FIERCE
Matapos ang pageant noong isang araw.
Ngayon naman gaganapin ang survival mode.
At ngayon papunta kami sa open ground ng aming University dahil doon daw magaganap ang Survival mode challege namin."Ano kayang ganap sa survival mode?" usal ni Andrea sa akin.
Hindi ko na sya sinagot dahil wala rin naman akong maisasagot sa kanya.
Bagkus nagpatuloy nalang ako sa paglalakad patungo sa ground.
Hanggang sa matanaw namin ang mga maraming estudyante na animoy nakapalibot sa di mawari namin kung ano."Padaan, padaan kami ang mga comptetitors" sambit ni Andrea sa mga nagkumpulang estudyante.
Kaya naman mabilis na naghawan anh mga estudyante at sa gitna ng ground nadatnan namin ang isang Giant Chess Board na nakalatag dito.
"Mukhang isang chess tournament ang magaganap" usal ni Zoey.
Hanggang sa matanaw ko rin sila King, Red, Jack ,Supremo at ang mga Gang nila na animoy naghihintay sa amin sa isang entablado.
Kaya lahat kami ay lumapit sa pwesto nila."Mabuti naman at dumating na kayo" maangas na sambit ni Red.
"Tandaan nyo hindi namin kailangan ng mga kukupad kupad na members" mataray na sambit nung Maja.
"Tama na yan dahil nandito na kayo ipapaliwanag ko na kung anong magaganap sa kompetisyon ito" sambit ni Supremo.
"Bakit ganoon parang laging sayo lang nakatingin si Supremo? Siguro inlove talaga yan sayo" usal ni Andrea.
Dahil sa sinambit nya nabaling ang atensyon ko kay Supremo.
Nagtama ang aming mga mata.
Hanggang sa nginitian nya ako kaya mabilis ko naman iniwas ang aking paningin sa kanya."Nakikita nyo ba yang Giant Chess Board na nasa gitna?" sambit ni Supremo sabay turo sa Giant Chess Board na nasa gitna ng ground.
Sa puntong ito nagbulungan na ang mga kapwa ko competitor.
"Paano yan hindi ako marunong magchess?" sambit ng isang babaeng competitor.
"Ako rin hindi ako marunong" nawawalang pag-asang sambit ni Andrea.
Kaya tinapik ko sya sa kanyang balikat.
At bumaling naman sya ng tingin sa akin."Nandito ako hindi kita pababayaan" sambit ko sa kanya.
At isang ngiti naman ang isnukli nya sa akin.
"Isang human chess game ang inyong pagsubok ngayong araw. At ngayon magkakampi kayo at ang mga makakalaban nyo ay ang mga Master at mga members ng ibat ibang gang" sambit ni supremo.
Napatingin naman ako sa mga gang na tinutukoy ni Supremo.
Animoy handang handa silang lumaban sa amin."Teka lang diba magkakalaban kami bakit ngayon magiging magkakampi kami?" seryosong tanong ni Zoey.
"Tinawag natin itong Survival Mode ibig sabihin sa oras na matalo nyo ang kabilang panig lahat kayo ay makakapasok at makakasurvive para magtuloy sa final battle. At kung sakali namang talunin nila kayo lima sa inyo ang matatanggal. At ang limang iyon ay idadaan sa botohan" paliwanag ni Supremo
Magaling, napakahusay ng larong ito.
Dito masusukat kung sino bang ahas sa amin.
Maaaring may magbenta ng laban nang sa ganoon mabawasan na kami."Pero kailangang ng 16 na miyembro ang aming team ngunit 12 lang kami?" tanong ng lalaking competitor.
"Kaya kukuha kayo ng apat na volunteers sa ating mga estudyante kayo na ang bahalang dumiskarte sa pagpili sa kanila" paliwanag ulit ni Supremo
YOU ARE READING
THE RAPIST ( Not A Love Story)
Mystery / ThrillerThis story is unedited. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or...