CHAPTER 37: SPECIAL CHAPTER

592 34 0
                                    

FIERCE POV

"Nasaan ako?" usal ko sa aking sarili.

Inilibot ko ang aking paningin.
Nasa isang lugar kung saan napakapayapa ng lahat.
Hanggang sa napako ang titig ko sa isang lalaking nakaputing kasuotan at nakatalikod sa akin.
Pamilyar sa akin ang tindig nya kaya marahan akong lumapit sa kanya.

"Sino ka?" usal ko doon sa lalaki.

Marahan syang lumingon sa akin.

"Dos ko, Ginoo ko," mangiyak ngiyak na sambit ko sa kanya.

Napatakbo ako sa kanya at niyakap ko sya ng napakahigpit ganun din sya sa akin.

"Binibini ko," umiiyak ding usal nya.

Hanggang sa marahan syang kumalas sa yakapan namin.
Tinitigan nya ako at ganun din ako sa kanya habang hawak hawak nya ang magkabila kong balikat.

"Ang tagal tagal kong hinintay ang panahon na ito, ang pagkikita muli natin," umiiyak na usal ko sa kanya.

Bahagya nyang pinunasan ang mga luha kong tumutulo.

"Ako rin miss na miss na kita pero panandalian lamang ito," usal nya.

Sa puntong yun mariing akong umiling sa sinambit nya.

"Hindi ako papayag sasama na ako sa iyo," pagsusumamo ko sa kanya.

Mas hinigpitan nya ang pagkapit sa magkabila kong balikat.
Mas tumitig sya sa akin.

"Hindi pa ito yung panahon. May hustisya ka pang hinahanap diba?" pagsusumamong sambit nya.

"Pero...," putol na kontra.

"Ito na yung simula ng laban mo. Nasa paligid mo lang sila," seryosong sambit nya sa akin.

Natigilan ako sa sinambit nya.
Nasa paligid ko lang ang mga demonyong hinahanap ko?
Pero sino sila?

"Sino, sino, sino?" pagsusumamo ko sa kanya.

"Binibini ko pinaglalaruan ka nila.
Ginagamit nila ako para patayin ka emotionally. Binibini ko wag mo silang hayaang magtagumpay . Binibini ko wag mong sayangin ang lahat lahat ng hirap na pinagdaanan natin sa mga kamay nila," umiiyak ng usal ni Dos ko.

Sa puntong yun napayakap sya ng mahigpit sa akin.
Kasabay ng pagagos ng mga luha namin.

"Sabihin mo na kasi sa akin kung sino sila," humahagulgol na pagsusumamo ko sa kanya.

"Binibini ko, sa labang ito isip lang ang kailangan mong pairalin. Kung maaari lang tanggalin mo muna yang damdamin mo dahil maaaring maging sagabal yan sa tamang hustisyang nararapat para sa atin. Binibini ko, wag mong hayaan na maging kahinaan mo ako  bagkus gamitin ako bilang lakas mo. Kaya Binibini ko ipangako mo sa akin na lalaban ka. Lalaban ka kakayanin mo para sa atin lalong lalo na para sayo. Tandaan mo mahal na mahal na mahal kita," usal nya kasabay ng marahang paghalik nya sa noo ko.

Hanggang sa ilang saglit ay bigla nalang syang naglaho.

"DOS KOOOOO!!!" sigaw ko kasabay ng pagbangon ko sa aking kama.

"Panaginip lang pala," usal ko sa aking sarili habang nakatitig sa kawalan.

Marahan kong kinayumos ang aking mukha.
Panaginip lang pero tunay akong lumuha.

"Ano bang sinasabi nya na nasa paligid ko lang daw sila?" umiiyak na usal ko.

Hanggang sa taimtim akong nag isip.
Yung T Shirt na may tatak ni Dos ko.
Panigurado ko kung kanino man nanggaling yun sya yung tinutukoy ni Dos ko.
Ibig bang sabihin nito na may kinalaman din sya sa pagkamatay ni Dos ko at panggagahasa sa akin?
Ibig sabihin maaaring nasa loob lang din sya ng BST University ang mga demonyong hinahanap ko.

"Pero sino? si Zoey ba? usal ko.

Hanggang sa ipinikit ko ang aking mga mata.
At naalala ko na naman ang tinig na katulad ng kay Dos na nagmula sa cellphone ni Jack.
Hindi kaya na si Jack talaga kasama na sila Raul at Mateo.
Hanggang sa marahan ko ng minulat ang aking mga mata.

"Si Zoey, si Jack, Mateo at Raul," usal ko sa kawalan.

Tama silang apat lang ang maaaring may pakana noon.
Pero sino sa kanilang apat?
Hanggang sa saan ang alam nila tungkol sa nakaraan ko?
O Baka naman parte sila  ng delubyo sa nakaraan ko?

"Pinaglalaruan nila ako gamit si Dos ko. Pinaglaruan nila ako gamit ang nakaraan ko. Pinaglalaruan nila ako gamit ang damdamin ko," usal ko sa kawalan .

Sa puntong yun marahan kong pinunasan ang luha ko.

"Tama ka Dos ko, nararapat lang na isip lang ang panagahin ko sa labang ito. Kaya humanda sila dahil iisa isahin ko sila hanggang sa malaman ko kung anong alam nila sa nakaraan ko," usal ko.

"Humanda kayong lahat dahil ito na ang totoong laban," malademonyong sambit ko.

MS. A NOTES

ITO NA RAW ANG TOTOONG LABAN????

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now