RED POV
"Son nasaan ka?" nagaalalang sambit ni Papa sa kabilang linya.
"Pa, I'm ok you don't need to worry, uuwi rin agad ako," malambing na sambit ko kay Papa
Matapos iyon inendcall ko na ang cellphone ko.
Kasalukuyang nandito ako sa tapat ng bahay ng mga magulang ni Dos Magno.
Nagsaliksik ako tungkol sa kanila, dahil gustong gusto ko pang malaman ang lahat lahat tungkol sa pagkamatay ni Dos.
At higit sa lahat yung sinasabi ng Ina nya na nagahasa.
Kaya humahanap ako ng tamang pagkakataon para makausap ulit ang Ina ni Dos.Ilang araw na rin akong lumiban sa mga klase ko pati na rin sa Bloody Zic Underground.
Dahil na rin sa pagiimbestiga ko sa pamilya ni Dos Magno.
At higit sa lahat dahil na rin sa isang labang kinahaharap ko.Inaaamin ko miss na miss ko na si Fierce.
At naiinis rin ako sa sarili ko sapagkat wala akong nagagawa para mahanap ang nagtangkang lumason sa kanya.
Ngunit sa aking pagbabalik, pangako ko wala nang sinuman ang makakapanakit sa kanya.Mabilis akong bumaba sa motor ko.
At kinuha ang mga groceries na dala ko.
Ilang beses ko na rin itong ginawa ang pagdadala ng groceries sa pamilya ni Dos Magno.
Hindi sila mayaman at hindi rin naman mahirap ngunit batid ko kinakapos sila.
Kaya kahit sa ganitong paraan man lang makatulong ako.Mabilis akong tumawid sa kalsada at lumapit sa bahay nila.
Inilagay ko sa tabi ng pinto ang mga groceries na dala ko."Bro, alam ko ikaw rin ang breadwinner ng pamilya mo at ngayong wala ka na hayaan mo akong gampanan ko muna ang obligasyon mo sa kanila," usal ko kasabay ng pagngiti ko.
Hanggang sa iniwanan ko na ang groceries sa pinto.
At humakbang ng palayo sa bahay nila ngunit bago pa ako makalayo may biglang nagsalita."Huli ka!!! Ikaw yung nagdadala ng mga pagkain dito," boses ng isang batang lalaki.
Marahan akong lumingon sa nagsalita at isang batang lalaking nakataas ang kilay ang nadatnan ko.
"Yeah," nakangiting usal ko
Hanggang sa marahang lumapit sa akin ang bata.
Sinenyasan nya akong umupo ng sa ganoon magkapantay kami.
Kaya dali dali umupo ako at ngayon magkapantay na kami ng batang ito."Bakit mo kami tinutulungan?" nagtatakang tanong nya sa akin.
"Kaibigan ko kasi si Fierce so kaibigan ko na rin si Bro Dos," usal ko sa bata.
"Ah si ate Sunny , friend mo sya so friends na rin tayo," nakangiting sambit nya sabay abot ng kamay nya.
Mabilis ko namang kinuha ito at sabay kaming nagshakehands.
"Ako nga pala si Enxo Magno nagiisang kapatid ni Kuya Dos," sambit nung bata.
Napangiti naman ako sa sinambit ni Enxo.
At marahan kong ginulo ang buhok nya ngunit mabilis naman din nyang tinabig ang kamay ko."Bagong gupit ako wag mong guluhin ang bagong hairstyle ko," angal nya sa akin.
Hanggang sa ginulo naman nya ang buhok ko.
"Yan para kwits tayo. Pero teka lang bakit ayaw mong pagupitan ang buhok mo makapal na ito oh," sambit nya habang sinusuri ang buhok ko.
Sa puntong yun bahagya akong nalungkot.
Sa sinambit nyang yun bahagya akong natakot."Hindi natin masasabi when I will lose all my hair. So I'll just keep it long," malungkot na sambit ko sa bata.
Animoy nagtataka sya sa sinambit ko hanggang sa nginitian ko nalang ulit sya.
YOU ARE READING
THE RAPIST ( Not A Love Story)
Mystery / ThrillerThis story is unedited. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or...