FIERCE
Its my 5th day dito sa BST University.
Wala akong klase kahapon kaya walang masyadong ganap.
Kasalukuyang tinatahak ko ang hallway patungo sa canteen."May result na daw," sambit ng isang lalaki.
"Talaga tayo na," sagot ng kausap nya.
Hanggang sa nagsitakbuhan sila.
At marami rin ang sumunod sa kanila.
Sabik na sabik ang mga estudyanteng nagtatakbuhan na hindi ko lang alam kung saan sila tutungo."Ano bang meron?" naiusal ko sa kawalan.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa may tumawag sa pangalan ko.
"FIIIIEERRRCCCEEEE!!!" sigaw ng babae.
Nilingon ko ito at si Andrea pala yun, tumatakbo siya palapit sa akin.
Isang kunot noo ang salubong ko sa kanya."Fierce may result na daw," naghihingalong sambit nya.
"Result?" nagtatakang tanong ko.
"Inilabas na ang Top 20 Official Competitors na maglalaban laban next week," sabik na sambit nya sa akin.
Isa lang ang tumatakbo sa isip ko.
Isa kaya ako sa mga magko-compete?At sa hindi ko namamalayan, mabilis akong hinila ni Andrea .
"Kailangan ba talaga tumakbo pa tayo?" tanong ko sa kanya habang kami ay tumatakbo.
Hila hila nya ako habang tumatakbo ako sa may hallway.
At sa ilang saglit lang natanaw ko na ang isang kumpulan ng mga estudyante."Ay hindi na naman ako nakapasok," malungkot na sambit ng babae.
"Hayss paasa talaga," angal pa ng isa.
Pilit kaming sumisiksik sa kumpulan ng mga estudyante.
"Tabi tabi tabi," paulit ulit na sinasambit ni Andrea.
Tinutulak na nga niya yung iba para makasiksik lang kami sa loob.
Hanggang sa nasa harap na kami ng bulletin board.Sa pagkakataong ito mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Andrea.
Hanggang sa bumaling siya ng tingin sa akin."Kahit na anong mangyari magkaibigan pa rin tayo pagkatapos nito," pagsusumamong sambit nya.
OA naman nito sa isip ko.
Napatango nalang ako sa ka OA yan nya."Ok fierce sabay nating titingnan ang list," sambit nya.
"Whoooooowwhh pasado ako," tuwang tuwang sigaw ng lalaki.
Hanggang sa bumaling na kami ng tingin sa list.
At nagsimula na naming hanapin ang aming pangalan."Oh my god pasado ako," tatalong sigaw ni Andrea.
At inaamin ko kinakabahan na ako.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa mapako ang tingin ko sa mga isang pangalan at yun ay ang Sunny Fierce Clemente."Nakapasa din ako," nakangiting sambit ko.
"Mabuti pa sila nakapasa," tsismisan ng iba.
Hanggang sa niyakap ako ni Andrea.
"Sabi sayo kaya natin ito eh," masayang sambit ni Andrea.
Niyakap ko rin ng pabalik si Andrea.
Bilang thank you na rin dahil sya naman ang nagpush sa akin dito, para sumali sa kompetisyong ito."At tayo rin ay magiging bahagi ng Top 3 slot na yun," bulong ko sa kanya.
Hanggang sa may boses ng babae ang umugong sa mga speaker ng University .
![](https://img.wattpad.com/cover/146724879-288-k54496.jpg)
YOU ARE READING
THE RAPIST ( Not A Love Story)
Mystery / ThrillerThis story is unedited. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or...