ko.
Samantalang sinimulan ko ng ligpitin ang mga gamit ko."By the way anong nangyari sa inyo ni Zoey ?" tanong nya.
Sa puntong yun napangisi ako.
"Yun ang aalamin ko ngayon," nakangising sambit ko sa kanya
"Huh?" nagtatakang usal nya.
Hindi ko na sya sinagot bagkus nagpatuloy ako sa pagaayos ng gamit ko.
Hanggang sa matapos ko ng ligpitin ito."Una na ako," paalam ko sa kanya.
Isang naniningkit na mata naman ang ibinigay sa akin ni Andrea.
"May pinaplano ka noh?" taas kilay nyang tanong
Isang ngiti nalang ang sinagot ko sa kanya.
Kasabay ng pagbitbit ng bag ko ."Kita nalang tayo sa Bloody Zic Underground," sambit ko sa kanya.
Animoy nadismaya sya sa sinambit ko.
"Ano pa nga bang magagawa ko ayaw mong sabihin eh. Tyaka pala nakakapagtaka lang kahapon pang hindi napasok si Master Red sa aming mga klase pati sa Bloody Zic Underground," usal nya sa akin
Sa puntong yun, nilibot ko ang paningin ko .
At oo wala nga si Red at ang huli naming pagkikita ay yung sa sementeryo."Baka naman may sakit," usal ko kay Andrea.
Napatango nalang sya sa sinambit ko kasabay ng pagpapaalam namin sa isat isa.
Hanggang sa tinahak ko na ang daan palabas ng room.
At bago pa ako makalabas hinarang ako ni Supremo."Hindi mo naman kailangan lumuhod kahapon eh," usal nya.
Mata sa mata nagtitigan kami.
Mga titig na naman nyang nagsusumamo.
At mga titig kong may halong galit sa kanya."Lumuhod ako pero hindi ibig sabihin nun may kasalanan ako. Lumuhod ako hindi para kay Chairman, hindi para kay Zoey at lalong lalo na hindi para sayo. Lumuhod ako para sa pangarap ni Dos ko. Lumuhod ako para sa Ginoo ko," galit na sambit ko sa kanya.
Bahagya syang napaiwas sa titig ko.
Animoy nakaramdam sya ng pagkakonsensya.
Hanggang sa humakbang na ako palayo sa kanya."May ka group kana ba?" biglang usal nya na nagpatigil sa akin sa paghakbang.
![](https://img.wattpad.com/cover/146724879-288-k54496.jpg)
YOU ARE READING
THE RAPIST ( Not A Love Story)
Mystery / ThrillerThis story is unedited. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or...