CHAPTER 53: ANG GALIT NI FIERCE

987 31 9
                                    

RED

Kasalukuyang nandito ako sa Chapel kung saan nakaburol si King.
Kagagaling ko lang sa puntod ni Bro Dos Magno matapos nun ay dumiretyo ako sa bahay nila.
Tulad ng dati nagbitbit ako ng groceries para sa pamilya niya at nagbakasakali rin akong makakausap ko si Inay Nancy ngunit wala sila dun, kaya dating gawi iniwan ko nalang sa labas ng pinto nila ang groceries.

Gusto kong sabihin kay Inay Nancy ang lahat lahat kung paano magkaugnay ang nakaraan namin ni Bro Dos Magno.
Inaamin ko, natatakot din ako lalo na dahil mahalaga na rin sa akin si Inay Nancy at lalong lalo na si Enxo.
Natatakot akong kamuhian nila ako kapag nalaman nila ang katotohanan.
Natatakot rin akong malaman kung ano ba talaga ang katotohanan.

Actually nagmatigas lang ako na makalabas ng hospital dahil nga naconfined ako matapos ang confrontation namin ni Fierce.
Ayaw na nga  akong palabasin nila Mama at Papa, dahil mas lumalala ang sakit ko.

Pero hindi ko kayang tumigil nalang sa isang tabi dahil ang dami dami kong gustong malaman, dahil gulong gulo pa rin talaga ako.
Si Zoey bakit sinasabi niya sa diary niya na si Supremo ang rapist ni Fierce.
Si King, kung sino ang pumatay sa kanya?
Yung diary nasaaan na yun?

"King ano ba talagang nangyari?" usal ko kay King na nasa loob na ng kabaong niya.

Hanggang sa makaramdam ako ng presensya sa tabi ko.
Lumingon ako dito at si Andrea yun, sabay baling muli ng tingin sa kabaong ni King.

"Nakalabas na pala si Fierce sa hospital, gusto ko syang dalawin sa bahay nila pero natatakot ako. Natatakot akong madatnan kung anong klaseng Fierce  na ang meron ngayon," usal niya habang nakatitig kay King na nasa loob ng kabaong.

"Isang Fierce na punong puno ng galit," usal ko sa kawalan.

"Ano ba talagang nangyari? Totoo ba? Totoo bang nagahasa si Fierce? Totoo bang si Supremo ang rapist niya huh?, frustrated na usal niya.

"Si King siya lang ang may alam nun, pero wala na siya eh lahat tayo iniwan niya, iniwan nya sa ere," usal ko kasabay ng pagpatak ng luha ko sa kabaong ni King.

Sa puntong yun, pansin kong bumaling ng tingin sa akin si Andrea.
Samantalang nakatitig lang ako kay King na nasa loob ng kabaong.

"Fuck you King!!! Bakit sumuko ka? Ang daming bakit na naiwan, lahat kami litong lito, lahat kami gulong gulo. Ang daming tanong na ikaw lang ang makakasagot eh, kung nasaan yung diary? Sinong gumawa nito sayo, King gumising ka bumangon ka. King tangina naman eh bakit mo ako inunahan. Bakit ikaw pa yung nauna, sana ako nalang, sana ako nalang nang sa ganoon nabigyan mo ng kasagutan ang lahat ng mga katanungang ito, sana nabigyan mo na ng hustisya si Fierce," umiiyak na usal ko kay King.

Sa puntong yun bahagyang hinagod ni Andrea ang likod ko.
Agad ko rin naman siyang tinabig kasabay ng mabilis kong pagtalikod at pangiiwan  sa kanya.
Palabas na sana ako ng Chapel ng biglang makasalubong ko si Supremo at Jack.
Pare-pareho kaming natigil sa aming kinatatayuan.
Napakuyumos ang kamao ko kasabay ng puno ng galit na titig ko sa kanila.
Mas nagpakulo ng ulo ko ay  pagkatapos malaman ni Supremo ang mga pinaggagawa ni Jack kay Fierce, tapos ito magkasundo na ulit sila.

"Mag-usap tayong tatlo sa likod ng Chapel," maotoridad na usal ko sa kanila.

"Yeah, susunod kami," wala sa sariling usal ni Supremo.

Tumango nalang din ako sa kanya at mabilis syang nilampasan.
Nagtungo ako sa likod ng Chapel at doon hinintay sila.
Ilang saglit ng paghihintay ay dumating na rin ang dalawa.

"Tara sa presinto, magbigay tayo ng statement sa kapulisan," salubong na sambit ko sa kanila.

Bahagya kaming nabalot ng katahimikan.
Si Supremo animoy wala ng pakiramdam, para bang manhid na siya.
Samantalang si Jack napakamisteryoso pa rin.
At ako, ako pilit na nagpipigil ng emosyon, lalo na ng galit sa kan

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now