ZIC POV
Patungo ako ngayon sa klase ko ng Literature 1 kung saan kaklase ko si Laura.
Speaking of Laura matapos nyang i-reveal ang biggest secret nya sinimulan ko na rin halungkatin ang nakaraan nya kasama na rin ang mga ibang detalye pa sa buhay nya.
Maliliit na detalye palang ang nalaman ko tulad ng address ng bahay nila, mga magulang nyang nasa abroad at ang Kuya Aj na isang photograper.
Pero hindi pa rin ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang lahat lahat.At ilang saglit pa ng paglalakad nandito na ako sa harap ng room namin.
Aktong papasok na ako sa room ng may nagtext sa akin.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at binasa ang text na galing kay Mrs. Dina Virgin."Walang klase may sakit daw si Maam" usal ko.
Kaya dali dali pumasok na ako sa room at nagdiretso ako sa unahan para i-announce na walang klase.
"Class, Mrs Dina Virgin is not feeling well so it means wala tayong klase ngayon," seryosong sambit ko.
"Yes!!!" react ng mga kaklase ko.
"Whhhhhooooohhh!!!" sigaw ng iba.
Sa puntong yun nabaling ang mga mata ko sa Laura ko.
Nag aayos na sya ng gamit at animoy nagpapaalam na kay Andrea.
Hanggang sa tuluyan na syang maglakad patungo sa labas.
Kaya napagdesisyunan kong salubungin sya at ito na nga magkaharap na kami.
Bahagya kaming nagkatitigan at animoy hinihintay nya kung anong sasabihin ko."Gusto mong mag meryenda muna tayo?" malambing na sambit ko
"Alam ko bawal akong tumanggi sayo Supremo, pero kailangan kong magreview dahil may long quiz kami sa next class ko," paliwanag nya.
Napatango nalang ako sa sinagot nya.
Alangan namang pilitin ko pa sya eh sa kailangan nya ngang mag aral."Ok, Goodluck and Godbless," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Thank you," matipid nyang sagot.
Hanggang sa tuluyan na syang lumakad palabas ng room.
At tinitigan ko nalang sya hanggang sa makalabas sya.
Ngunit pagkalabas nya may estudyanteng babae ang lumapit sa kanya at may inabot na paper bag ito.
Dahil sa kuryosidad ko lumapit ako sa kanila at pumupwesto ako sa likod ng Laura ko at animoy hindi nya ramdam ang presensya ko."Kanino galing ito?" sambit ni Laura ko sa babae.
"Secret daw po," sambit ng babae sabay alis nito.
Sa puntong yun kinalikot ni Laura ko ang loob ng paper bag hanggang sa may nakuha syang card.
Binuklat ni Laura ito at kasabay ng pagbabasa nya ang paglihim ko ring pagbabasa nito."Wag kang kiligin sa lovelife ng iba dahil mangyayari din yan sayo kapag naging akin ka!!" ang nakasulat sa card.
Hindi ko alam pero nakaramdam na naman ako ng selos.
May pumoporma bang iba sa Laura ko?Muling kinalikot ni Laura ang paper bag at isang ice cream na nasa cup ang laman nito.
Sa taas ng takip ng cup meron na naman itong nakasulat na notes." You can't buy happiness but you can buy Ice Cream. And that's kind of the same thing. So please eat me!!!" nakasulat sa notes.
Napansin ko namang napangiti si Laura ko sa nabasa nya.
Samantalang ako mas nakaramdam ng pagka inis at pagka-selos.
Sa puntong iyon binuksan ni Laura ko ang Ice cream at sa puntong yun titikman na nya ay Ice cram.
Nang biglang tinabig ko ito at tuluyang natapon ang ice cream sa sahig.
Napabaling ng tingin sa akin si Laura ganun din ang mga ibang estudyante."Bakit mo tinapon yung Ice cream?" cold na sambit ni Red na bagong dating.
Nagkatitigan kami ni Red sa puntong yun nakakita na naman ako ng emosyon sa mga mata nya.
Bakas na bakas ang pagkainis sa bawat titig nya.
YOU ARE READING
THE RAPIST ( Not A Love Story)
Mystery / ThrillerThis story is unedited. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or...