CHAPTER 29: SO SICK

709 33 3
                                    

FIERCE POV

Bitiwan nyo ang binibini ko.
Paulit ulit pa ring naglalaro sa isipan ko.
Bitiwan nyo ang binibini ko.
Paulit ulit pa ring nagsusumigaw sa tainga ko.

"Dos naman eh hmmmm," usal ko kasabay ng aking pag-iyak.

Kasalukuyang nandito ako sa kwarto ko at nakahiga sa kama.
Lumiban ako sa klase ko dahil sa sobrang panghihinang nararamdaman ko dahil sa tinig na yun.
At sa sobrang panghihina, pagdaramdam at pag-iyak ko, nauwi tuloy ito sa aking pagkakaroon ng lagnat.

Hanggang sa may kumakatok sa pinto.
Ngunit hindi ko na pinansin iyon hanggang sa ilang sandali pa bumukas ang pinto at iniluwal nito si Kuya Aj.

Lumapit sya marahan sa akin at umupo sa kaliwang bahagi ng kama ko.
Nakatitig lang ako sa kawalan kasabay ng mga pagpatak ng mga luha ko.
At ramdam ko namang nakatitig lang sya sa akin hanggang sa marahan nyang hinagod ang buhok ko.

"Nagpadala na ako ng sulat sa mga professors mo na hindi ka makakapasok dahil sa lagnat mo," usal nya habang patuloy sa paghagod sa buhok ko.

"Kuya si Dos yun eh hmmm," umiiyak na sumbong ko sa kanya.

Nakapikit man ako o hindi sauladong saulado ko ang tinig ng Dos ko.

"Sunny, maraming magkakaboses sa mundo. Imposible na si Dos yung sinasabi mong narinig mo sa video lalo na at hindi mo naman napanood ito," paliwanag sa akin ni Kuya.

Nanghihnayang talaga ako dahil sa hindi ko napanood ang video na yun.
I check ko man sa Spy wall clock yun panigurado hindi rin nito nakuhan ang laman ng video sapagkat maliit lang iyon at sala sa anggulo ang pwesto doon ni Jack.

"Kuya si Dos yun eh hmmmm," patuloy na pag-iyak ko.

Sa puntong yun, niyakap na ako ni Kuya kasabay ng paghalik nya sa noo ko.

"Kakantahan ka nalang ng Kuya ng makapagpahinga ka na nang sa ganoon gumanda yang pakiramdam mo," pagsusumamo nya sa akin.

Sa tuwing kinakantahan ako ni Kuya.
Bahagyang naiibsan ang mga sakit na nararamdaman ko.

"Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing di ko
makakaya
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan," malambing na kanta ni Kuya.

Sa tuwing nalulungkot ako at nasasaktan.
Itong awiting ito ang palagi nyang kinakanta sa akin.

"Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan," emosyonal na kanta ni Kuya.

Totoo naman eh hindi nya ako  bibinitiwan at iniiwan lalo na sa oras na nararamdaman kong walang wala ako.

"Minsan madarama mo
Ang mundo'y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema'y tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan," mas emosyonal na kanta ni Kuya.

Pumapatak na rin ang luha nya kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Sabi ni Kuya ang kantang ito ay hindi lang tungkol sa isang taong hindi ka iiwan.
Bagkus ang kantang ito ang magpapaalala sa iyo na tumingin ka lang sa langit.
Dahil nasa langit mismo ang syang gagabay at hinding hindi talaga mang-iiwan sayo.

"Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan," garalgal na boses na kanta ni Kuya.

Maganda rin ang boses ni Kuya.
At lalong mas gumaganda ang pagkanta nya lalo na't sa mga binibitawan nyang linya.
Yung mismo ang isinisigaw ng kanyang puso at damdamin.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now