CHAPTER 43: DIARY

649 28 0
                                    

FIERCE POV

"HINDI KO SYA, HINDI KO SYA PINATAY, HINDI KO SYA PINATAY!!!" paulit ulit kong usal habang nanginginig at umiiyak.

Hanggang sa makarinig ako ng  wang wang ng mga kapulisan.

"Nandito na sila panigurado gigipitin nila ako," wala sa sariling usal ko.

Hindi maaaring makulong ako sa kasalanang hindi ko ginawa.
Hindi pwedeng manghina ako ngayon dahil batid ko ang insidenteng ito ang magiging susi rin para sa hustisyang hinahanap ko.
Kaya dali dali pinilit kong tumayo sa kabila ng panginginig at panghihina ko.

"Ahhhhaahhhhh!!!" angal ko.

Hindi ko mabuhat ang sarili ko.
Parang nawalan ako ng lakas pero hindi pwedeng basta nalang ako susuko.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko.
Hanggang sa unti unti nakatayo na ako.
Muli akong dumungaw sa pinagbagsakan ni Zoey at ang dami ng tao ang nasa baba.

"Kailangan ko ng makaalis," usal ko.

Patakbo na sana ako, paalis ng rooftop ngunit nakasalubong ko si King.

"Saan ka pupunta?" usal nya.

"Wala akong kasalanan," sambit ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, paalis sana ng rooftop ngunit agad naman akong hinarangan ni King.

"Alam ko wala kang kasalanan pero kailangan mong sabihin sa mga kapulisan ang panig mo. Kailangan mong harapin sila lalo na at tinuturo ka ngayon ni Maja," nagaalalang usal nya.

Napailing ako sa sinambit nya.
Batid kong maganda ang intensyon nya pero alam ko ang mas makakabuti para sa akin.

"Sa tingin mo ba susugod ako sa isang laban na walang dalang sandata. Oo haharap ako sa mga kapulisan pero hahanap muna ako ng sandatang magpapatunay na inosente ako," sambit ko sa kanya.

Sa puntong yun mabilis ko syang nilampasan.
Ngunit sa puntong rin yun mabilis nya akong hinila at niyakap patalikod.

"Mas ikakapahamak mo ang gagawin mo. Mas iisipin nila na may sala ka kaya mas mabuti munang sumuko ka please lang," pagmamakaawa nya sa akin.

Batid ko ang pinupunto nya.
Alam ko sa mga ganitong bagay alam na alam nya ang mga dapat gawin.
Lalo na dahil Judge ang Ama nya samantalang si Atty. Myrna Imperial na Ina nya ay hindi lamang isang Corporate Secretary ng aming University bagkus isa rin syang kilala at magaling na lawyer.

"Di ba sabi mo hindi mo na ako pakikielaman. Di ba sabi mo magkalimutan na tayo pwes please magkalimutan na tayo kaya pakawalan mo na ako," frustrated na sambit ko sa kanya habang pilit na kumakawala sa kanya.

"Oo sabi ko yun pero hindi ko kayang panagutan yun mga sinabi ko sayo eh. Lalo na kung alam kong mapapahamak ka sa mga gagawin mo kaya please makinig ka naman sa akin," frustrated ding sambit nya.

Sa pagkakataong yun mas pilit akong kumakawala sa kanya.
Ngunit mas hinihigpitan pa rin nya ang pagyakap sa akin.

"Mas ikakapahamak ko  kung susuko ako ngayon. At hindi ko hahayaan na sa pagkakataong ito maipagkait  na naman sa akin ang hustisya," cold na sambit ko sa kanya.

"Hindi,  Pangako tutulungan kita. Tutulungan ka ng pamilya ko pangako mapapawalang sala ka," pagpupumilit nya.

Batid kong hindi talaga sya magpapapigil.
Batid kong mas susundin nya ang batas ng bansa dahil na rin sa alagad ng batas ng bansa ang kanyang mga magulang.
Pero para sa  akin sa pagkakataong ito mas kailangan  kong ipaglaban ang pansarili kong batas.
Dahil alam ko na ito ang makakabuti para sa akin at para sa aming mga biktima ng inisidenteng ito.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now