CHAPTER 23: CASE CLOSED

721 41 3
                                    



FIERCE POV

"Goodbye class, see you next meeting," paalam ni Prof. sa amin.

Dali dali namang lumabas si Prof sa room namin.
Maging ako kay lumabas na rin.
This is my last class for this day kaya tutungo na ako sa Bloody Zic Underground.
Pinatawag kami ni Supremo para sa pagpupulong ulit tungkol sa tangkang panglalason sa akin.

Kasalukuyan tinatahak ko na ang daan palabas ng University.
Speaking of Supremo nararamdaman ko nagiging cold na sya sa akin.
Kanina habang nagpeperform kami ng Biag ni Lam Ang sa Literature class namin , pansin kong nag-iba ang pakikitungo nya sa akin.
Siguro dahil na rin ito sa kahilingan kong tigilan nya na ako.

Samantalang si Red naman ngayon ay mas naging malambing at mabait na sa akin.
Pero hanggat maaari,iiwas at lalayo ako sa kanya.
Dahil ayoko naman na masaktan sya dahil si Dos lang talaga ang minahal ko, minamahal ko at patuloy kung mamamahalin.
Naging successful naman ang performance namin ng Biag ni Lam Ang at ang aming grupo ang syang may pinakamataas na grado.

Sa aking pagmumuni muni hindi ko namalayan nandito na pala ako sa labas ng University.
Hanggang sa makapara na ako ng taxi, dali daling sumakay dito at sinambit sa driver kung saan ang tungo ko.

Sa kalagitnaan ng biyahe mabilis kong binuksan ang smartphone kong nakakonekta sa spy wall clock sa Black Jack Gang office.
Sa pagbukas ko nito sakto na si Jack at Mateo lang ang nasa opisina na animoy may mahalagang bagay na pinaguusapan.
Dali dali nilakasan ko ang volume para mas marinig ang talakayan nila.

"Master Jack, naiinip na ako kailangan mo ba papasabugin ang malaking pasabog mo para kay Supremo?" tanong ni Mateo kay Jack.

Malaking pasabog para kay Supremo.
Ano ba talaga ang pinaplano nila kay Supremo?

"Easy ka lang, hayaan mo munang umangat pa ng umangat si Supremo nang sa ganoon mas masakit ang pagbagsak nya hahahaha," malademonyong sambit ni Jack.

Isang napakasamang plano ang meron sila para kay Supremo.
Pero ano yun?

Hanggang sa dumating na rin si Kevin sa opisina .
Sa puntong yun pinatay ko na ang spy cam .
At isang buntong hiningang malalim ang pinakawalan ko.

"Yeah, Fierce ang daming ahas sa palibot mo," usal ko.

Oo maraming ahas sa palibot ko.
Bukod kay na Jack, Raul at Mateo isa pang iniisip ko si Zoey.
Paano ko sya mahuhuli?
Paano ko sya mapapaamin na sya ang nagtangkang manglason sa akin?
Ganung hinala palang ang ebidensya ko laban sa kanya.

"Maam nandito na po tayo," sambit ng driver.

Hanggang sa matauhan ako at napagtantong nasa Bloody Zic Underground na nga kami.
Mabilis kong inabot sa driver ang bayad ko.
Mabilis rin akong bumaba sa taxi at nagdiretso na sa aming opisina.

Sumalubong sa akin sila Jack, Mateo at Kevin.

"Oh nandito na pala ang api," pangaasar ni Jack.

"Hahahahahahha so kamusta nahanap mo na ba ang taong papatay sayo?" sambit ni Mateo.

Isang nakakamatay na tingin naman ang isinukli ko sa kanila.

"Wag kayong mag aalala dahil ang aping ito ang magtatanggal ng mga sungay sa mga nangaapi," sambit ko sa kanilang dalawa.

Kabilang na sila dun sa mga tatanggalan ko ng sungay.
At kapag dumating ang panahong yun sisiguraduhin kong pagsisihan nila na kinalaban nila ako.

Hanggang sa kinuha ni Jack ang isang katerbang papeles sa table nya at mabilis na lumapit sa akin.

"Bago mo kami tanggalan ng sungay tapusin mo muna ang mga report na ito hahaha," sambit nya.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now